Chapter 17
PANCAKES & POWER HUG
Nathan: good morning!
May sakit ba tong si Nathan, bakit ang aga nyang nagising tapos may breakfast na agad kami?
Billy: may sakit ka ba Nathan?
Nathan: huh? Sakit? Wala naman, bakit, muka ba akong may sakit?
Billy: wala naman!
Nathan: kain na. Pambayad utang dun sa paglilinis mo ng unit ko kahapon.
Billy: ahhh…ok!
Nathan: oo nga pala, after mong kumain maligo ka na rin, isasama kita sa resto mamaya.
Billy: ha??? Bakit??? Ayoko!!!
Nathan: that’s an order! Saka baka kasi mamaya pumunta doon si Trixie, paano maniniwala yon na may asawa na ako kung hindi kita kasama?
Billy: kailangan ba talaga na kasama mo ang asawa mo sa trabaho o business mo? Hindi naman diba?
Nathan: bastaaaaaaa!!!!! Wag ka na kasing kumontra!!!
Billy: A-Y-A-W!!!
Nathan: then forget what we talked about yesterday. You don’t want to your part, and then I’ll do the same thing. Find your Mom and your sister on your own.
Haaaaaaaaaaaiiiiii!!! Kasi naman ee, ayoko naman talagang mag-panggap na asawa nya, kahit nga girlfriend lang!
Billy: oo na, oo na!!! sasama na ako!!! Madami bang masarap na pagkain sa resto mo? Saka, hindi ba ikaw ang nagluluto doon?
Nathan: sasama ka din pala, gusto pa kasi tinatakot! Lahat ng pagkain sa resto ko masarap, at hindi ako ang nagluluto, bakit mo tinatanong?
Billy: kasi, kung ikaw ang nagluluto doon, hindi na ako kakain. But since hindi naman pala ikaw, kakain ako, libre yon ha!
Nathan: malakas ka bang kakain Billy?
Billy: depende, kung type ko yung pagkain, for sure mapaparami ang kain, pero kung kagaya nitong pancakes na niluto mo ang ipapakain mo sa akin sa resto mo, sa convenient store na lang ako bibili ng pagkain ko.
Nathan: bakit, hindi ba masarap?
Billy: tikman mo ng malaman mo! Ang dry, tapos matabang, kakabili mo lang naman ng asukal diba, bakit hindi mo nilagyan?
Nathan: baka kasi magkaron ka ng diabetes kapag nilagyan ko ng asukal. Wag mo na ngang pintasan yung luto ko, sa susunod hindi na kita ipagluluto.
Billy: pasalamat ka nga nagsabi ako ng totoo ee. Saka hindi ko naman kasi sinabi sayo na ipagluto mo ako, but thank you, na-appreciate ko yung effort mo na gumising ng maaga. Sa susunod Nathan, basahin mo yung cooking instruction, para naman mas ok yung lulutuin mo. Sige, ligo muna ako.
Nathan: bilisan mo ha, baka ma-late ako.
Billy: may oras din ang pasok mo dun? Mauna ka na! ay naku!!!!
Nathan: bakit?
Billy: anong isusuot ko? Wala naman akong magadang damit. Baka mamaya, sa halip na asawa mo, mapag-kamalan nila akong alalay mo!
Nathan: maligo ka na! akong bahala sayo, hindi naman ako papayag na mangyari yon!______________________________________________
Billy: tara na!
Oh good Lord!!! She look so hot in her dress, so simple yet so elegant!
Billy: ano, panget ba? Sabi ko naman sayo wala akong magandang damit eh, hindi na lang kasi ako sasama!
Nathan: ano ka ba! Ang ganda mo nga jan sa suot mo eh, simple pero may dating! So, shall we go now?
Billy: wag mo na akong utuin jan! Tara na!
Nathan: wag na tayong dumaan sa mall, maganda naman na yang suot mo eh!
Billy: weh? May meeting ka ba ngayong umaga?
Nathan: wala naman, bakit?
Billy: dumaan na tayo sa mall, for sure may bukas na, 10a.m. na eh. Don’t worry, I’ll pay for it. Wala sa balak ko ang magpalibre sayo. Nakaka-hiya naman kasi sayo kung hindi magandang tingnan ang ASAWA mo. Saka ayoko rin naman na may marinig sa ibang tao, yung masasabi nila tungkol saakin at tungkol sayo.
Nathan: talagang may emphasis yung salitang asawa ha. Don’t worry, wala kang maririnig na kahit na anong hindi maganda tungkol sa ating dalawa. you look great, alam mo ba yon?
Billy: hindi ko pansin eh.
Nathan: ganito na lang, mamaya na tayo mag-mall. Mamaya ka na bumili ng mga damit na gusto mo, and I’m the who’ll pay all the stuffs that you like.
Billy: pambayad? Anu ka ba, hindi naman ako nagpapabayag ng mga ganung bagay, ang gusto ko lang naman na kapalit nitong mga pinag-gagagawa ko is, hanapin mo yung Mama at Ate ko, yun lang!
Nathan: think of it as a bonus. And don’t worry, may ko-kontakin ako mamaya na private investigator para masimulan na yung pag-hahanap sa Mama at Ate mo.
Billy: thank you! Thank you!
Dahil sa sobrang saya ko, nayakap ko ang magaling at mabait kong amo! Oh sorry, nadala lang ako ng emosyon ko!
Nathan: isa pa nga.
Ang sarap naman sa pakiramdam na yakapin ka ng isang babae na katulad ni Billy, heaven.
Billy: ha? Anong isa pa nga?
Ano bang pinag-sasasabi nitong si Nathan, anong isa pa nga? Isa pang power hug?
Nathan: ang sabi ko, isang beses mo pa akong yakapin, pakakasalan mo na talaga ako!
Billy: in your dreams!