Chapter 34 : Testing Lang!!!

715 18 0
                                    

Chapter 34

Testing lang!!!

Oliver: so mag-pinsan pala talaga kayo ni Nathan, akala ko kanina joke lang yung sinasabi mo eh.

Empress: seryoso ako! Ang tagal ko na kasing hindi nakikita ang isang yon, well, yung buong family pala nila.

Oliver: eh wala ngayon dito sa bansa sila Tita Glenda eh.

Empress: nakalimutan ko nga na kapag ganitong month umaalis sila. Eh bakit ba kasi talaga naiwan si Nathan dito ngayon? Ano bang pingakaka-abalahan nya?

Oliver: it’s much better kung sa kanya mo na lang itanong. I don’t think I’m on the right position to tell you that.

Empress: them give me his address? Sa dati pa rin ba sya nakatira?

Oliver: pagkatapos mo akong kaladkarin dito, iiwan mo lang ako?

Empress: nagpa-kaladkad ka naman eh! Pero sige na nga, bukas ko na lang pupuntahan si Jonathan.

Oliver: so, care to tell me something about yourself?

Empress: what you see is what you get baby! Ikaw na lang ang mag-sabi ng tungkol sa sarili mo, paano ba kayo naging close ni Jonathan? Matagal na ba kayong mag-kaibigan?

Oliver: matagal na kaming mag-kaibigan nyang pinsan mo, college pa lang kami magkaibigan na kami. Madalas kaming gumimik before, mag-hunting ng magagandang babae at iyon yung isang malaking factor kung paan kami naging close, iisa lang kasi ang hilig namin.

Empress: hanggang ngayon hilig mo pa rin yon?

Oliver: well, nakakasawa na rin. At this point I’m looking for someone na makakasama ko ng pang-matagalan, I’m not getting any younger. Buti nga si Nathan may nakita ng seseryosohin.

Empress: you mean hindi na playboy ang pinsan ko na yon? Wow, that girl must be something!

Oliver: sinabi mo pa, na-meet ko sya nung isang araw. And sabi ni Nathan asawa na daw nya yon, so kasal na ang pinsan mo.

Ano? Kasal na si Jonathan, he got to be kidding me! Ang tipaklong na yon magpapa-kasal, alam ba nya yung salita na yon?

Empress: kasal na si Jonathan? Joke ba yon?

Oliver: hindi, pinakita pa nga nya sa akin yung wedding ring nila eh.

Empress: bahal sya sa buhay nya, malaki naman na sya eh. Eh ikaw, wala ka pa bang balak mag-settle down?

Oliver: may balak naman na, yun nga lang hindi ko pa nakikita yung pwede kong makasama kapag nag-settle down ako. Kung gusto mo ikaw na lang!

Grabe ka Oliver, ang tibay ng muka mo! Parang ganun lang yun kadali ah! Parang inaya mo lang sya ng mamasyal sa mall.

Empress: ahmm…let me think about it, give me two days then I’ll tell you my decision!

Oliver: si-sigurado kang pag-iisipan mo?

Empress: sige, hindi ko na sya pag-iisipan. Ganito na lang, why don’t we try to start as a couple, kapag nag-work then ituloy-tuloy natin.

Oliver: ilang months, days natin susubukan?

Empress: three months is enough I think.

Oliver: ok, deal?

Empress: so kailan tayo magsisimula?

Oliver: ngayon na!

Hindi naman ako easy girl, gusto ko lang subukan na makipag-relasyon sa isang Filipino. Oo, I can fluently speak Filipino but I never had a Pinoy boyfriend, puro imported. Hahaha! Wala namang masama kung susubukan diba, pag hindi nag-work eh di tapusin.

Empress: ok, so boyfriend na kita ngayon, at girlfriend mo na ako. Give me your golden rule.

Oliver: wag masyadong selosa, yun lang. How about yours?

Empress: you should know how to read precautions.

Oliver: that’s noted. Can I call you sweetheart?

Empress: yeah, that’s fine with me. I’ll also call you sweetheart.

Oliver: so, can I have this dance sweetheart?

Empress: yeah, sure.

Hindi ko alam kung tama ba tong pinasok namin ni Empress to think na ngayon lang kami nagka-kilala. Ano na lang ang sasabihin namin kay Nathan nito?

Oliver: sweetheart, anong sasabihin natin sa pinsan mo?

Empress: sasabihin lang natin na nililigawan mo ako. Kasi kung hindi to magwo-work, maghihiwalay lang din naman tayo.

Oliver: ok, anyway wala ka bang naiwan na boyfriend sa lugar na pinanggalingan mo?

Empress: wala, I’m single and always ready to mingle.

Oliver: saan ka nga pala mag-stay tonight? For sure walang tao ngayon kila Tita Glenda.

Empress: naka-check-in ako ngayon sa isang hotel. By tomorrow kapag naka-usap ko na ang magaling na si Jonathan, baka sa kanya muna ako mag-stay.

Oliver: eh may asawa na sya diba, paano kung hindi sya pumayag?

Empress: bahala na…

Oliver: kung ok lang sayo sa unit ko na lang muna ikaw tumuloy. Promise, wala akong gagawing hindi maganda sayo, I’ll behave.

Empress: ang bait naman ng boyfriend ko, parang tunay! Pa-kiss naman jan oh!

Kiss ba? Oh sure, no problem!!! Kiss lang naman pala eh!!! Smack lang para hindi sya mabigla!!!

Oliver: sa tingin ko magtatagal tayo.

Empress: we’ll see!

At hinalikan ko sya, syet na lalake to, ang yummy ng lips, ang sarap halikan ng paulit-ulit. NAKAKA-ADIK MUCH!!! Hahaha!!! 

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon