Chapter 11

17.9K 296 1
                                        

*******

Dalawang linggo na ang lumipas nang yumao ang aking ina at unti-unti ko nang natatanggap ito. Tama nga si Julius, ang pagtanggap lang ang makakapagpalaya sa atin sa sakit at pighati. Kung hindi mo matatanggap ang isang bagay, paano ka magiging malaya?

Kasalukuyan kaming nagmemeryenda ni Anthony sa cafeteria. Hindi ko kasama ngayon si Julius dahil nagtry-out daw ito sa basketball.

Sumubo ako ng fries na nasa aking harapan at hinarap muli ang librong ipinababasa sa amin ng aming propesor.

"Did you know Bob Ong isn't revealing his face in public?" Komento ni Anthony bago isinubo ang burger na kanyang in-order.

Ngumiti ako dito nang makita kung gaano siya kaseryoso sa sinabi niya. Nakakatuwa ang paiba-ibang itsura nito sa iba't-ibang mood niya.

"Oo alam ko iyon." Ngumiti ako ng nakita ang pagpunas nito sa ketchup na nagkalat sa kanyang labi. "Ang cute cute mo!" Bulalas ko dito at humalakhak. Kinirot ko pa ang dalawang pisngi nito. Tuwang-tuwa ako nang magreklamo ito sa sakit.

"Maliit ba ako para maging cute?" Inosenteng tanong nito. Ang tsinitong mata nito ay nangungusap na bigyan siya ng sagot. Tinaasan ko ito ng kilay habang pilyong nginingisihan ito.

"Maliit lang ba ang cute? Ang cute mo kaya." Pamimilit ko dito. Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi na mas lalo niyang ikinagwapo. Pero dahil makulit ako ipinilit ko ditong mas lalo siyang cute pagnagba-blush.
Nagtatawanan kami habang nag-aasaran.

"May alam akong mas cute kaysa kay Anthony." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pamilyar na boses sa aking likod. Nakita ko itong umuupo sa aking tabi. Tagaktak ito ng pawis at nakasuot ng puting jersey. Kitang-kita ko ang madilim niyang mukha na tila nabubwisit na naman sa mundong ginagalawan nito.

"Ano?" Inosentong tanong ni Anthony. Para itong bata na nagpapaawa dahil hindi nabigyan ng candy. Lalo akong nahumaling sa itsura nito.

Matalim ang tingin ni Julis ng kinirot ko ang pisngi ni Anthony. Napanguwi ako ng salubungin ko ang galit nitong mukha.

"It is a soft thing. Sometimes it is small, sometimes it is big. But I prefer the small one. Because I want to be the one who'll make it big." Ngumisi ito nang nakita ang panlalaki ng mata ko. Nanlamig ako sa sinabi niya. Tila nahiya ng nalaman kung ano ang ipinaparating nito.

"Too bad you can't see it Anthony. Because I am the only who is allowed." Hindi natanggal ang mga tingin nito sa akin. Ako na mismo ang umiwas dito at kitang kita ko ang pagiging inosente ng mukha ni Anthony habang hawak hawak pa rin ang burger nito. Nangunot ang noo ni Anthony.

"You're dirty mind is playing again, Juls." Ngumisi si Anthony dito ng lumingon si Julius sa kanya. Ang mukha ni Anthony na naging matured dahil sa topic. Ang gwapo.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kanilang tawanan at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Hey." Bulong ng aking katabi sa akin. Napakunot noo ako. Ano na naman kayang problema ng isang ito?

Dinungaw ko ang upuan sa harapan ko at napagtantong wala na doon si Anthony. Bumaling ako kay Julius.

"Nasaan si Anthony?" Tanong ko dito. Biglang dumilim ang mukha nito. Tila lahat ng sinabi ko ay mali.

"Tinawag ng kambal niya." Malamig nitong tugon na sinuklian ko ng tango.

Ibinalik ko ang tingin ko sa aking libro. Naubos ko na ang fries na aking kinakain kaya tila nanamlay ako.

"Tinakbo ko ang gym para makarating dito. I want to surprise you. But it turns out that I'm the one being surprise. A vision of two people giggling to each other? Wtf right?" Napalingon ako sa nanggagalaiti nitong pananalita.

"Hindi ko naman hiniling ang mga iyon sa iyo. And who's giggling to each other huh?" Masungit kong wika dito ng mapagtanto ang panunumbat nito.

"You know, Anthony told me he likes you. He likes you damn much and he is just waiting for the right time to make a move. Now tell me, do you like him?" Matiim niya akong tinitigan sa aking mata. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong usapan.

"Wala akong gusto sa kanya. Bakit ka ba ganyan ang reaksiyon mo. Kung umasta ka parang may relasyon tayo ah?" Masungit ko ditong pangangaral. Ngunit ng mapagtanto ko ang aking sinabi ay sa akin din bumalik. Ang realisasyong wala kaming relasyon. Gamot niya lamang ako sa kanyang sakit. Tumitig siya sa akin. Tinititigan niya ang aking mga matang may nagbabadyang luha sa galit at sakit.

Nakita ko ang pagkislot ng kanyang panga. Tila mas lalo pang nainis sa aking sinabi.

"No. We have a relationship." Napasinghap ako sa sinabi niya. Tila nabuhayan ng pag-asa ang puso kong nayanig nang katotohanan. Ngunit agad ding bumagsak ang pundasyon ng aking pag-asa ng ipagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.

"You are my bed warmer. Remember?" Matalim niya akong tinitigan. Tila sinasadya niya akong masaktan at nais itong saksihan.

Iniwas ko ang tingin ko dito. Nagkibit balikat ako at tumango. Pinipilit ipakitang hindi ako nasasaktan. God knows how hurt I am. How wreck I am.

"Wala ka bang assignment? Gawin na natin 'yon dito. After all assistant mo pa din ako." Malumanay kong tugon dito habang malamlam ko siyang tintigan. Sinalibong niya ang titig ko. Tila binabasa nito ang aking iniisip.

"Don't act like you're hurt." Madiing wika nito na nagpalaki ng aking mata. Hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin Julius?" Mariin ko ding tanong dito. Malakas ang kalampag ng puso ko. Alam niiyang nasasaktan ako ngunit mas pinili niyang isipin na nagkukubwari lamang ako. Anong problema nitong taong 'to?

Inirapan niya lamang ako at uniwas ng tanong. Mas lalo siyang gumagwapo sa tuwing seryoso. Gano'n yata talaga siya. Ang panga nitong perpektong inukit ay hindi natitigil sa pagkislot, tanda na galit ito. Ang kamay nitong nakapangalumbaba ay mas lalong dinepina ang kagwapuhang angkin ng lalaking nasa tabi. Tila may isip ang aking kamay at hinawakan ang kanyang likod. Hinaplos ko ito upang pakalmahin siya.

Napalingon ito sa ginawa ko. I give him a sweet smile. Bumigat ang paghinga nito. Ramdam ko ito sa kanyang likod.

"You know what I felt when I am seeing you with Anthony. And the two of you is laughing your ass out? Do you what I feel?" Mariing tanong nito na inilingan ko.

"I want to pin you down on my bed so that I'm the only one who can see you. Everything in you. I become selfish when it comes to you, and I don't know why. I fvcking don't know why!" Mariin ngunit mahina nitong tugon sa akin. Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. It gives butterflies on my stomach. The hope that had been destroy is rising again. His words give me hope. He gives me hope.

"And when I saw you crying do you know what I felt?" Hinawakan ang kamay ko na nasa kanyang likod. Umiling ako. Nangingilid na ang aking luha.

"I feel like protecting you from whatever can hurt you. Your tears are so precious. It can't just flow for someone who hurt you. I want to see you crying for happiness. I want to see you crying for me. I want to be your happiness. Your only happiness." Mabilis niyang tugon at saka ako niyakap. Ang nangingilid na luha lamang kanina ay tuluyan ng bumagsak. He is right. He is my happiness. I am crying because of happiness.

"Am I your happiness now?" Tanong nito nang naramdaman ang paghikbi ko.

"Indeed." Sagot ko dito at mahigpit siyang niyakap. Sinuklian niya ang tumbas ng yakap ko. Wala na kaming pakialam kung nakatingin sa amin ang mga tao sa cafeteria. It feels like we are the only people there. Nag-iinit ang puso ko sa senaryong ito.

"I hope the time stop for us." Bulong nito at hinalikan ang leeg ko ba nagdala ng init sa buo ko pang katawan. Still the naughty but romantic Julius I guess?

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon