**********
Julius calling....
"Ah. Anthony, sagutin ko lang 'to ha?" Magalang kong pagpapaalam kay Anthony. Ngumiti ito sa akin saka tumango.
Nagtungo ako sa CR ng restaurant. Maski ang CR nito ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Lahat ay kumikinang. Parang mahihiya kang ihian ang mga inidoro dito.
Pumasok ako sa isang cubicle at saka sinagot ang tawag ni Julius.
"Hello." Pormal kong sagot dito.
"What's with the picture Lia?" Nanggagalaiti nitong sambit sa akin. Ano na naman kaya ang ipinag-iinit ng butsi nitong si Julius.
"Anong picture?" Nagtataka kong tanong dito.
"The picture Lia. You and Anthony. In a picture. Only the two of you. " Mabigat na paghinga ang naririnig ko dito sa kabilang linya. He's..... furious. At hindi ko alam kung bakit nabuhay na naman ang mga kulisap sa aking tiyan. Kulisap? Nung nakaraan paru-paro ah?
"What about the picture?" Natatawa kong tanong dito.
"Don't laugh at me! And he even brought you at that restau ha?" Matigas nitong ingles. Napakunot noo ako.
"Bakit? Porke ba, kasambahay lang ako bawal na akong dalhin sa ganitong lugar Julius?" Nanggagalaiti kong tanong dito.
"That's not what I-" hindi ko na ito pinatapos at pinutol ko na ang tawag. Mabibigat ang hininga ko sa loob ng cubicle. Hindi ako makapaniwalang matapobre din ito! Nagdidilim ang paningin ko ng lumabas ng CR. Nalulula ako. Hindi ko alam kung sa galit ba. Umaalin na ang mundo. Malapit na akong makarating sa lamesa namin ni Anthony ng biglang nagdilim ang paningin ko. Literal na nandilim at unti-unting bumagsak ang aking katawan sa sahig.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumilay sa akin ang liwanag na nanggagaling sa ilaw. Inilibot ko ang aking paningin. Puro puti ang nasa paligid. Dahan-dahan akong umupo galing sa pagkakahiga.
Nakita ko ang nurse na inaayos ang dextrose sa aking gilid. Naglibit pa ako ng paningin at nakita ko si Anthony. Seryosong-seryosong nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. Lumapit ito sa akin.
"Mabuti naman ma'am at gising na po kayo. Tatawagin ko lang po ang doktor. By the way ma'qm and sir, congratulations po." Nakangiting saad ng nurse sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Umalis na ito rin ito marapos magsalita.
Tumingin ako kay Anthony.
"You are......" Huminga siya bg malalim at nagtiim bagang. "...pregnant Rose!" Mariing wika nito.
Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang mangilid ang aking luha. Napailing ako ng nag-umpisang pumatak ang mga ito. Natutop ko ang aking bibig upang mapigilan ang pag-alpas ng aking mga hikbi. Sinasabi na nga ba!
"Si Julius ba ang ama?" Napatingin ako dito. Nakikita ko ang sakit at galit sa mga mata nito. Dahan-dahan ang pagtango ko dito. Nanlaki ang mga mata nito at nagmura.
"Fvck! Itinuloy pala niya 'yon! I can't believe he didi that to you. Akala ko, tapos na ang usapan nila ni Drake!" Nagmura pa ulit ito ng ilang beses. Hindi nakaligtas sa akin ang mga salitang nanggaling sa mga bibig nito.
"Anong usapan 'yon Anthony?" Nagtiim bagang si Anthony. Ang mga mata nitong singkit ay mas lalong nadepina ng seryoso nito akong tinignan.
Hindi ito sumagot.
"Ano yung usapan Anthony?" Huminga ito ng malalim. Hidi ko na napigilan ang luhang patuloy na bumubuhos.
"They had a game. Magpapanggap si Julius na may sakit. Yung sakit na sinabi ko sa iyo. I also thought it was true nung mga panahong sinabi ko ito sa'yo. Last week ko lang nalaman na hindi pala." Napayuko ako sa mga sinasabi nito. Gagong Julius. Gagong gago ang hayop!
"So, ano pang pinag-usapan nila?" Tanong ko dito ng hindi ito tinitignan. Walang patid ang aking pagluha.
"A virgin should mend his sickness. And it was you... The virgin and the victim. Fuck Julius! Are you going to tell him, your child?" Mabilis ang hinga nitong tanong sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay humagulgol lamang ako. Naramdaman ko ang pagbalot ng mga kamay nito sa aking baywang. Naramdaman ko ang init ng yakap nito. I thought you are true Julius? But why did you do this to me.
"What are your plans now Rose? You are two weeks pregnant. Two weeks pa lang naman." Umiling ako sa pinaparating nito. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Will you help me, find a new job?" Tumango ito at yumakap ng mahigpit sa akin. Yumakap din ako duto at umiyak ng umiyak.
"Sssssh.. Don't stress yourself. Let's go home okay?" Masuyo nitong wika. Tumango ako.
Nag-ayos ako ng sarili ko. Nagpunta kami sa counter ng cashier. Magbabayad na sana ako pero si Anthony na ang sumagot. Nagpasalamat ako dito.
"Sa mansyon ka pa din ba? Paano ang pag-aaral mo?" Tanong ni Anthony sa akin ng nakasakay na kami sa kanyang sasakyan.
"After two weeks aalis na ako diyan. Hihintayin ko lang yung party nila Julius, saka ako aalis. Sa pag-aaral? Baka huminto na lang ako." Sagot ko dito ng nakayuko.
"Party?" Tanong ni Anthony. "Para sa engagement ni Julius at Marina." Sagot ko agad. Tumikhim si Anthony at nagsambit ng mga mura.
"Julius is an asshole. Marina? Really huh?" Hinampas nito ang manibela kaya anapaigtad ako.
"I'm sorry. I am fvcking pissed off." Inis na saad nito.
"Wala eh. Nangyari na ang lahat. Wala na tayong magagawa."
Nakarating kami sa mansyon. Hinatid ako ni Anthony hanggang sa aking kwarto.
Nang nakapasok na ako ay umalis na ito. Tumunog ang cellphone ko. Isasauli ko na lang ito kay Julius after two weeks.
From: Cessy
Oh my gosh Rose! Is it true? Kuya told me. I am sorry!
Napangiti ako ng naiisip ang pagsasalita ni Cessy through text. Siguro may alam ang mga ito.
To: Cessy
Okay lang. Please don't tell to Julius muna okay? :)
Ginaya ko ang pagiging conyo nito. Conyong sosyal. Napatawa ako. Hindi ko matanggap na tumatawa ako kahit na may mga problema pa akong kakaharapin.
From: Cessy
You sounded like me Rose! Oh my gosh, let's shop for your baby. *gigling*
Nahihitsura ko na ang chinita nitong mukha. So adorable! Ang babaeng version ni Anthony!
To: Cessy
Naku! Wag na, nakakahiya naman.
Agad itong nagreply.
From: Cessy
What's so nakakahiya about that? Anyway I am one of the Ninang! Oh my gosh, feel like I'm old. :( Anyway you better take a rest. Good night to you and to baby.
Napangiti naman ako. Tama siya kailangan kong magpahinga. Tayong dalawa na lang baby ang lalaban. Hinaplos ko ang aking tiyan. Kaya natin 'to. Mapakla akong ngumiti sa kawalan. Kaya ko 'to. Kayang-kaya.
=======
Read and COMMENT. Please COMMENT HAHAHA :D luvyaaaa! Muah! Sorry for the typos and to so not good update. Bagsak po ako sa major ko huhuhu T_T
Electronics pa more hahahah :'(

BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
Fiksi Umum"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.