Chapter 22
Nang dahil sa DALAW… Part 1
Mabuti na lang at naka-bili na ako ng sanitary napkin ko, advance na naman ng isang araw ang mens ko, pero kahit gaano pa ako kahanda sa napkin, nakalimutan ko namang bumili ng Mefenamic para kapag sumakit ang puson ko, may maiinom ako.
Billy: arraaaaaaaaaaaaay!
Hating-gabi na pero bakit gising pa rin si Billy, tapos parang umiiyak pa sya. Siguro naalala na naman nya ang Mama at Ate nya.
Billy: arraaaaaaaaaaaaay! Nakaka-bwisit ka!!!
Huh? Me-may kasama ba sya sa kwarto nya? Hindi kaya nananaginip sya, binabangungot? Siguro dapat ko syang puntahan? NAKU NATHAN, UMANDAR NA NAMAN YANG PAGIGING MANYAK MO!!!
Billy: syeeeeeeeeet!!! Ang sakit!!!
Nathan: tangina, mapuntahan na nga, baka mamaya kung ano ng nangyayari sa kanya!
Bumangon na agad ako at pinuntahan ko sya, at talaga namang nagulat at natakot ako sa nakita ko! Si Billy may dugo! Sheet!!!
Nathan: Billy, anong nangyari sayo? Bakit may dugo ka?
Billy: kailangan ko talaga ng dugo para mabuhay, ano ka ba!
Nathan: hindi iyon, bakiy me-may dugo ka dun sa…dun sa… dun sa ano mo…
Juskoday naman, parang lalong sumasakit ang puson ko sa pag-intindi sa pinag-sasabi nitong lalake na toh!
Billy: saang doon?
Nathan: sa…sa ano…sa pwet mo…
Ay tungak!!! Never nya sigurong nakita si Mam Glenda na may tagos, kaya ganito sya ka-tanga ngayon…ok, inosente!!!
Billy: may period kasi ako, and its sucks!
Nathan: may dalaw ka? Kaya naman pala ang sungit mo kanina ee. Ay nako teka, ano bang masakit sayo at kanina ka pa aray ng aray dito?
Billy: masakit yung puson ko eh! Nakalimutan kong bumili ng mefenamic.
Nathan: sabi ni Mommy masama daw yung umiinom ng gamot kapag may dalaw ang isang babae.
Billy: bawal talaga kung sa bawal, pero anong gusto mong gawin ko, tiisin ko yung sakit? Hindi naman ako masokista noh! Araaaaaaaaaaaay!!!
Nathan: sandali, parang meron pa akong natirang mefenamic sa medicine cabinet ko.
Bro, sana naman po meron kasi po hindi po talaga ako makaka-tulog pag nagkataon. Please po, sana po meron.
Nathan: wala na bang ibang alternative solution para mawala yang sakit ng puson mo?
Billy: bakit, wala ka ng stock ng mefenamic?
Nathan: wala na eh, paracetamol na lang yung natira, hindi naman yon pwede sayo. Ano, wala na bang ibang alternative?
Billy: meron, pero ayoko naman na tumira ng black coffee sa ganitong oras. Sabi kasi nila kapag masakit daw ang puson mo, inom ka lang daw ng kape na walang asukal. Pero ayoko talaga non, gusto kong maka-tulog.
Nathan: wala na bang iba?
Billy: meron pang isa! Yung ginagawa ni Ate kapag masakit ang puson ko, kaya lang wala si ate.
Naalala ko na naman si Ate, nasaan na kaya sila ni Mama?
Nathan: ano ba yung ginagawa ng Ate mo para mawala yang sakit? Susubukan ko, baka mawala yung sakit.
Billy: pinaghehele nya ako habang hinihimas yung puson ko! Pero kahit kaya mo yung gawin, hindi pwede. Lalake ka pa rin at babae pa rin ako!
Nathan: ikaw ang bahala, ang sa akin lang naman eh yung matulungan kita na mawala yung sakit ng puson mo para maka-tulog ka! Pero since ayaw mo, tiisin mo na lang ang sakit!
Aaaaaahhhhhhhh!!! Kaya ko bang matulog ng ganitong kasakit ang puson ko? Oh my good good Lord, please help me to decide.
Billy: sandali lang… sige na payag na ako, wag ka lang mag-take advantage.
Nathan: papayag ka rin naman pala ang dami mo pang arte. Saka wag kang mag-alala, wala akong balak gawan ka ng hindi maganda ngayon.
Pasalamat ka may dalaw ka, pero kung ganito ang sitwasyon natin na may masakit sayo pero wala kang monthly period, ibang usapan na yon.
Billy: mabuti na rin yung maliwanag. Kanta ka na!
Nathan: haaaaaa? Ako, kakanta? Ang usapan lang natin hihimasin ko yang puson mo hanggang sa makatulog ka.
Billy: eh kung ganon lang ang kailangan kong gawin eh di sana, hindi na ako humingi ng tulong sayo. Hindi ko naman kayang ipag-hele ang sarili ko.
Nathan: haaay!!! Oo na, sige na, sige na, kakanta na! Ano bang gusto mong kanta?
Billy: ahmm… Ganito, kailangan yung kakantahin mo is gusto mong para sa akin.
Nathan: mag-request ka na lang kasi.
Billy: oh sige, take a look around, gusto ko pati yung beat nya.
Nathan: ang hirap naman nun, mission impossible pa gusto. Sige na, ako na pipili ng kanta.
Ano bang kakantahin ko para sa kanya? Kailangan yung hindi masyadong obvious na gusto ko talaga sya. Haaaaaay!!! Ang hirap naman nito, bakit ba kasi kayong mga babae kapag may dalaw, umaarte.?!
Billy: ano na? ang tagal naman!
Nathan: wag ka ngang excited jan, nag-iisip pa yong tao eh!
Sa pakikipag-kulitan ko pa lang sa kanya nawawala na yung sakit… o mas tamang sabihin na nakakalimutan ko na may masakit pala sa akin. Sheeet naman oh, bakit ba kasi ganito? Hindi ba pwedeng ibaon na agad sa lupa tong nararamdaman ko? Nakakatakot naman kasi!!!
Billy: Nathan, may request akong kanta! Isa lang, tapos yung choice mo naman na yung next.
Nathan: anong kanta naman yan? Pero after ko ikaw naman.
Billy: sige, sige.