********
"Julius.." mahinang sambit ko dito habang pilit na kumakalas sa mahigpit nitong yakap.
"Hindi na ko makahinga." Nang sinabi ko ito ay sa wakas unti-unti niya nang niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Niluwagan lang at hindi pa din binibitawan. Tumingin ako sa paligid. Ang mga guwardiya lamang ang nandoon. Ayaw kong mag-isip sila ng kung ano sa amin. Ayaw ko rin na malaman ng kanyang ina na may kung ano sa amin. Mahirap ipaliwanag ang 'ano' sa amin. Ano nga bang 'ano' sa ano?
"Julius, naiihi na ako." Pagsisinungaling ko dito upang tuluyan niya na akong bitiqana t pakawalan. Hindi nga ako nagkamali. Ang kaninang mabigat nitong paghinga ay gumaan na. Wala nang takot na bumabalot sa kanyang mata. Wala ng panghihinayang at pangamba dito. Ano bang nasa utak nitong lalaking ito? Masyado pa ding palaisipan sa akin ang lahat. Masyado pa rin siyang palaisipan sa akin. Ngayon ko lang napagtanto, na wala rin akong gaanong alam sa kanya.
Ngumiti ito sa akin ng mapansing masyado ko siyang tinititigan. Ngumiti din ako dito. Nakakatuwang makita na ipinagkakaloob niya sa akin ang ngiti na minahal ko. Iniangat niya ang kanyang kaliwang kamay at inihaya sa akin. Nanlaki ang mata ko ng nakita ang pagiging seryoso.
"Will you come with me?" Wika nito sa matigas na ingles. Nakaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kanyang kamay na naghihintay sa akin. Nanginginig at dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay at inilapat sa kamay nitong kanina pa naghihintay. At muli, sa pagkakataong ito, nabihag na naman ako ng patibong ng pag-ibig. Nabihag na naman ako ni Julius.
Umagang-umaga ng Lunes ng sumulpot si Anthony sa labas ng kwarto ko. Nagulat pa ako na nandoon siya.
"Aga mo ah?" Pang-aasar ko dito.
"Ayaw mo?" Ngiti nito sa akin dahilan kung bakit nanliliit na naman ang mga mata nito. Sumulyap ako sa pintuan ng kwarto ni Julius.
"Ah! Wala na si Julius. Umalis na kaninang umaga 'yon. May training sila di ba?" Mabilis nitong tugon ng napansin ang pagsulyap ko sa kwarto ni Julius.Tumango na lamang ako at ngumiti. Pinapasok ko siya sa aking kwarto. Nang maisarado ko na ang pinto ay napapitlag ako sa walang humpay na pagtunog ng aking cellphone.
Pinaupo ko si Anthony sa aking kama."Ang clingy naman ng nagtetext sa'yo. Parang bantay salakay na boyfriend ah?" Humalakhak ito kaya ang chinito nitong mga mata ay nanliit pa lalo. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinignan kung sino iyon. Ang daming text message galing kay Julius! Napamulagat ang aking mga mata sa nakita. Agad kong binasa ang mga ito.
"Sino ba yan Rose? May boyfriend ka ba?" Takang tanong ni Anthony sa akin. Nilingon ko siya sa kanyang kinaroroonan. Kitang kita ko ang kaba sa mukha nito. Kunot noo akong umiling dito.
"Hindi. Wala akong boyfriend." Ang kaninang kabadong mukha nito ay agad napalitan ng tuwa at saya. Ngumiti ako sa kanya at saka binasa ang mga text ni Julius sa akin.
From: Julius
Anthony is there! Fvck.
Ito lang ang paulit-ulit nitong mensahe sa akin. Ano na naman ba ang problema niya kay Anthony? Tiningnan ko ang oras at nakitang kailangan ko ng maligo.
"Ah. Anthony. Ligo lang ako, gusto mo sa sala mo na lang ako hintayin?" Ngumiwi ako dito upang itago ang pagkahiya. Pinagkakatiwalaan ko siya. Pero kahit ganoon ay kailangan kong magkaroon ng respeto. Kahit katiting lang.
Magiliw itong ngumiti. Tumayo ito at nilapitan ako.
"You are so beautiful... even in the morning sunrise." Pagpuri nito sa akin. Ang maliliit ito mata ay mataman na nakatingin sa aking mga mata. Ngumiti itong muli saka hinalikan ako sa noo. Napapitlag ako sa kanyang ginawa ngunit nawala din ng guluhin nita ang aking buhok.

BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
General Fiction"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.