Nakapagdesisyon na si Nathan. Kung walang magawa ang mga binayaran nya para mahanap ang babaeng mahal, sya na lang ang gagawa ng lahat ng paraan para mahanap ito. Baka nga tama si Oliver, na sya lang ang hinihintay, na sya lang ang makakahanap kay Billy!
Nalaman na rin ni Nathan na sa Cebu nagpunta ang buong pamilya nya kasama ang ina at kapatid ni Billy, at hindi nya iyon maintindihan! Of all places na pwedeng puntahan, bakit sa Cebu pa? Bakit kung saan pa nandoon ang baliw na si ALfred na pwede silang gawan ng hindi maganda.
Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan nya sa Mactan Airport, at lalo nyang naramdaman ang lungkot ang pangungulila kay Billy. Kung kasama lang sana nya ang dalaga, masaya silang mamamasyal na dalawa sa hometown nito. Namimis na nya ang madaldal na dalaga, namimis na nya ang pangungulit dito. He badly misses her so much!
"Sumama ka sa amin!"
Kung pwede lang syang magwala, malamang na nagwala na si Nathan. Why not, kadarating lang nya ng Cebu at mukang balak pa yata syang pabalikin agad sa pinanggalingan nya ng mga lalake na nasa harap nya.
"At bakit naman ako sasama sa inyo? Sa pagkakatanda ko wala akong kinuhang tour-guide." pabalang na sagot nito sa mga men in black. "Pwede ba, kung trip nyong mang-abala wag ako, iba na lang. Busy akong tao."
Hindi naman sya hinayaan ng mga lalake na makahakbang ng higit sa dalawa. Kung hindi nila madadala si Nathan sa nag-utos sa kanila, malamang na mapatay sila nito. May sarili silang pamilya na kailangang buhayin, kaya kailangan nilang maisama si Nathan. By hook or by crook!
Pinalibutan ng limang lalake si Nathan, anong laban ni Nathan sa kanila? Wala! Napilitang sumama ito sa men in black, wala naman syang ibang choice. Mabait naman ang lima, imagine Montero ang sasakyan na pagsasakyan kay Nathan para kahit na bihag nila ito ay komportable pa rin ito.
"Saan nyo ba kasi ako dadalhin? Sinong g@go ba ang nag-utos sa inyo na kunin ako? Sabihin nyo sa kanya na wala akong panahon sa kanya, lalong hindi ko sya kilala. Pwede ba, hayaan nyo na lang ako." pumapalag na sabi ni Nathan.
Hay Nathan, para kang timang. Nag-aaksaya ka lang ng lakas, wala ka namang laban sa kanilang lima. Ilang minuto ang lumipas, at huminto sila sa tapat ng Mandarin Hotel Cebu. Nagtataka naman si Nathan kung bakit doon sila huminto. Big time nga yata talaga ang nagpadukot sa akin. Nasabi na lang ni Nathan sa sarili.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang nasa ibang parte ng Cebu si Nathan, abala naman si Billy. She's busy fixing herself in front of the mirror kahit pa wala namang dapat ayusin sa kanyang sarili. Ganon yata talaga kapag ikakasal na.
"Ok na ba talaga ang itchura ko, hindi ba makapal yung make-up ko? Yung damit ko, maayos na ba? Bagay ba sa akin, maganda ba ako?"
Kung hindi lang siguro ngayon ang araw ng kasal ni Billy, malamang ay nadyombag na sya ng mga bading na kasama nya sa silid na iyon.
Billy looks perfect on her gown na sya mismo ang pumili ng disenyo at gumawa. Alam naman niBilly na maganda sya, pati na rin ang lahat ng suot nya, sadyang praning lang sya at excited.
"Girl, umistedi ka at baka masapok kita ng wala sa oras. Nakakaloka ka 'day. Wala kang bilib sa gandara park na taglay mo. You're the most beautiful bride today sa whole wide Cebu." maarteng sabi ng bading na nag-aayos kay Billy.
"Can you blame me? I just want to look great for him, for my soon-to-bee husband." naghihisteryang sagot naman ni Billy.
"I-showtime mo nga sa akin ang itchura ng magiging hubyby mo ng ma-getching ko kung bakit ka nagkakaganyan."
ipinakita naman ni Billy ang picture ng mapapangasawa nya, kaya naman naghuhumiyaw ang kalandian at inggit sa mata ng beautician nya.
"Ateng, may kapatid ba ito? Pwedeng akin na lang? Ang gwapo oh, nalaglag ang tback na suot ko. Kaloka!" malanding sabi ng bakla.
Kahit paano naman any nabawasan ang tensyon na nararamdaman ni Billy dahil sa kalandian ng kasama nya, na hanggang ngayon ay ayaw bitawan ang picture ng magiging asawa nya.
"Akin na nga yan, baka malusaw pa yan kakatitig mo." sabi ni Billy sa boses na nagbibiro.
+++++++++++++++++++++++++++
Para namang pinagtutulungan ng langit ang lupa ang pakiramdam ni Nathan ngayon. Nasa Mandarin Hotel sya kasama ang limang lalake na pilit syang isinama para lamang mag-attend ng kasal. Mas lalo lamang nyang na-miss si Billy.
Kung hindi kinuha ng g@gong si Alfred si Billy, malamang na naikasal o ikakasal na rin kami ni Billy. nasabi na lamang ni Nathan sa sarili.
Lopez - Garcia Nuptials
Ano ba ang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako ng ganito? Talagang pareho pa ng Family name namin ni Billy ang ikakasal ngayon. Siguro kung mabait si Alfred, pwede ko pang isipin na kasal naming dalawa to at inihanda nya ang lahat ng 'to sa amin.
******************************************************************************************
A/N: Bitin po ito!!! Pero may kasunod pa po... Chapter 48.2 po... Pinilit ko lang po mag-update kasi hiyang-hiya na ako sa inyo, ang tagal nyo na po kasing naghihintay. Pasensya na po kasi nga matagal, alam nyo na, busy ang lola nyo sa trabaho at sa kung ano-ano pang kadahilanan kaya hindi ko maharap ang aking laptop.
