Chapter 16

14.5K 243 7
                                        

*********

Ginawa ko ang mga assignment ko para sa araw na iyon. Wala akong ginawa kundi ang gumawa nang kung anu-ano. Ayaw kong sumagi sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Madamme.

Nakakatanggap ako ng mensahe galing kay Julius ngunit hindi ko ito nirereplya-n.

Maya-maya ay nakatanggap ako ng mensahe kay galing kay Anthony.

From: Anthony

You free tonight? Let's have a dinner and watch a movie.

Napangiti ako. He probably thinks that I'm lonely here without Julius. Malungkot pa rin naman ako kahit nandito si Julius.
Alas kwatro pa lamg naman ng hapon. Siguro ay pupwede.

To: Anthony

Sure thing. Paalam lang ako kay Madamme :) Saan pala tayo?

Mabilis kong isi-nend iyon. Binasa ko ang mga text ni Julius sa akin.

From: Julius

Ain't replying? I missed chillin' with you. Are you busy?

Tumipa ako ng irereply dito.

To: Julius

Lil' busy. Aalis kami ni Anthony. Saka gumawa ako ng homework kanina. Kamusta?

Iyon lamang ang nireply ko sa kanya. Siya ang nagp-plan ng phone na ito kaya dapat ay i-text ko siya kahit papaano.

From: Julius

Ah k.

Maiksi nitong reply sa akin. Siguro ay naisip niyang hindi na dapat niya ako kinakamusta. Magtitipa sana ulit ako ng text ngunut bigla ulit tumunog ang cellphone ko. Agad-agad kong binuksan ito sa pag-aakalang may idudugtong si Julius sa repky niya ngunit galing ito kay Anthony

From: Anthony

Here in front of your door. Been talked with tita and she says yes. :)

Nakakahiya naman! Si Anthony pa ang nagpaalam sa akin! Parang si Julius. Siya lagi ang nagpaalam sa akin sa lahat ng bagay. Miss ko na rin siya.

Bago pa ako maging malungkot ng tuluyan ay nag-ayos na ako ng sarili. Sinuot ko ang luma kong bistidang puti at flat shoes na puti rin. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang pagiging maayos ko. Naglagay ako ng kaunting lip gloss sa aking labi. Inayos ang buhok saka nagtungo sa pintuan. Dala ko ang aking wallet at cellphone at inilagay sa maliit na bag.

"Hi." Ngiti ko sa nanlalaki ang mga matang si Anthony. Nakasuot ito ng maroon na round neck shirt at maong na pantalon. Gwapong gwapo itong nakatulala sa akin.

"Ah. B-Bakit?" Nagtataka kong tanong dito.

"Nothing..." Ngumiti ako at isinabit niya ang ilang hibla ng aking buhok sa aking tainga. " ... I was just mesmerized." Ngumiti ito ng pagkatamis kaya napangiti din ako.

"Let's go." Iniangat nito ang kanyang kamay. Walang pasubali ko itong tinanggap. Hindi katulad ng kay Julius na kinakabahan pa ako. Kay Anthony, normal lang. Walang takot. Walang kaba.

"Salamat sa pagpapaalam para sa akin." Wika ko dito habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan.

"Wala iyon Rose." Ngumiti ito ng pagkatamis bago umikot sa kanyang upuan. Tahimik lamang kaming dalawa habang tinatahal ang kahabaan ng daan. Ang saliw lamang ng kanta sa radyo ang maririnig.

"Hey! I love that song." Bulalas nito ng pumailanlang ang True ni Ryan Cabrera sa radyo.

Napangiti na lamang ako sa kanya. Nilakasan niya ng bahagya ang volume.

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon