Chapter 26

14.2K 253 7
                                        

************ *************

"Mommy. Nasaan po si Lolo Daddy?" Tanong sa akin ng anak ko habang ako'y nagluluto. Tinignan ko ang anak kong nakatingala sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng makita ang mga mata nitong nangungusap.

"Nasaan muna si Jalyza?" Umupo ako upang magpanay kaming dalawa.

"She's in the yard mommy. She's with Uncle Anthony." Mabilis nitong wika. Anim na taon na ang nakakalipas. Nakanak ako sa dalawang makukulit na kambal.

Ngumiti ulit ako sa kanya. My son has a resemblance on her dad. Kitang-kita ko ang pagiging chickboy nito sa kanya.

"Your Lolo Daddy will come here soon. Just play with Jalyza first okay?" Tumango si Lindawn sa akin. Ginulo ko ang kulot at mahaba nitong buhok.

"Mommy!" Narinig ko ang matinis na sigaw ni Jalyza. Kagaya ni Lindawn ay kulot na kulot din ang hanggang balikat nitong buhok. Ang mga mata nito ay kulay abelyana na kumikinang kapag nasisikatan ng araw. Narinig ko ang paghalakhak ni Anthony sa likuran ng bata. Ngumiti ako.

"Mommy. Uncle Anthony becomes a monster. He's gonna it me! Help me mommy!" Walang patid ang tili ng aking anak na babae.

"Can you shut your mouth Jalyza? Mommy is cooking. Can't you see it?" Mataray na saway ni Lindawn sa babaeng kapatid. Ngumuso ako ng makita ang pagngisi ni Anthony.

"Shhh. Lindawn, don't be harsh on your sister. Sige na at pumunta na kayong kusina. Nagluto pa namanako ng paborito niyo..." Tumigil ako at ngumiti sa kanila. Nakita ko ang paglaki ng mga ngiti sa kanilang labi.

"ADOBO!" Sabay-sabay nilang sigaw. Pati si Anthony ay nakisigaw din. Napailing na lamang ako lalo na ng sabay-sabay din silang nagsitakbuhan sa dining room.

Anim na taon na, at hindi ko aakalaing magiging ganito ako kasaya. Having a two children is worth the pain. Ika nga nila kaya siguro may umaalis ay may bagong papaating. I never thought I'll find my true live to my children. They are my life now. Hindi ko na rin nakikita si Julius. Sa anim na taong iyon ay labas-pasok kami ng bansa. Ngayon kami mag i-stay dito sa Pilipinas dahil mag-aaral na ang mga bata sa pasukan.

Isinalin ko ang adobong manok sa malaking mangkok. Nagsandok ako ng kanin at isa-isa kong inihain sa dining room. Nakita kong may mga plato ng nakalatag sa hapag-kainan.

"Mommy, we arrange the table for you." Pumapalakpak sa tuwang sambit ni Jalyza.

"Uncle, where is tita Andrea? Aren't you bring her?" Takang tanong naman ni Lindawn kay Anthony.

"Obviuosly, Linlin!" Sarkastikong sabat ni Jalyza saka tumawa. Nakita ko ang pagtalim ng mga mata ni Lindawn kay Jalyza. Andrea is a friend of Anthony.

"Tita Andrea is kind of busy." Nahili ko ang pagsulyap ni Anthony sa akin pari na rin ang pandidilat ng kanyang mga mata. Ayaw na ayaw niyang dinidiga siya ng mga batang ito tungkol sa kanila ni Andrea. Ngumisi ako at lumapit sa lamesa.

Tumabi ako kay Jalyza. Samantalang si Lindawn ay katabi naman si Anthony.

"Nasaan na nga ba kasi si Andrea?" Tumaas ang kilay ko kay Anthony habang pinaghahain ko si Jalyza ng pagkain.

"Mommy I want the wings please!" Anito.

"Me too mommy!" Sunod na sigaw ni Lindawn.

"Urggggh!" Napabuntong hininga ako. My children are disaster.

"Good afternoon!" Napalingon kami ng marinig ang boses ni Papa sa bukana ng dining room.

"Lolo Daddy! Please seat beside me!" Palahaw agad ni Lindawn na janina pa naghahanap sa kanyang lolo.

Tumayo si Jalyza at nagmano sinundan ito ni Lindawn saka hinila ang lolo sa tabi ng upuan niya.

"Good afternoon tito." Kumamay si Anthony sa kanya. Nagtanong pa ito kung nasaan si Andrea na sinusulan pa ng mga bata. Walang patid na kantsaw ang ginawa ng maglolo. Nanonood lamang ako sa kanila at tumatawa.

"May anak na ba si Tita Andrea?" Inosenteng tanong ni Jalyza. Na nagpatigil sa amin sa pagkain.

"Ha? Why did you ask?" Balik-tanong ni Anthony sa kanya.

"Because she is a woman. Woman should have a children or children like mommy." Siguradong sagot nito na nagpatahimik sa amin.

"Someday, Tita Andrea will have a child. You just wait okay?" Mahinahon kong sagot kay Jalyza. I can't believe it! Ganoon ang logic niya sa pagkakaroon ng bata?

Ni minsan hindi sila naghanap ng daddy sa akin. Iniisip pala nila na talagang ganoon. Na wala talagang tatay ang lahat ng mga bata. Hindi ko alam kung maturuwa ba ako. Napapitlag ako ng barinig ang sabay na pagdighay ng kambal.

"Mommy is the best cook ever!" Sigaw nilang dalawa ng maubos ang pagkain. Tumawa lamang kami.

Pinaligpit namin kay Aling Nena ang hapag-kainan. Nagkwentuhan kaming sa sala. Matapos ang masauang kwentuhan ay nagpaakam na si Anthony dahil susunduin pa niya si Andrea sa trabaho.

"Kamusta na ang restaurant?" Tanong sa akin ni Papa. Ang tinutukoy niya ay ang LJ Cuisine. That is my restaurant. Matapos kong maipanganak ang aking kambal ay nag-aral akong muli. Papa help me to build that restaurant. Limang buwan na itong nakatayo at maayos naman ang kita. Baka by next year ay magpagawa ulit ako ng ibang branch naman. Gusto ko din sana sa mall kung maaari.

"It's good." Ngumiti ang aking ama. I can see his soul when he is smiling.

"What about the father of your kids?" Pag-iiba nito ng tanong. Naging seryoso ang mukha nito.

Tumingin ako sa mga batang seryoso na ngayon naglalaro ng lego sa carpet ng sala.

Kumibit-balikat ako.

"Maghahanap ang mga iyan. Lalo na't mag-aaral na sila. They'll notice it. Walang magagawa ang pag-iwas at ang pagtakbo mo kapag sila na ang naghanap." Punto nito sa akin.

"I am not running. I just don't want to ruin everything Papa. I know by now he has his only family." Nanginginig kong sagot sa kanya. Kumibit-balikat siya.

"Anak, noong malamang kong merong ikaw ay nangulila ako. Kaapatan nila ito anak. Karapatan nila. I know you still... love him, but please...." Paunti-unti nitong wika sa akin. Napayuko ako. Ni hindi ko alam ang dapat isagot. He is right. He knows what it felt. And I know how it felt. I know how it feels to look up to the ither children who has a father holding their hand and buying them something. Alam ko ang pakiramdam na walang lalaki sa inyong tahanan ang kukunsinti sa iyo lalo na at pinapagalitan ka ng iyong nanay. And how I wish I could walk down the aisle with my father taking me to my future.

"Lia," napa-angat ako ng ulo ng tinawag niya ako sa ganoon pangalan. Si Julius lamang ang tumatawag nito sa akin.

"I know houw it feel." Napangiwi ako. "And I'm sorry." Nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Napahinga ako ng malalim upang pigilan ang mga luhang nais umalpas sa aking mga mata.

"It's.. not your fault." Nanginginig kong sagot sa kanya. My father is too broken again. I know it's not his fault. No one wants it anyway. It's a matter of choice. I an't either blame my mom. She just made her choice. But I don't have my choice now. I can't decide. It's all or nothing I guess?

--
a/n: Surprise! It's the update hahahaha! Sorry if it's late. Nakatulog ako!  Anyway enjoy reading. Please leave a comment. I need that badly!

Xoxo-Doll_eye

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon