Chapter 19

13.6K 244 6
                                        

**********

Umagang-umaga ay abala kami sa paghahanda para sa gaganaping party mamayang gabi. Sa di malamang dahilan ay kabado ako. Siguro dahil ito na ang huli. Ang huling araw na masasaktan ako ng dahil sa kanya. Ito na rin ang huling araw na nandito ako sa mansyong ito. Pero yung pagmamahal ko sa kanya. I doubt if it will end. May gano'n pala talagang klaseng pagmamahal? Yung tipong ubos ka na, pero patuloy pa ding nananalaytay.

Alas-singko ng nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Nagtungo ako sa aking kwarto upang mag-ayos. Nagulat pa ako ng may isang puting bistida na nakalagay sa kama ko.

Please wear this, and be a guest.
-Julius

Napabuntong-hininga ako. Napagpasyahan kong isuot na nga lang iyon. Nang bumaba ako at nagpunta sa garden kung saan gagaganapin ang party ay nakita ko nang naka-upo sa isang table ang barkada ni Julius. Nakita kong kumaway si Cessy sa akin kaya pumunta ako sa kanila. Nilinot ko ang aking paningin at nakita ko si Julius at ang nga magulang nito na na sa isang mas malaking table kasama si Marina at mga magulang din yata nito. Kita ko ang pagtitig sa akin ni Julius kaya iniwas ko ang tingin sa table nila at diniretso ang tingin kila Cessy.

Ngumiti ako ng nakarating sa kanilang table. Niyakap ko si Cessy. Kapansin-pansin naman ang lalaking kasama ni Leila. Nanliliit ang mata ko habang nakangiti dito. Ngumiti din ito at lumapit sakin saka yumakap.

"Boyfriend mo?" Malakas na tanong ko dito. Tamang lakas lang paa marinig ng mga nasa table na ito. Nanlaki ang mga mata ni Leila. Nakita ko naman ang paglunok ng laway ng lalaking kasama niya. Narinig kong tumawa sa gilid ko si Drake. Kunot-noo ko itong binalingan. Sumisilay sa gwapo nitong mukha ang nakakapanlokong ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Come on Rose? Wala ba akong hug?" Nagpacute ito habang nag-aabang ang kanyang mga braso para sa aking yakap. Kumibit balikat ako saka nagtungo sa kanya. Nagulat ako ng hinigpitan nito ang pagyakap sa akin. Humalakhak ito.

"Stop it Drake. You don't to mess to the devil aren't you?" Nakita ko ang pagtapik ni Edward sa balikat ni Drake. Bumitaw na ako dito at nagulat pa ako mg tinapik nito ang aking pwetan!

"What the? Manyak ka talaga kahit kailan!" Natatawa kong sinabi dito. Nagkibit-balikat ito habang nakangiti.

"Drake. Stop that!" Narinig ko na naman ang paghalakhak ni Edward. Kumindat pa si Drake dito. At tumawa din. Naramdaman ko na may kamay ang gumapang sa aking baywang. Pabango pa lamang niya ay alam ko na kung sino.

"Anthony." Ngumiti ako ng nagharap kami.

"You okay?" Nakangiti ngunit may halong pag-aalalang tanong nito sa akin. Nakangiti din akong tumango dito. Nagulat pa ako ng hilahin ako nito payakap sa kanya.

Tila ipinaparating ng yakap nito na magiging maayos din ang lahat. Napapitlag kaming lahat ng mag magsigawan sa gawing table nila Julius. Bumitaw ako kay Anthony at sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon ng kanilang lamesa.

Naibagsak pala bi Julius ang basong iniinuman nito. Nakita ko ang pagdalo sa kanya ni Marina. Tila kinurot ang aking puso. Narinig ko pa ang pag-aalalang tanong nito kay Julius.

Agad akong nagmartsa patungo sa lamesa nila Julius. I'm his personal assistant after all. This is my last shot. Narinig ko pa ang mga pagsinghap nila Anthony.

"Good evening madamme. Lilinisin ko na lang po." Nakangiti kong bati kay Mrs. Montemayor. Nginitian ko din ang mga magulang ni Marina pati si Marina. Hindi ko tinapunan ng kahit isang sulyap si Julius. Kumuha ako ng walis, dustpan at basahan. Bumalik agad ako sa lamesa nila. Sinikop ko ang palda ng aking bestida at saka umupo. Pinulot ko ang malalaking bubog. Narinig ko ang pagpalatak ni Julius na nasa gilid ko lang at nakaupo sa kanyang upuan. See how far we are from each other? We are heaven and earth!

Nagulat na lamang ako ng nasa tabi ko na siya at tumutulong magpulot.

"Julius.zz let her handle that. You should change your pants." Mabining utos ni Marina dito. Tumikhim ako.

"It's my mess Marina. I should be the one to clean this up." Malamig namang sagot ni Julius dito.

Naubos na ang malalaking bubog kaya tumayo. Hindi ko pa din tinatapunan ng tingin si Julius. Kahit na panay ang paninitig nito. Tumayo ako. Naramdaman ko ang pagtayo din niya. Winalis ko na ang maliliit pang bubog. Maya-maya ay naririnig ko na ang ingay nila Drake na patungo dito.

"Bro. Marina. Congrats!" Natatawang bati ni Drake sa dalawa.
Napatingin na ako dito. Hinawi niya lang ang kamay ni Drake na tumapik sa balikat niya.

"Hey." Binalingan ko si Anthony. Tinulungan niya ako sa pagtapon ng mga bubog kaya ngumiti ako sa kanya.

Nagulat ako ng may marahas na humila sa kamay ko. Napasinghap ang lahat ng nasa lamesang iyon. Naramdaman ko ang nanginginig na kamay ni Julius. Sinalubong ko ang poot at lungkot na nasa kanyang mga mata.

"Julius, Marina is right. You should change." Ma-awtoridad ba wika ng Ginang kay Julius.

"Sure. I'll change." Hindi niya iniaalis ang tingin sa akin habang sinasagot ang kanyang ina. "But you'll come with me." Napasinghap ako sa sinabi nito. Anong ginagawa niya? Para saan ito?

"Ayoko." Nanliliit kong tinig dito. Napasinghap siya sa sinabi ko. Ang nanginginig niyang kamay na nakahawak sa akin ay unti-unting lumuluwag.

"Yeah. Right. Whatever." Simpleng sagot nito at umalis na sa aming harapan. Binalingan ko ang mga Montemayor. Kita ko ang panlilisik ng mata ng Ginang. Yumuko ako at naramdaman ko ang mga kamay ni Anthony sa aking balikat. Iginaya nila ako pabalik sa kanilang lamesa.

Isi-nerve ang mga pagkain. Nahiha tuloy ako ng makita ko sila Manang na nagseserve. Nakita ko ang paglagay ng lalaking kasama ni Leila sa plato nito. Nanliit ang mga mata ko sa kanila kaya naramdaman siguro ni Leila ang pagtitig ko. Ngumiwi ito at nahihiyang tumingin.

"This is Neil by the way. My stepbrother." Humalakhak siya halakhak na wala sa lugar! Tumingin ako kay Neil. Nakangiwi din ito at nahihiyang iniabot sa akin ang kanyang kamay.

"I thought you are in a  relationship. I'm sorry." Tumawa ako. Nakangiwi pa rin sila kaya ipinagkibit-balikat ko na lamang ito.

Nagsimula ng magsalita ang baklang emcee sa may maliit na platform. So this is it. This is the worst pain I'll ever pain. May mas lalalala pa ba dito bukod sa panganganak ko?

"Good evening everyone." Wika ni Madamme sa isang sosyal na ingles. "I am so thankful to having you all here in my son's engagement party." Ngumiti ngiti ito sa bawat tao. Nagpalakpakan ang mga taong naroon. Lahat ay galak na galak. Pupwera sa akin. Habang nagsasalita si Madamme ay may mga karayom na unti-unting tumutusok sa aking puso. Naramdaman ko na lamang ang panlalabo ng aking paningin.

Matapos niyang magsalita ay may ipinanood namang slideshow sa amin. Mga pictures nila Marina at Julius during their childhood to the future. Sinulyapan ko si Julius na nakatulala lamang sa lahat ng nangyayari. Si Marina naman ay galak na galak sa nakikita.

"Hey, the pain will end. Soon...." Bulong sa akin ni Anthony. Natapos ang slideshow. Doon tinawag ng emcee si Marina. Kusang tumayo si Julius. Ang kaninang walang ganang mukha ay nagkaroon ng buhay. Tila hinuhukay ang aking tiyan. Nagsalita ng kaunti si Marina ganun din si Julius. At dahan-dahang lumuhod sa harapan ni Marina. Hindi na din kinaya ng tiyan ko kaya agad akong tumakbo patungo ng cr at doon sinuka ang lahat.

I'm sorry baby. Wala ka ng kikilalanin na daddy. He's already engaged to someone else. Umiyak ako habang hinihimas ang aking tiyan. This will be the last time I'll for you. Julius.

====

A/n: Naitawid ko din ang UD :) hihihihi! Ahm, enjoy reading guys. Sorry for the typos. Sorry for the long wait. I'm too busy kasi. And..... Mahirap pilitin ang utak na magproseso. Parang pag-ibig mahirap pilitin kung ayaw sa'yo. :D Sino ba si Neil? Hahahahahahaha!!!!!!

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon