**********
Matapos ang eksenang iyon ay masaya naming nilisan ang cafeteria saka dumiretso sa kanilang mansyon.
Nang nakarating kami ay agad-agad niyang ibinagay kay Manong Eddie ang kanyang kotse. Sinabi ng matanda na nag-aantay sa sala ang kanyang mga magulang. Tumango lamang dito si Julius.
Magkahawak kamay naming tinahak ang main door ng kanilang bahay.
At doon nga bumulaga sa amin ang kaniyang mga magulang. May bonus pa na mistisang babae na may malambot at makintab na buhok. Ang labi nitong pininturahan ng pula ay bumagay sa maputing kulay nito. Ang ilong nitong napakatangos at perpektong-perpektong inilagay sa kanyang mukha. At ang mata nitong tila nang-aakit lagi kung tumingin.
Naramdaman ko ang paninigas ng kamay ni Julius. Ang pagkislot ng bagang nito ang nagbibigay tanda ng pagiging galit nito. Ang mukha nitong biglang nandilim. Tila kumirot ang aking puso. Bakit biglang nagbago ang awra ng isang ito?
"Oh hijo, nandiyang ka na pala?" Malambing na tawag ng kanyang ina sa kanya habang sinusundan ng tingin ang pagkakahugpong ng aming kamay na agad na binitiwan ni Julius. Ang kaninang kirot lamang sa aking puso ay lumalala. Tila ito sinasaksak.
Naramadaman ko an hindi ako kailangan dito.
"Good day ma'am and sir." Ngumiti ako sa kanila. "Akyat na po ako." Umalis ako ng hindi tinatapunan ng tingin si Julius. Tumango naman ang mag-asawa. At ngisi lamang ang sumilay sa labi ng mistisang babae.
Mabilis akong nagbihis at agad pumanaog sa kusina.
Naabutan ko doon si Aling Emma na nagluluto. Nilapitan ko ito. Sa di malamang dahipan ay tila bumaligtad ang sikmura ko sa amoy ng menudong kanyang niluluto. Napatakbo ako sa banyo na malapit sa sala at kusina. Kaya nagulat ang pamilyang Montemayor ng pabaibag kong naisara ang pintuan ng banyo. At doon ay hirap na hirap akong sumuka. Siguro ay dahil sa dami ng fries na kinain ko kanina.
Naghilamos ako at lumabas na ng banyo. Napasulyap ako sa mga Montemayor. Nakita ko ang mga titig nila sa akin. Maging ang matalim na titig ni Julius. Pati ang maamong mata ng babaeng katabi niya at nakakawit ang kamay sa kanyang siko.
"What happen Rosalia?" Tanong ng ina ni Julius.
"Wala po ma'am. Sumama lang po ang tiyan ko sa kinain ko kanina." Nakita ko ang pagtango nito. Nananaas ang balahibo ko sa titig ni Julius na mas lalong tumalim.
Bumalik akong kusina. Tapos ng magluto si Aling Emma, kaya tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga kubyertos at plato sa lamesa.
Hinain na lahat ni Aling Emma ang mga putaheng iniluto niya. At naamoy na naman ng aking ilong ang nakakasulasok na amoy ng menudo. Pinigilan ko ang paghinga at umalis na sa kusina upang tawagin ang mag-anak at kanilang bisita.
"Ma'am kain na po kayo." Diretso ang tingin ko kay Mrs. Montemayor.
"Sure hija. Are you okay? Namumutla ka." Nag-aalalang tanong nito at hinawakan pa ang mukha ko. And then a pain suddenly strucked my heart. Nakakamiss ang haplos ng isang ina. Ngumiti ako ng mapait sa ginang.
"I'm okay po. Probably stress in school. Thank you po sa pag-aalala." Ngumiti ako dito.
"You should rest on your room, Lia." Nanayo ang balahibo ko sa boses na nanggaling sa likod. Tinignan ko siya. Nakapulupot pa rin ang kamay ng babaeng iyon. Mas lalo pang nadagdagan ang kirot na naramdaman ko sa puso. Hindi ko siya pinanasin.
"My son is right. You should rest. Kumain ka na ba?" Naaninaw ko ang pagtaas ng kilay ng babaeng nasa tabi ni Julius. Tinanguan ko ang ginang.
"Ma, mauna na po kayo nila Marina sa kitchen. I'll bring Lia to her room." Napasinghap ang babaeng si Marina nang hinawi ni Julius ang kamay nitong nakakawit sa kanya. Laglag ang panga ng mag-asawa sa inutos ng kanilang anak.

BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
General Fiction"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.