Chapter 2

21K 382 13
                                    

***********

"Lia, bilisan mo na! Tumatawag na sakin si Drake!" Katok ni Julito sa pintuan ng aking kwarto.

Hinayaan ko siyang umiyak doon. Pinagmasdan ko pang mabuti ang itsura ko sa mahabang salamin. Hapit na hapit ang bistidang ito sa aking katawan at tumangkad naman lalo ako sa high heels na ang suot. Sumisilay din ang hiwa sa pagitan ng aking dibdib kaya pilit ko itong itinataas. Ngunit umiiksi naman sa baba. Wala akong choice. Naglagay ako ng pulang lipstick na kasama din sa ibinigay na dress ni Julito. Hinyaang bumagsak ang itim na itim at tuwid kong buhok.

Bumuntong hininga ako.

"Lia! Sasamahan mo pa ba ako o ano?" Iritableng sigaw ni Julius galing sa labas ng aking kwarto.

Nagtungo ako sa pintuan upang lumabas na. Binuksan ko ang pinto.

"Tara na." Anyaya ko kay Julius na siyang nakatulala na sa akin.

"Ano? Ang pangit ko ba? Hindi naman kasi bagay sa akin ang damit na 'to eh!" Pagmamaktol ko dito. Tulala pa rin siya sa akin siguro nga ay hindi bumagay sa akin ang damit na kanyang ibinigay.

"Ano ba kasi yung bar na sinasabi mo?" Tanong ko pa dito na siyang nagpabalik sa huwisyo nito.

"Bar. Hindimo alam ang bar? Saang lupalop ka ba galing?" Pang-aalipusta nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Come on. Bar is the place wgere you can be free." Aba't in-english pa ako.

"Aren't you're free?" Tanong ko dito sa matigas na ingles. Nagulat ko yata dahil lumaki pa ang mata nito. Nakakatawa naman 'tong si Julius.

"I am. But I am more free there." Tugon niya na sinabayan pa ng kindat. Inakbayan niya ako at nagtungo na kami sa baba ng kanilang bahay.

Sumakay kami sa kanyang sasakyan. Sa driver's seat niya ako pinaupo. Tumayo naman ang aking balahibo nang umiksi lalo ang dress ko dahil sa pagkakaupo.

"Sana sinabi mong ayaw mo akong pagdamitin. Tignan mo 'tong binigay mo sa aking damit napakarevealing!" Pagmamaktol ko at tinuro pa ang bandang hita kaya napatingin siya dito. Nakita ko ang paglunok niya.

"Bakit papayag ka ba nang wala kang saplot na suot?" Panunuya nito sa akin. Pumula naman ang pisngi ko sa kahihiyan kaya pinagsasapak ko ang kanyang braso.

"Easy lady. I am driving!" Wika niya habang humahalakhak.

"Bastos mo!" Sigaw ko dito.

Tumawa lang siya ng tumawa. Ako naman ay pulang-pula ang mukha sa pagkainis. Mabilis niyang pinark ang kanyang sasakayan at pinatay ang makina ng nakarating kami sa isang maingay na lugar.

"You stay with me no matter what okay?" Utos nito sa akin na siyang tinugon ko ng tango.

Lumabas kami nga sasakyan.

"Bro!" Isang mala-Adonis na lalaki ang bumati kaagad kay Julius. Nakipaghigh five ito sa kanya. Nakipagkwentuhan saglit at saka lamang ako napansin nang luminga-linga ito.

"Hi miss." Bati nito sa akin gamit ang isang malambing na boses.

"Ah. Hi." Nahihiya kong sagit dito. Sumilay ang ngiti niti sa kanyang labi. Dinaluhan naman ako ni Julius.

"Easy there bro. She's with me." Matigas na tinig nito sa lalaking nasa harapan.

"Oh well. I am Drake by the way. And you are?" Naglahad ito ng kamay. Binalewala ang sinabi ni Julius. Parang nahiya naman tuloy ako sa pangalan ko.

Pumula ang pisngi ko nang abutin ko ang kamay niya.

"Rosalia." Mahinhin kong wika dito. Hiniling ko na lamunin na lang ako nang lupa. Ngayon lang sa tanang buhay ko ako nahiya ng dahil sa pangalan.

"What a lovely name." Panunuya nito sa akin.

"Come on Drake. Just get another girl inside." Matimtim na sabat ni Julius.

Hinila na ako ni Julius papasok sa loob ng bar. Humalakhak naman si Drake na nakasunod na sa amin.

Nakakamanghang mga ilaw at usok ang sumalubong sa amin. Naubo pa ako sa sobrang usok dito.

"You're being possesive Julius. Is she yours?" Komento ni Drake kay Julius nang maupo kami sa isang paikot na sofa. Naasiwa na naman ako dahil umiksi na naman ang dress na suot ko. Narinig ko pa ang pilyong sipol ni Drake.

Nagtiim bagang lamang si Julius dito.

"Huy. Napaano ka naman?" Kinalabit ko siya nang maupo ito sa tabi ko. May dumating na waiter at nag-order si Drake ng mga... hindi ko alam kung ano 'yon. Vodka? Tequilla? Ano ba yung mga 'yon?

"Nothing. Are you drinking?" Tanong nito na ipinagtaka ko.

"Malamang! Sino bang tao ang hindi umiinom?" Sigaw ko sa kanya sa gitna ng malakas na tugtog. Nanlaki ang kanyang mata at humalakhak ng malakas. Napakunot noo naman ako sa inasal niya.

"Sometimes, Lia, your innocence makes you stupid." Hindi pa rin mapatid ang kanyang pagtawa.

"What he mean is, are you drinking liquors?" Pagpapalabok ni Drake sa sinabi ni Julius na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Pinanlisikan ko na ito at saka lang tumigil.

"Hindi pa ako nakakainom ng kahit anong alak." Sagot ko nang pasigaw kay Drake. Nakita ko ang pagnguso ni Julius sa aking gilid. Tila pinipigilan ang pagtawa muli. Walang hiya talaga 'tong Julito na 'to.

"So.. Lia... How innocent are you?" Napaigtag ako sa biglang pagtabi ni Drake sa akin. Hinanap ng mata ko si Julius at namataan ko siyang nasa dancefloor at nakikipagsayaw sa isang sexy-ng babae. Ginagawa na naman nito ang ginagawa niya sa halos lahat ng babaeng dinadala niya sa kwarto ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Balik tanong ko. Medyo inilapit ko ang mukha ko sa kanyang tainga para marinig niya.

Bahagyang nagulat pa ako ng pumulupot sa balikat ko ang kanyang kaliwang kamay. Sa nerbyos na nadama ay ininom ko ang likidong nakalagay sa isang maliit na baso. Akmang pipogilan akp ni Drake ngunit hindi na niya naituloy nang naubos ko na ang laman nito. Napapikit naman ako sa hagod ng pait nito sa aking lalamunan. Uminit ang sikmura ko nang dumating ito doon. Parang naumpog ang aking ulo sa pader.

Tumaas ang balahibo ko nang may naramdaman akong humahaplos sa aking kanang hita. Gusto ko itong pigilan, ngunit ang epekto ng aking ininom ay pinapahina ang kontrol ko sa katawan.

May nag-abot pa sa akin ng isang baso. Tila robot ang aking kamay na inabot ito. Hindi ko alam, pero kahit na mapait ito ay magugustuhan mo. Masasarapan ka. Masisiyahan ka. At mababaliw ka.

Ang kamay na humahaplos sa aking hita ay tila umaangat. Tila may gustong puntahan. Umalpas ang ungol sa aking mga labi ng nakaramdam ako ng hininga sa aking tenga pababa sa aking leeg.

"You're making me crazy, Lia. You moan like an angel who is hunger for something. Craving for something." Bulong ng lalaki sa aking tainga. Ni hindi ko na mahinuha kung kaninong boses ito.

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Hinahaplos ng kanyang kaliwang kamay ang aking likod na siyang nagdadala ng sensasyong nadarama ko. Ang isa naman niya kamay niya ay nananatili pa rin sa aking hita. Maya-maya pa ay biglang may kumalabog na siyang nagpabalik ng aking katinuan.

At doon nakita ko ang nagpupuyos niyang mga mata. Ang matang ngayon lamang tumingin ng ganoon sa akin. Galit siya galit na galit. Pero bakit?

*******

Ginugulo po ako ng boyfriend ko sa pag-update huhuhu :'( buti nairaos ko 'to. MAYBE I'll update again tomorrow :) Thank you for reading! :D Sorry for the typos (kung meron man) tinatamad na akong i-proof read dahil maglalaba pa ako ng uniform! Hahaha :D

*Doll_eye.

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon