Chapter 28
Gio Meets Gina!!!
(Ang Masungit na si Gio at Ang Pasaway na si Gina!!!)
A.N.: kamusta na nga ba si Gio, Ran at Monina? Hmmm… Siguro dapat din nating silipin kung ano ng nangyayari sa kanila sa Singapore!
Gio: Mommy, lalabas lang ako sandali ah!
Glenda: saan ka pupunta?
Gio: jan lang sa malapit na mall, may bibilin lang ako!
Marlon: bumalik ka agad anak.
Gio: ok po!
Kamusta na kaya si Kuya at si Ate Billy, hindi man lang kasi sila tumatawag. Ano bang ibibili kong pasalubong sa kanya? Sa totoo lang, kung magkasing-age lang kami ni Ate Billy, liligawan ko talaga sya ee, kaya lang hindi eh, mas bagay silang dalawa ni Kuya. At bilang isang mabuti, mabait at mapag-bigay na kapatid, bahala na si Kuya kay Ate Billy. Halata naman kasi kay Kuya na may gusto sya sa Nanny ni Ran eh, ayaw pang umamin.
Gina: ui cutie pie, tulungan mo naman ako oh!
Sino ba tong babae na toh? Tulungan? Neknek nya, ano sya sinuswerte?
Gina: sige na naman oh! Please!
Gio: sino ka ba, saka ano bang problema mo?
Gina: say yes first then I’ll tell you my problem and what’s happening.
Gio: ok, ok! Yes!
Gina: oh, boyfriend na kita ha, wala ng bawian!
Grabe, ang pogi naman nitong lalake na toh, at napaka-galing ko talagang nilalang, napasagot ko agad sya ng walang kahira-hirap! BOYFRIEND KO NA SYA!!!
Gio: what? Is this some kind of a joke? Nasa WOW MALI ba ako?
Gina: no! no! no! this is for real, as in R-E-A-L.
Gio: whatever, so now what? What’s happening and what’s your problem?
Gina: I’ll tell you later. But we have to get out the hell here, they’re coming.
What? Bakit ba nasabit pa ako sa gulo nitong babae na toh! Minsan may dis-advantage din pala ang masyadong mabait, naabuso!
Gio: sino ba yung mga humahabol sayo? Siguro inutangan mo sila tapos ngayon hindi mo binayaran!
Gina: muka ba akong walang pera?
Gio: honestly, yes!
Grabe naman tong lalake na toh, teka ano nga pala ang pangalan ng BOYFRIEND ko?
Gina: ano bang pangalan mo?
Ibang klase din tong babae na toh, tumatakbo na nga kami at lahat dahil may humahabol sa kanya (nadamay lang ako) nakuha pang magtanong kung anong pangalan ko.
Gio: Gio, and what’s yours?
Gina: ui, interesado din sya sa akin! Regina, but just call me Gina para mas bagay tayong dalawa, parehong sa letter G nag i-start yung name natin.
Gio: dito!
Lumiko kami sa isang makipot na eskinita, bahala na si Batman kung paano ako makakabalik sahotel namin.
Guy1: where is she?
Guy2: I can’t see them.
Gio: humanda ka sa akin mamaya!
Nakita ko na napa-lingon sa gawi namin yung isang lalake na humahabol sa akin kaya hinalikan ko na ang bago kong BOYFRIEND. Bakit ko sya hinalikan? Wala lang, chansing lang! Echos lang, para hindi sila magduda kung ano ba ang ginagawa namin sa madilim na eskinita na yon! Idagdag na rin natin na dahilan yung para matahimik na tong lalakeng kasama ko, saka para ma in-love sa akin ang cutie pie na ito. Hahaha!!!
Gio: bakit mo ako hinalikan?!
Grabe naman tong lalake na toh, sya na nga ang hinalikan sya pa tong galit! Dapat nga magpasalamat pa sya dahil sa kanya ko binigay ang first kiss ko!
Gina: type nga kasi kita! Saka anong masama don boyfriend naman kita at girlfriend mo naman ako! Ano na nga pala ulit ang pangalan mo?
Gio: I think I have to go! Bye!
Gina: matitiis mo ba ang isang tulad ko Gio? Matitiis mo ba na iwanan ang girlfriend mo sa ganitong kalagayan? Matitiis mo ba na iwanan ang prinsesa ng buhay mo sa ganitong klaseng lugar?
Gio: look Regina, I don’t even know you. Malay ko ba kung may malaki kang kasalanan sa bansa na toh! Wala sa plano ko na sirain ang buhay ko dito! Nagbabakasyon lang ako!
Gina: sus, tara na nga, sasama na lang ako pabalik sa hotel mo!
Gio: what make you think na isasama kita?
Gina: dahil GIRLFRIEND mo AKO at BOYFRIEND naman KITA! Hindi pa ba sapat na dahilan yon?
Gio: you’re so impossible Miss!!! Bahala ka jan sa buhay mo!!!
Gina: sasama ako sayo! Sa ayaw at sa gusto mo!
Nalaglag siguro ang turnilyo ng babae na toh sa utak kanina nung hinahabol sya nung mga lalake na yon! Grabe, ang lakas ng saltik sa utak!
Gio: stay where you are, don’t you dare follow me!
Sunget talaga, siguro binasted sya nung nililigawan nya! Pero sino namang tanga na babae ang babasted sa isang gwapo at cute na katulad nya?
Gina: you can’t get rid of me that fast cutie pie! Wag ka ngang masyadong masungit jan, sige ka, maaga kang tatanda! Pumayag ka na kasi na sumama ako sayo pabalik sa hotel na tinutuluyan mo!
Gio: aaaaaaaiiiiiissssshhhhh!!! Pwede ba miss, masyado nang malaki yung abala na naibigay mo sa akin kaya please lang, wag mo ng dagdagan.
Gina: anu ka ba naman, tutulong ka na rin lang, lubus-lubusin mo na! Minsan lang naman toh! Sa sungit mo na yan, sigurado ako na walang ibang tao ang nagtangka na humingi ng tulong sayo!
Gio: ok ka din eh no Miss, ikaw na nga tong nagdala ng kamalasan sa akin ngayon tapos ikaw pa yung may gana na magsalita ng ganyan! Dapat pala talaga hindi na lang kita pinansin!
Gina: sus, eto naman masyadong seryoso! Sige naman na kasi, after nun hindi na ulit kita guguluhin!
Gio: ewan ko sayo!
Gina: I’ll take that as OKAY!
Sumunod ako sa bago kong boyfriend pero hindi na ako nagtangka na magsalita baka kasi bigla na lang nya akong takbuhan. Feeling mo naman Regina na may pananagutan sya sayo!!!
Gio: bakit ba sunod ka pa rin ng sunod?
Gina: kasi nga gusto kong sumama sayo.
Gio: pwes, ayokong kasama ka, kamalasan lang dala mo sa akin eh!
Gina: grabe ka naman, malas pa ba yung nahalikan mo ako?
Gio: excuse me, ikaw ang humalik at hindi ako!
Gina: tsssss… tara na sa hotel room mo, baka mamaya bigla na namang sumulpot yung mga humabahol sa atin.
Gio: sa atin? Ikaw lang ang hinahabol nila!
Gina: sige na, ako na lang ang hinahabol nila. Tara na!
Grabe talaga tong babae na toh, malapit na nyang maubos ang pasensya ko! ano ba kasi talaga ang ginawa ng isang toh at hinahabol sya ng mga malalaking lalake na yon?
