Chapter 29

13.9K 277 9
                                    

*********** ***********

"Manong Jose, kayo na lang po ang magsundo sa mga bata. I'll have meeting po." Pasuyo kong sambit kay Manong Jose. Mr. David arranged another meeting. Pag-uusapan namin kung saan ba nas magandang i-pwesto ang aking restaurant.

"Ako na ang magsusundo Rose." Nagulat ako sa pagsulpot ni Anthony sa gilid ko. Ngumiti ako sa kanya. He is wearing a plain shirt and a three fourths maong. Ganoon pa rin ang mga chinitong mata nito. Lalo nagiging mas chinito kapag ngumingiti.

"Sure. Wala kayong date?" Ngumisi ako. Ngumuso naman siya at pinalakihan ang butas ng ilong. Ang cute niya!

"Lq?" Humalakhak ako ng umirap ito. Hindi ko na siya kinulot dahil male-late na ako sa meeting.

"Ingatan mo ang mga bata ha." Nagthumbs up siya kaya sumampa na ako ng sasakyan saka ito pinaharurot. Sa parehong coffee shop pa rin kami nagkita.

Isang magandang ngiti ang ibinungad nito sa akin. Naanag ko ang babaeng kasa-kasama nito. Napataas ako ng kilay. The girl is so simple. Very plain and simple. Ngumiti ako at bumati sa kanila.

"Ms. Panganiban, this is Leonora my wife." Nanlaki ang mga mata. Kita ko pa ang pagkurot ng babae sa kay Mr. David.

"Thought you've never have one Mr David." Pabiro kong sambit. Tumawa siya.

"Are we going to start?" Tanong ko pa ulit sa kanya. Tila nagult ito.

"Ah. Not yet. We'll wait for some—" hindi na natapos ni David ang kanyang sasabihin dahil may naghila ng katabing upuan sa aking gilid.

"Sorry if I'm late." Umalingawngaw sa aking tainga ang baritonong boses nito. Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Hindi nga ako nagkamali. Si Julius iyon.

"There he is! Ms. Panganiban this is my cousin, Julius Montemayor. He is one of the stockholder of Amazon." Napamura ako sa aking isipan. Lalo na ng naglahad ito kamay sa akin.

"Nice to meet you.. Ms. Panganiban." Wika nito na pinupunto pa ang aking apelyido. Kinuha ko ang kanyang kamay. At agaran ding binitawan ng makaramdam ako ng pamilyar na ginhawa sa kanyang mga balat. He's still affecting me.

"So, let's start!" Ngumiwi ako at kumibit balikat. Can't believe I'll be working with him! Marahan kong inusog palayo ang aking upuan na sa kasamaang palad ay naglikha nang ingay.

Ngumiwi ako sa kanilang tatlo ng tumingin sila sa akin. Um-order na sila ng mga pagkain. Sa sobrang pagkakaba ko ay hindi ko na nagawang magbanggit ng para sa akin. Kaya ang mag-asawa na lamang ang um-order para sa akin.

"Nakakapanibago ka Ms. Panganiban, you're phasing out." Puna sa akin ni Mr. David.

Nag-isip ako ng dahilan. I don't want him to think that I am intimidated with his cousin na ngayon ay ramdam ko ang paninitig!

"I am sorry, I was thinking of my children." Ngumiwi ako ng nagulat ito.

"Oh! So you're not a miss anymore?" Takang tanong nito.

Ngumiti na lamang ako.

"But you're using your father's surname?" Napamura ako sa pang-uusisa nito. Napataas ako ng kilay ng di sinasadya.

Nakita ko ang pagsiko ng asawa nito sa kanya.

"Sorry if my husband's intruding." Ngumiti ito. Napakahinhin nito at tila anghel ang pagngiti. No wonder why Mr. David fall for her. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"It's okay. I'm a single mom with twins." Ngumiti ako sa kanila. Naramdaman ko na naman ang paninitig ni Julius sa akin kaya nilingon ko ito. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin nito at ang pag-igting ng bagang nito.

Biglang may pumasok sa isip ko.

"Are you the parents of Ayesha?" Biglaang tanong ko. Tutal they are asking my personal live. Why I wouldn't ask their's right?

"You know my baby girl?" Maligaya at gulat na tanong ni Dave. So he is the Dave Ayesha's talking about.

"Yes. She knows her. Her children are Ayesha's classmate." Biglaang pagsagot ni Julius. Napataas ako ng kilay nang marinig ko ang pagpunto nito sa aking mga anak. What now huh? Umirap ako sa kawalan.

Nang dumating na ang mga pagkain ay natahimik kami sa mga personal naming buhay at sinimulang pag-usapan ang lokasyon ng aking resaurant. This is my big shot. I want my restau in a mall. Lalo na sa kanilang mall dahil dayuhan talaga ito ng mga elites.


"The mall is organize well. All the restaurants are in the 3rd floor. So you want your restaurant on a place near the elevator and escalator ?" Seryosong tanong sa akin ni Julius. Tumango ako sa kanya. Tumitig muna siya saglit sa akin nang maigi. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya. Tumikhim si Dave at saka lamang binalingan ni Julius ang kanyang pagkain.

Narinig ko ang paghalakhak ni David na siyang nagpainit ng mukha ko.

"Why you laughin'?" Malamig na tanong ni Julius kay Dave. Kimibit-balikat lamang ito.

Napalunok ako. Tiyak ko ang pagkapula ng aking mukha. Napairap na lamang ako sa kahihiyang nadarama.

Nang matapos ang pagkain ay natapos na din ang usapan. The opening will be next month and I'm feeling nervous and excited!

"So we gotta go, magde-date muna kami ni Misis." Sabay kindat ni Dave kay Julius na siyang kinunutan lamang nito ng noo.

Tumaas ang kilay. David is really nosy people. Mas lalo lamang akong nairita sa kanya nang nagtanong ito.

"Kayo may lakad pa ba kayo?" Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagtalikod ni Julius sa amin at pagdirestso sa kanyang sasakyan. Ngumiwi si David sa akin. Ngumuso ako saka pormal na nagpaalam. Tumalikod ako at nagdiretso na rin sa aking kotse. Hindi pa din pinapaandar ni Julius ang kanya. I wonder why.

Kasalukuyan kong sinusuot ang aking seatbelt ng may kumatok sa binata ng aking kotse. Nakita ko doon ang gwapong mukha ni Julius. His thick eyebrow that suits his fiercing eyes. The jaw line of him that make him even more masculine. Binaba ko ang salamin ng bintana.

"Yes?" Pormal kong tanong sa kanya.

Tumitig siya sa akin. Ayan na naman ang kanyang titig na tila binabasa ang buo kong pagkatao. Tila ba nakakakuha siya ng sagot sa pagtitig niya sa akin.

"Hey, you need anything?" Pagtawag ko pa ulit sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.

"I've already told you what I needed." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Long time ago.. I've told you what I needed." Huminto siya at pinagmasdan ang aking pagkabigla. Tila may tumutusok sa aking puso ang mga salitang kanyang binibitawan.

"Scratch it, you've already know who I needed. And I still need her now. Even more." Seryoso nitong wika. Ang mga luhang naipon Sa aking dibdib ay unti-unting nagsisialpasan. Gosh! I don't know why I am hurting. His words are too good. Too good to hear that I just can't stop hurting. Is it possible to love someone but yet when you love him, all you feel is pain. Pain. Can I deal with you again?

Umiwas ako ng tingin sa kanya, at unti-unting sinarado ang salamin ng bintana saka agad pinaharurot ang kotse. My visions are blur, and I'm lucky enough I've reached home without hurting.

Pagkabukas ko ng main door ay tumambad sa akin ang kambal na naghihintay sa sala. Ngumiti ako ng mapakla saka nagkukahog na tumakbo patungo sa kanila at niyakap ng mahigpit.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Jalyza sa aking likod. At ang pagbulong ni Lindawn sa akin.

"I love you mom."

-*-

A/n: babawi ako sa christmas break! Advance Merry Christmas. Please comment your reaction hahahahaha! Malapit na akong mag 18th birthday hahahahahah :D

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon