************
Natapos ko lahat ng exam sa araw na iyon. Ito na rin ang huling araw kong papasok sa eskwela.Hindi ako sumabay kila Anthony kahit nagpupumilit ito dahil sisimulan ko na ring maghanap ng trabaho at malilipatan. Hindi naman maaaring habangbuhay akong nakikitira. Isa pa may binigay namang pera ang bruhang lola ng akin anak kaya siguro bibili na lang ako ng bahay o kung anong magkakasya.
Sa kakalakad ko ay napadpad na ako sa restaurant na pinuntahan namin dati ni Anthony. May hiring kaya sila? Kahit waiter lang. Kahit taga-mop lang? Naglakad ako patungo ng pinto ngunit hindi pa man ako nakakarating ay natumba na ako. May nilalang na bumunggo sa akin.
"Ah." Palatak ko dito. Nakaupo ako ngayon sa walk lane.
"Sorry miss." Baritonong wika ng lalaki at nakita ko ang nakalahad nitong kamay. Kinuha ko ito at saka tumayo. Napasinghap ako at napaatras ng makita ang lalaking kaharap ko.
"Rose?!" Gulat nitong wika.
"A-Aian!" Mas gulat ko pang wika sa kanya. Nanginginig ako sa kaba. Ang pinagtataguan ko dati sa probinsya nandito na sa aking harapan!
"Buti naman nakita kita!" Maligayang wika nito. Walang pinagbago si Aian. Matilas na matikas pa rin ang dating. Nagniningning sa kislap ng araw ang abelyana nitong mga mata. Ang makakapal na kilay na mas nagpatikas pa sa kanya. Pati ang kanyang hubog na hubog na panga. Mapusyaw pa rin ang kanyang balat. Walang pinagbago."Ha? Bakit hinahanap mo ba ako?" Kunot-noo kong tanong dito.
"Syempre! I am inviting you on our wedding!" Nanlaki ang mga mata ko. Ikakasal na pala sila ni Diana. Napangiti ako. Nakakatawa dahil wala na akong sakit na nadarama kahit na niloko nila akong dalawa. Diana used to be my bestfriend back then. Before everything got worst. May mga bagay talaga na dapat tinatanggap upang makalaya ka. Naalala ko pa kung paano ni Julius iyon sinabi sa akin. Somehow, remembering it leaved me empty. Emptyness filled me. Napapitlag na lamang ako ng may mainit na kamay ako naramdaman.
"Come on Rose. Pasok tayo sa loob at magkwentuhan." Saglit pa akong tumunganga saka siya tinanguan. Nakapasok ulit ako sa pangalawang beses sa eleganteng restaurant na iyon. Ang pagkamangha ko ay ganun pa rin. Tila unang pagkakataon. Iginaya kami ng waiter sa lamesang pangdalawahan. Malapit lamang ito sa glass window. Umupo kami at umorder na si Aian ng aming makakain. Sinabihan ko siyang yung walang tomato sauce o kamatis na pagkain ang order-in niya. Nagtataka man ay sumunod naman din naman.
"I really am sorry Rose. For what we've done to you." Matamang wika nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang. I've moved on." Nankangiti kong wika dito. Nagkakwentuhan pa kami tungkol sa iba't-ibang bagay. Somehow, bumalik ang dating closeness namin ni Aian. Ang sarap lang isipin.
"Nga pala, alam mo bang laging may matandang lalaki ang laging nagpupunta sa bahay niyo?" Nagtatakang tanong nito. Napakunot naman ako ng noo.
"Ha? Ano naman daw ang kailangan?" Tanong ko dito. "Hinahanap ang mama mo. Eh sabi namin, matagal ng yumao ang mama mo. Pero kahit sinabi namin 'yon. Bumabalik pa rin every week. Ikaw wala ka bang balak bumalik sa atin?" Unti-unti kong pinoproseso ang mga sinabi niya. Sino naman ang lalaking tinutukoy ni Aian?
"Ah. Oo uuwi ako. Baka next week." Ngumiwi ako sa kanya. Hindi ako mapakali.
"Aian. Pwedeng mauna na ako, may kailangan pa kasi akong asikasuhin." Hindi ko na inantay ang kanyang sagot at dali-dali akong lumabas ng restaurant. Naglakad ako ng naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupuna. I feel so... Lost. Lakad lang ng lakad hanggang sa nagulat na lamang ako kung saan ako binitbit ng mga paa ko.
Nagdidilim na ang paligid. I can't believe it. Nasa harapan ako ng mansyon ng mga Montemayor. Fvck.
Tumalikod na ako at napagpasyahan ng bumalik kila Anthony.
"So what brought you here?" Napahinto at nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon. His voice makes me shiver. Ipinihit ko ang aking katawan at nilingon siya. Ilang metro na rin naman ang nalalakad ko mula sa kanilang mansyon. Nakita ko ang paghakbang niya kaya napaatras ako. Agad din naman siyang tumigil sa paghakbang. Ilang metro ang layo namin sa isa't-isa. Ayokong lumapit sa kanya. Hangga't maaari ayaw kong baliin ang aking prinsipyo.
Tahimik lamang kaming dalawa. Nagtatagis ang aming mga paningin. Tila hinahatak ako nito. Tila may gustong sabihin. Napapitlag ako ng may tumunog. Cellphone ko pala. Binigay ito sa akin ni Anthony. Hindi naman gaanong kagara kagaya ng binigay sa akin ni Julius na siyang isinauli ko na sa kanya.
Agad ko itong dinukot sa aking bulsa at napagtantong tumatawag si Anthony sa akin.
Sumulyap ako kay Julius na mataman pa rin akong tinitignan. Tumalikod na ako sa kanya at sasagutin na sana ang tawag ni Anthony ng bigla itong nagsalita.
"Why it is so easy for you to turn your back to me?" Mariin nitong wika na nagpalaki ng aking mga mata. Agad na namuo ang mga luha sa aking mga mata.
"Lia can't you just see? Can't your fvcking eyes see it?" Nanginginig ang boses na tanong nito. Hindi ako lumingon sa kanya. I.. I can't just lose the grip I'm holding. I don't want to settle on the things that is so unsure! Pumatak ang luha ko ng naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang mga kamay sa aking baywang. Fvck it Julius!
"I fvcking need you Lia. I fvcking need you." Mariin nitong bulong sa aking tenga. Huminga ako ng malalim. Muntikan nang umalpas ang hikbi sa aking bibig mabuti na lang at aking napigilan ito.
"Lia..." He trailed off. "I need you." Huminga ulit ako ng malalim ng mapagtanto ang panginginig ng kanyang boses.
"No. Hindi pwede. Madaming pagkakaiba sa atin." Giit kong wika dito. Ginawa ko ang lahat upang hindi mabasag ang aking tinig.
"I don't care with the difference." Mariin din nitong sagot. Suminghap ako sa sagot nito.
Pasimple kong pinahid ang mga nag-alpasang luha sa aking mga mata. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Julius na nakapalupot sa aking baywang. Tinanggal ko ito saka ko siya hinarap.
"I don't need you Julius. That's the difference." Kahit gabi ay nakita ko ang pagkuslap ng mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata ni Julius.
Tinalikuran ko na ito, bago pa manlambot ang puso ko. Naulinigan ko na lamang ang patuloy na pagtunog ng aking cellphone. Pumara ako ng taxi at doon sinagot ang tawag ni Anthony.
"Rose!" Pangbungad nito na siyang nagpahagulgol sa akin.
"Anthony..."
-------
A/n: Sorry for the short ups! I'm so busy. Huhuhuhu :( hayszxc. Anyway enjoy reading.
Xoxo doll_eye

BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
Fiksi Umum"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.