Chapter 38
Welcome Back!!!
Nathan: kailan mo pa ako mahal?
Billy: eeeeiiii! Mag-drive ka na lang jan, mamaya mo na ako kulitin.
Nathan: fiancé na kita ha, wala ng atrasan.
Billy: fiancé ka jan? Bakit, boyfriend ba kita?
Nathan: hindi, kasi ako nga ang future husband mo.
Billy: asawa agad? Hindi mo pa nga ako nililigawan eh.
Nathan: kapag kasal na tayo saka na lang kita liligawan. Iiba tayo sa nakasanayan. Hahaha!
Seryoso? Kasal agad? Nababaliw na yata tong si Nathan eh, he’s willing to give up his title as one of the most sought after bachelor in the metro just for me!
Billy: ay nako, ewan ko sayo. Mag-drive ka na nga lang jan.
Nathan: kinikilig ang sweetheart ko oh, ngingiti na yan!
Billy: Nathan naman, umayus ka!
Kunwari ka pa jan Belinda, maiihi ka na nga sa sobrang kilig eh. Imagine, isang Jonathan Lopez ang magiging asawa mo. Isa kang napaka-swerteng nilalang na ginawa ng Dyos.
Nathan: nandito na tayo, hintayin mo ako, wag ka munang bumaba.
Bilang fiancé nya, tama lang na ituring ko na syang isang tunay na asawa. Whahaha!!! Jonathan para kang tanga, feel na feel mo talaga ha.
Billy: parang tanga to, kaya ko namang buksan tong pinto.
Nathan: syempre sweetheart, ayokong napapagod ka. Let’s go!
Billy: ganito ka ba talaga sa mga babae mo?
Nathan: ouch! Mga babae talaga? Sayo lang ako ganito.
Billy: dapat ba akong maniwala?
Nathan: ano ang gusto mong gawin ko para maniwala ka? Gusto mo buhatin pa kita ngayon eh, para lang patunayan sayo na seryoso talaga ako.
Billy: naniniwala na ako, kaya please lang, utang na loob wag mo na akong buhatin.
Ang swerte ko naman sa lalake na to. Ang pogi ng fiancé ko, lahat tuloy ng nakaka-salubong namin na babae napapa-tingin sa kanya tapos ngingitian sya. Napansin nya siguro na tinitingnan din ako ng mga lalake na nakaka-salubong namin, kaya naman binitawan nya yung kamay ko. Akala ko pa naman ok na kasi binitawan nya yung kamay ko, hindi pala, kasi inakbayan naman nya ako na akala mo may hihila sa akin anytime.
Billy: ano namang drama yan, may pa-akbay-akbay ka pang nalalaman jan.
Nathan: eh kasi ang sama ng tingin sayo nung mga lalake dito sa airport, baka mamaya agawin ka pa nila sa akin. Mahirap ng maagawan, ang hirap pa namang hanapin ang katulad mong may saltik.
Billy: ako pa ngayon ang may saltik ha! Eh mas malakas naman ang saltik mo sa utak kasi pinatula---
Bakit ba ang sexy nya sa paningin ko kapag nag-pout na sya at nag-smirk? Hindi ko na naman tuloy napigilan ang sarili ko na halikan sya.
Nathan: oo na, alam ko naman na grabe na ang saltik ko, kaya nga nagustuhan kita eh.
Ran: Naaaaaaanny!!!
Billy: Nanny missed you so much Ran, welcome back.
Ran: Nanny, I have something for you.
Nathan: Ran, nandito din si Kuya Nathan.
Ran: hello Kuya.
Yun lang yon? Hindi ba nya ako na-miss man lang? Dapat pasalamatan ako nitong bata na to at hindi ko pinabayaan ang mahal nyang Nanny.
Monina: Ate Billy!!!!
Billy: Monsi!!! How’s Singapore, nag-enjoy ka ba?
Monina: may pasalubong din ako sayo Ate Billy, bibigay ko pagdating natin sa bahay.
Nathan: ako, may pasalubong din ba ako from you?
Monina: nakalimutan kitang ibili kuya, punta ka na lang ng Singapore. Hahaha!
Nathan: ang daya nyo naman! Mommy!
Gio: Ate Billy!!!!
Marlon: Gio, hintayin mo naman ang girlfriend mo.
Gio: Ate Billy, may pasalubong din ako for you, I’m sure you’ll love this.
Billy: talaga? Ano ba yan?
Gio: mamaya na lang, sa bahay na lang. Ran, baba ka na muna ang bigat mo kaya, mapapagod si Nanny mo.
Ran: am I heavy Nanny? Ayoko bumaba, na-miss ko si Nanny eh.
Billy: ok lang Gio, kaya ko naman.
Nathan: Ma, sino yung kasama nyong babae? Ligaw mo Gio?
Gina: Hello, you must be Billy? I’m Regina Reynold, Gio’s girlfriend.
Billy & Nathan: ha???!!!
Gio: wag kayong maniwala jan, may sapi iyan.
Nathan: ikaw Gio ah, masyado kang malihim.
Gio: oh, just shut up Kuya. She’s not my girl.
Marlon: mamaya na ang kwentuhan at kulitan, umuwi na muna tayo.
Glenda: Ran tara muna dito kay Mommy.
Ran: ayaw, kay Nanny ako.
Marlon: may napansin ako Nathan at Billy.
Owmygash!!! Halata ba na may relasyon na kami, hindi naman kami sweet sa isa’t-isa ah.
Nathan: guni-guni mo lang yan Dad, walang bago sa amin.
Marlon: defensive ka naman masyado anak, sasabihin ko lang na mukang magkasundo na talaga kayo ni Billy, ikaw naman.
Glenda: anyway, Gina sya si Jonathan, ang panganay naming anak ng Tito Marlon mo. At sya naman yung laging nababanggit ng tatlong iyan, si Billy, ang Nanny ni Ran.
Nathan: hello, Nathan na lang. Boyfriend mo ba talaga si Gio?
Gina: Hello Kuya Nathan.
Gio: kung maka-Kuya ka naman jan akala mo tunay mong kapatid.
Glenda: Gio…
Gio: ok, tatahimik na po.
Gina: oo, boyfriend ko sya. Bagay naman kami diba? Hi Billy, alam mo ba lagi kang naba-banggit sa akin nitong tatlo? You’re so lucky kasi they really love you. And oh, bagay kayong dalawa ni Kuya Nathan, kayo na ba?
Billy: h-ha?
Nathan: hindi pa nya ako sinasagot eh, ang hirap suyuin nitong Nanny ni Ran.
Ran: Nanny, you like my Kuya Nathan? How about me, hindi mo na ako mahal?
Eto namang si Ran napaka-seloso pagdating sa Nanny Billy nya, hindi ba kami pwedeng mag-share? Randolf naman eh!
Billy: of course I still love you Ran, nobody can change that. Saka kung gusto ko man si Kuya mo, mas mahal naman kita kesa sa kanya.
Ran: yehey! You hear that Kuya? Mas mahal nya ako kesa sayo! Bleh!!!
Hilahin ko kaya nag dila nitong kapatid ko na to? Masyado!!! Naku, pasalamat ka at bata ka pa at kapatid kita, dahil kung hindi pupulutin ka sa kangkungan.
Monina: Ate Billy, anong masasabi mo kay Gina, bagay ba sila ni Kuya Gio?
Billy: ahm…muka namang mabait si Gina. Kung bagay sila, hindi ko pa masasabi, pero may chemistry silang dalawa, isang saksakan ng sungit at isang mukang makulit.
Glenda: naku Billy, ako na ang nagsasabi sayo, bagay silang dalawa.
Marlon: oo na, bagay na nga sila. Kamusta nga pala dito habang wala kami?
