********
Napabalikwas ako ng pumasok si Julius sa aking kwarto. Nakalimutan ko palang i-lock iyon at hindi pa ako nakakapagpalit ng pangbahay.
"Gabi na Julius. Matutulog na ako. Bakit ka nandito?" Takang tanong ko dito. Tumitig lamang ito gamit ang malamlam niyang mga mata. Ni hindi ko mabasa ang iniisip niya.
"Ano na?" Ulit kong tanong. Bumuntong hininga siya. Tila hindi mapakali. Tila may gustong sabihin ngunit hindi niya magawa.
"Sa Lunes magpa-enroll na tayo ha?" Pagtatapos nito sa katahimikang bumalot sa amin.
"Wala pa akong pangtuition." Mabilis kong tugon dito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila ako kinakabahan.
"Ako nang bahala do'n. Mom gave me your tuition fee for the whole semester." Maagap at tila hindi mapakaling pagkukwento nito.
Tango lamang ang naisagot ko dito. Nanatili itong nakatayo sa pintuan.
"May sasabihin ka pa?" Matapang kong tanong dito.
Tumitig siya. Tila nagdadalawang isip kung anong gagawin. Binigyan ko siya nang nagtatakang mukha."Would you mind to join me in bed?" Literal na nanlaki ang mata ko.
"Anong sinasabi mo?!" Galit kong tanong dito at binato ang nadampot kong unan. Mabilis itong nakailag. Tila nataranta sa inakto ko.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I thought you want to sleep in my room. That's it. Nothing less, nothing more." Paggigiit nito na siyang pinanliitan ko nang mata.
"Nakadrugs ka ba? Ayoko. Lumabas ka na. Hindi ako isa sa mga koleksyon mo." Masungit kong wika dito at napagpasyahang itulak patungo sa pintuan.
"Okay. But please...please... don't cry." Seryosong sagot nito at ginulo ang buhok ko.
Hindi ko maunawan ang naging pag-akto ng puso ko. Mali ito. Una ko itong naramdaman dati. Mali ito. Mali ito dahil mali siyang tao. Hindi ang kagaya niya. Pagod na din ako. At hinding hindi ko na kaya ang isa pang drama sa buhay.
Sumapit ang Lunes at nagpaenroll nga kami ni Julius. Hindi ito umimik habang bumabyahe kami patungo doon. Tila din malungkot ito o kung ano man.
"May problema ka ba?" Basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin.
Napasulyap ito sa akin at agad na ibinalik ang tingin sa daanan.
Nakita ko ang marahan na pagtango nito.
"Gusto mo bang pag-usapan?" Nag-aalalang tanong ko dito. Si Julius Montemayor, may problema? Bago ito ah!
"Hindi ikaw ang taong gusto kong makarinig ng problema ko." Mariing sagot nito. Tila may kurot akong naramdaman sa aking dibdib. Tila nandilim ang aking paningin at naalala ag bagay na nakalimutan. Dahil na rin sa pagkalapit ko sa kanya, nakalimutan kong iba pa rin ang mundo niya.
"Eh, sino bang dapat makarinig niyan?" Maliit ang tinig na lumabas sa aking bibig. Tial naging sampal din ang sariling kataga sa akin.
"No one?" Hindi siguradong sagot nito. Tumikhim ako at hindi na nagsalita pa.
Nang makarating kami sa unibersidad na aming papasukan ay hindi ko naiwasan ang pagkamangha. Swabeng swabe niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa parking lot ng eskwelahan. Pinatay niya ang makina nito.
"We might see Drake, so be careful. Stay with me no matter what, okay?" Madiing wika nito bago lumabas ng kanyang kotse. Stay with you mo mukha mo ikaw nga itong nang-iiwan eh. Napangiwi ako sa isiping iyon kaya lumabas na ako ng sasakyan.
Nasa parking lot pa lang kami ay ang dami nang bumati dito. Mga schoolmates niya siguro sa dati nitong paaralan. Lumapit ako sa mga ito. May limang taong naroon. Tatlong lalaki at dalawang babae. Isa si Drake sa mga lalaking iyon, kaya nagdalawang isip pa ako sa paglapit dito ngunit itinuloy ko pa din. Halos lahat sila ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Matatangkad lahat at biniyayaan ng naggagandahang mga mukha. Wala ka nang mahihiling sa kanila kundi ang ugali lamang. Nagkibit balikat ako.

BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
Fiksi Umum"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.