********
Happy 600 reads babes! :D Thank you for reading :DHagulgol ko lamang ang tunog na pumapailanlang sa aking kwarto. Ni hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na nadarama. Kinukuha sa akin ni Juliuz ang papel na aking hawak ngunit mahigpit ang pagkakahawak ko dito. Kaya hindi niya na pinikit pang kunin.
Hikbi lamang ako ng hikbi. Ang puso kong unti-unti pang dinudurog ng katotohanang sumasampal sa akin ngayon. Bakit may mga realidad na tila isang panaginip lamang. Isang bangungot na kahit kailan ay hindi mo matatanggap ngunit patuloy na dumadalaw sa iyo gising ka man o hindi.
"Lia, tell me what's wrong." Malambing nitong suyo sa akin habang hinahagod ang aking likod. Umiling ako dito at patuloy lamang sa pag-ingay. Ni hindi na makahinga sa pag-iyak. Napasabunot ako sa aking ulo dahilan kung bakit nabitawan ko ang papel na siyang agad na kinuha ni Julius at binasa.
Hindi ko makita ang ekspresyon nito habang binabasa dahil sa paglabo ng aking paningin dahil sa mga luhang umaalpas sa aking mata. Tila akong bata na hindi magkamayaw sa pagpalahaw. Hinawakan ni Julius ang aking baba at hinarap sa kanya ang aking mukha. Pinahid niya ang mga luhang butil-butil kung lumabas sa aking. Nakita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata. Tila sinasabing magiging maayos din ang lahat. Umiling ako dito.
"Shhhh.. tahan na." Malambing nitong suyo ngunit mas lalo lamang akong pumalahaw.
"Do you want your mother to see you crying? Do you want your mother to be sad too?" Umiling ako habang pinapahid ang mga luhang walang humpay sa pag-alpas.
"Then stop crying. She'll take care of you where ever you are. Think that she'll be happy now." Humihina na ang aking pag-iyak. Hindi pa rin matanggap ang pagpanaw ng aking ina. Ang aking ina na kasama ko sa lahat ng unos ng aking buhay ay yumao na. Ang sakit na aking nadarama ngayon ay hindi matutumbasan nang kahit ano. Hindi ko kaya. Hindi ko na alam. Ni hindi ko alam na may malubhang sakit siyang dinadamdam. Ni wala akong alam dahil masyado akong nasaktan ng dahil lamang sa isang walang kwentanh lalaki.
"Are you okay now? Please, next time, tell me the reason why you are crying. Because if you don't, I might punch everything I'll see just to stop you from crying." Napalingon ako dito. Tila mas naiiyak sa pag-aalagang ipinapadama. Ngumiti ako ng mapakla.
"Kailan ko ba matatanggap? Paano ko ba malalaman na tanggap ko na?" Nanginginig kong tanong dito.
"Walang basehan sa pagtanggap. Bigla-bigla na lang iyang nabubuo sa'yo. Parang isang kidlat na papasok sa kaibuturan mo. Yung tipong pagdilat mo nang mga mata mo at nilingon mo ang nakaraan ay wala ka nang mararamdaman kung di ang pagtanggap. Iyon lang naman ang paraan para makalaya." Nagulat ako sa mga pinagsasabi nito sa akin. Kung mga normal na araw lamang ito ay tiyak na tinawanan ko lang ito. Pero ngayon isa lang ang nagawa ko dito, ang yakapin ito at sabihing..
"Salamat." Naramdaman ko ang pagsagot niya sa aking yakap. Ang init na nanggagaling sa kanyang katawan ay tila lakas na bumubuhat sa akin upang tumayo at maging matatag. For a moment, gusto kong umiyak ulit dahil kahit papaano, hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos. He still give me someone who'll give me strength. Who'll make me want to stand up and move the shit out of life.
Pinatulog na ako ni Julius sa gabing iyon dahil may pasok pa kami kinabukasan. Sa pagod sa pag-iyak ay agad din naman akong nakatulog.
Maaga akong nagising kinabukasan. Nag-ayos na ako para makapasok. Hindi ko mapigilan ang pagtulala sa bawat ginagawa ko. Nang natapos ay lumabas na ako ng kwarto. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Julius. Ngumiti ako ng mapakla dito.
Ginulo ni Julius ang aking buhok at bahagyang ngumiti. Hinawakan niya ang aking kamay na nagdala ng elektrisidad sa aking braso patungo sa aking puso. Napapitlag ako ngunit nakaraos din ng hilahin niya na ako pababa ng hagdan.
Nakarating kami sa school ng matiwasay. Tulala man ay nakakasagot naman sa mga tanong ni Julius sa akin kahit papaano.
"I'll take you to your room, okay?" Malambing nitong tanong sa akin na sinagot ko lang ng tango.
"Focus okay? Everything's gonna be alright.. soon.." Payo nito sa akin at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin. Uminit ang puso ko sa dala nitong positibong enerhiya. Mabuti na lang at nandyan si Julius.
"Rose!" Sigaw ni Anthony sa akin ng tumapak kami sa tapat ng gate. Walang buhay ko siyang nginitian at dumirestso na patungo sa aming silid-aralan.
Nakita ko ang pagtikhim ni Julius at pagtingin kay Anthony ng sumabay ito sa amin at kuhanin ang aking kamay.
"Hey, are you alright?" Malambing nitong tanong sa akin. Kitang kita sa mga singkit nitong mata ang pag-aalala.
"Stop goofing around Anthony." Bumaling si Julius sa pagitan ng aming mga kamay at pumagitna doon upang paghiwalayin ang mga ito.
Napakunot noo si Anthony ng bigla akong akbayan ni Julius at hilahin patungo sa room. Tulala lang akong naglalakad habang si Julius ay walang patid ang ngisi at nakatingin sa gulong-gulo na si Anthony.
"Pasok na ako. Salamat sa paghatid." Nawala ang pagngisi ni Julius ng bumaling ito sa akin. Napalitan ng nag-aalalalng mukha ang pilyong mukha nito. Napailing ako at dumiretso na sa loob habang naaalangan sa mga titig ni Julius sa na tumutusok sa aking likuran.
Naging mabagal ang araw na iyon sa akin. Ni wala ako sa huwisyo sa pagsagot ng mga tanong ng aking guro at mga kaklase. Tango at iling o oo at hindi lamang ang naibibigay ko sa kanilang sagot. Tahimij lamang ako sa sasakyan ni Julius. Ni hindi ko rin nakausap si Anthony kanina o hindi lang niya talaga ako kinausap noon? Hindi ko alam. Gulong-gulo ang utak ko kung bakit ayaw akong payagang pauwiin ng aking ina gayong siya ay namatay na. Nakukutuban ko nang inililigtas lamang akong nang aking ina sa pighating maaaring idulot sa akin ng pagbabalik sa aming probinsya.
Nang makarating kami sa bahay ay para aking robot na dire-diretso sa aking kwarto.
"Hey. Hey, Lia!" Tawag ni Julius sa akin ng nakatuntong na ako sa palapag ng hagdan.
"Kanina pa kita tinatanong kung saan ka matutulog but your too pre-occupied." Mariing bulong nito nang magkaharap kami sa gitna nang hagdan. Yumuko ako at nagkibit-balikat dito. Hanggang ngayon ba naman yun pa rin ang iniisip niya.
"Hindi ba makakapaghintay yan?" Mariing tanong ko dito habang nagpatuloy na umakyat sa taas.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong nito. Napairap ako sa iritasyon.
"Yang pagpapagaling mo." Galit kong wika dito habang nililingon ito nang may matatalim na mga mata.
"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin Lia!" Pagpapaliwanag nito. Binuksan ko ang pintuan at dire-diretso ang pasok dito. Gayun din ang ginawa ni Julius. Natigil ako sa pag-upo sa kama ng hilahin ako nito paharap sa kanya at tinupok ng halik ang aking mga labi. Mga halik na tila winala ang mga problemang pasan-pasan ko ngayon. Binigyan nita ako ng mga halij na pinapawi ang mga sakit at sugat na natatamo ko ngayon. Ang mga halik na tila ayaw mong kumawala dahil akala mo'y ito ang magliligtas sa'yo sa kahit anong panganib ngunit ito pala ang nagbibigay nang pain.
Dahan dahan dinadama ng mga labi niya ang labi ko. Hilong-hilo na ako sa sensasying idinudulot nito sa aking pagkatao. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at itinaas iyon. Saka dahan-dahan akong pinahiga sa malambot na kama ng aking kwarto. Ang kamay nitong nakahawak sa dalawa kong kamay ay dahan-dahang nilalakbay ang aking braso, pababa sa aking kili-kili. Nagbigay ito ng bomba sa aking pagkatao. Napa-ungol ako sa halik nitong binibigyang tunog ng pinaghugpong naming labi. Tila ako sasabog sa mga halik nito ngunit ang pagsabog ay naantala din dahil sa pagtunog ng aking cellphone na nasa aking bulsa.
****
Sorry for the late update babies. I'm so busy at school. And I hate all the people in out house XD I hate my professor in my major subject! :( I hate them all. But I love you my babies! Hahahaha!
*doll_eye

BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
Fiction générale"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.