Chapter 37

12.2K 215 2
                                    

******* *******

Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Julius sa mga nagdaang araw. Siya na rin ang naghahatid sundo sa mga bata sa tuwing pumapasok. Kita ko na pursigido siyang maging isang ama sa kambal.

Linggo ngayon at nagpaalam siyang ilalabas niya ang kambal.

"Hindi ka sasama samin?" tanong niya habang sinusuklayan ko ang buhok ni Jalyza. Nakapangbahay lamang kasi ako ngayon. Sa katunayan maraming kailangang gawin sa restaurant kaya hindi ko naisip na sumama. Isa pa, I'm giving him the opportunity for our children. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Nope. You need time to the kids so I won't come para ma-solo mo naman sila." ngumiti ako. Hindi alam kung bakit nag-iinit ang buo kong pagkatao. Tila kinikiliti rin ang aking tiyan sa nararamdaman. Why am I feeling something like this?

"Mommy I want you to come with us." singit ni Jalyza. Nagtaas ako ng kilay. Nakita ko ang ekspresyon ni Lindawn. Ngingiti ngiti ang loko. Ngayon ko lamang siya nakitang ganyan. Tila may binabalak na masama.

"What's with you Lindawn?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya. Agad na binago ang ekspresyon at nagsungit ulit ang mukha. Manang-mana talaga sa pinagmanahan.

"Nothing mom." saka umirap sa akin. Binalingan kong muli ang nagsusumamong mukha ni Jalyza. Napairap rin ako.

"Saan ba pupunta?" masungit kong tanong kay Julius.

"Maglalunch muna kasama si Mommy. Tapos manonood ng sine at mag-aamusement park. Ganoon lang." napataas ako ng kilay ng malamang kasama ang kanyang ina. Tila may umahong nagpupuyos na galit sa aking dibdib. Hindi ko pa nakikitang muli ang kanyang ina simula nang pinalayas niya ako.

"Oh? Alam na pala ni Senyora ang tungkol sa kambal?" sarkastiko kong sinabi sa kanya. Nagtataka ang mukhang ipinakita niya sa akin.

"Oo. Katunayan nga sabik na siyang makita ang kanyang mga apo." ngumiti siya sa kanyang sinabi.

"Oh talaga?" sarkastiko kong sagot sa kanya. Napakunot noo siya sa tono ng pananalita ko. Lumapit ako sa kanya. At saka bumulong.

"Siguraduhin mo lang na gusto talagang makita ng mama mo ang kambal. Saktan niya na ako't lahat wag lang ang mga anak ko." mariing wika ko sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Maya-maya pa ay umigting ang kanyang panga.

"Wag ka nang magdala ng sasakyan." Utos niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Gumayak na ako ng mabilisan lamang.

I wear a simple white sleeveless dress. A little make-up on. Nang bumaba ako ay tumulak na rin kami agad paalis.

As expected, sa isang magarbong restaurant nuya kami dinala. Pagpasok pa lamang ay binati na siya ng waitress. Nakuha pang magpa-cute ng bruha. Tila automatic na tumaas ang kilay ko sa babaeng haliparot na ito.

"Mr. Montemayor your mother is waiting for you at the VIP room." Wika ng waitress na sa tantsa ko'y edad bente anyos.

Naramdaman kong marahang hinila ni Lindawn ang aking kamay. Kumunot ang noo ko sa kanya ng dinungaw ko siya. A grin is plasterred in his face.

"What?" Tanong ko sa kanya at bahagyang yumuko para maabot ng mukha ko ang mukha niya.

"Mom, I can sense your jealous aura over here. Chill you got him." Bulong niya sa akin na nagpalaki ng mata ko.

"Watch." Dagdag niya pa.

"Hey dad, look at that man." Tawag niya sa kanyang ama. Dad huh?! Tunignan ko naman ang nginuso niya.

"I think she's looking at my mom. I'm disgusted." Dagdag pa niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Julius. At matalim na tinignan ang lalaking nakatingin nga sa akin. Tumaas ang kilay ko ngunit nabigla ako ng biglang may malaking kamay ang humila sa akin saka pinulupot mga ito sa aking beywang. Nanlalaki ang mata ko ng nakita ang pagkindat ni Lindawn. Pati ang medyo nairita na mukha ng waitress. Nanayo ang balahibo ko nang maramdaman ang init ng kanyang katawan. I feel so uneasy being close to him  like this.

"Its okay son. Your mom is mine by the way.
They can look but can't do what I can do with her." Umirap siya at nag-aya nang pumasok sa VIP room.

Tumango ang kambal. Hawak ko si Jalyza sa kabilang kamay at si Lindawn naman sa kabilang kamay ni Julius. His arm is still in my waist.

"I can't believe that even you are a mother of two, you're still attracting men!" Gigil niyang bulong sa akin.

"I am not attracting men! Even you!" Giit ko sa kanya.

"But you are attracting me sweetheart. You're making me... Urrgggg!" Hinilamos niya ang kamay niyang nakahawak kay Lindawn at ibinalik ulit sa pagkakahawak sa bata. Hindi na ako nagsalita at lihim na lamang na napangiti.

Malapit na kami sa VIP room. At hindi ko talaga ma-gets bakit doon pa kami kakain eh lima lang naman kami? Arte talagang ng nanay nitong kumag na 'to.

"Are you excited meeting your lola?" Tanobg niya sa kambal bago buksan ang pintuan. Binitawan niya na ako ngunit ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Tss.

"Yes. I hope she will like us." Maliit na boses na wika ni Jalyza. Ang maamo nitong mukha ay nakakaawa. I hate seeing my kids like that. Binitawan ni Julius ang kamay ko at umupo upang magpantay sila.

"She will. Just like your how I love you. Because you are lovely, lovely as your mom." Sagot niya dito.

"So you love mommy too?" Napasinghap ako sa tanong ni Jalyza. Bago pa sumagot si Julius ay inunahan ko na.

"Baby, you don't ask questions like that okay? Its for old people's business okay?" Tumango si Jalyza.

"Let's go na." Yaya ko. Tumayo na kami ni Julius. Tumitig pa siya sa akin. Nang may pagsusumamo sa mga mata. Come on don't make it hard for me. Umiwas ako ng tingin. Binuksan niya na ang pintuan at nakita kong may katable na babae ang kanyang ina. Kilala ko ang babaeng iyon. Kilalang kilala.

------
A/n: So ito na po ang matagal na update na ginawa ko. Huhuhuhj. Super MIA ako ng sobrang tagal. 💔💔 anyway salamat sa mga nag-antay. Sana magustuhan niyo 'to. Malapit na malapit na!!!! Sino kaya yung babaeng 'yon hahaha.

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon