Chapter Two: Wanted Nanny

1.6K 31 0
                                    

Nakarating na ako ng Manila and kailangan kong matawagan si Ate, pero paano ako tatawag? Baka mamaya si Mama or si Papa ang maka-sagot ng tawag ko. Ang importante ngayon, makahanap ako ng mapapasukan na trabaho para bago maubos ang perang baon ko ay may matitirhan na ako. Aaminin ko, mahirap ang pinasok ko na ito, hindi ko kabisado ang Maynila. Hindi ko alam kung sino ba sa mga tao dito ang dapat at hindi dapat pagkatiwalaan.

Naglakad-lakad ako, trying my luck to see a sign na nangangailangan ng katulong or even yaya. Wala na akong karapatan na mamili ng trabaho na papasukan. Actually, pwede naman akong mag-aaply sa malalaking kumpanya since maganda naman ang scholastic records ko and graduate ako ng college with honor. I just don’t want to risk, baka kasi ma-trace agad ako ng parents ko pati na rin ni Mayor naming walang kwenta.

Eto lang ang masasabi ko ngayon, mahal talaga ako ni God. Nakita ko ang isang malaking bahay na naghahanap ng Nanny/Yaya. Ang swerte ko diba, sana lang matanggap ako para mas swerte.

Ding…Dong…Ding…

Eto na to, siguro naman matatanggap ako kasi kumpleto naman ako ng papel, may NBI clearance naman ako at mga valid ID’s. May nagbukas ng gate, siguro nasa 50’s na yung matandang babae na nagbukas.

Manang Lita: magandang umaga iha, anong maitutulong ko sa iyo?

Billy: magandang umaga din po. Mag a-apply po sana akong yaya. Nakita kop o kasi tong karatula na ‘to.

Manang Lita: ay ganun ba? Hala at pumasok ka ng maka-usap ka na nila Mam at Sir bago sila pumasok sa trabaho.

Billy: maraming salamat po.

Wow, ang ganda ng bahay nila, halatang mayaman ang mga nakatira dito.

Manang Lita: umupo ka muna jan iha at sasabihin ko lang kay Mam na may nag a-apply na yaya. Sandali lang ha.

Billy: salamat po.

Merong isang batang lalake ang lumapit sa akin at tinanong ako.

Ran: ikaw ba ang magiging bago kong Yaya?

Billy: hopefully. Gusto mo ba ako na lang ang bago mong yaya cute baby boy?

Ran: if Mommy will hire you, it’s okay with me, if she doesn’t I’ll ask her to hire you.

Ang talino naman bata nito. Ilang taon na kaya to? Kaya lang parang ang hirap alagaan mukang spoiled.

Billy: how young are you little man? You’re so smart.

Ran: 3 years old po. You look like a princess, you know that?

Billy: thank you. What’s your name by the way?

Ran: I’m Randolf Lopez, but you can call me Ran.

Billy: nice name. anyway, I’m Billy.

Ran: diba pangalan ng lalaki ang Billy? Bakit iyon ang pangalan mo? You’re a girl diba?

Billy: yeah, I use the name Billy para unique.

Ran: sana Mommy will hire you.

Sana nga Ran, i-hire ako ng Mommy mo, para naman hindi na ako mahirapan sa paghahanap ng trabaho. At after g ilang minutong pakikipag-usap sa cute na cute na si ran ay dumating na rin ang Mommy nito.

Billy: good morning po.

Mrs. Lopez: please seat down. Ikaw ba iha ang nag a-apply na yaya? Ilang taon ka na ba?

Billy: opo mam, ako nga po. 22 na po ako.

Mrs. Lopez: bakit naman ang pagiging katulong ang gusto mong trabaho?

Billy: sa totoo lang po mam, graduate po ako ng college, kaya lang po kasi, may iniiwasan po ako na pwedeng mangyari kaya kagit katulong po, o yaya, ok na po sa akin.

Kumunot ang noo ni Mrs. Lopez sa sinabi ko. Patay, baka mamaya hindi na ako tanggapin nito. Pero, at least nagging honest ako diba?

Mrs. Lopez: ano naman ang iniiwasan mong mangyare? Ah, manang, paki-pasok muna sa kwarto nya si Ran.

Ran: Mommy, I want her to be my new Nanny.

Mrs. Lopez: go to your room, ok baby?

Ran: bye Nanny Billy…

Billy: babay!

Mrs. Lopez: so, ano ba yung iniiwasan mong mangyare?

Billy: ayoko naman pong magsinungaling sa inyo. Lumayas po kasi ako saamin. Gusto po kasi akong ipakasal ng Papa ko sa anak ng Mayor naming bilang pambayad utang nya. Kaya lang po kasi mam, ayoko po. Ginawa na po yun ng Papa ko sa ate ko, pinilit po nya na magpakasal ang ate ko sa lalake na hindi naman nya mahal. Ngayon po ang ate ko, sobrang trauma ang inabot dahil inabuso po sya ng dati nyang asawa. Ayoko naman po na mangyari sa akin yun.

Mrs. Lopez: ganoon ba iha. Mahirap pala ang kalagayan mo ngayon. Pero paano naman ako nakakasigurado na nagsasabi ka ng totoo? Taga-saang lugar ka ba? Ano nga palang pangalan mo iha?

Billy: Belinda Garcia po. Billy na lang po ang itawag nyo sa akin.

Mrs. Lopez: saang lugar ka naman nangaling iha?

Billy: sa Cebu po mam. Ayoko lang po talagang magpakasal sa anak ng tiwali naming Mayor.

Mrs. Lopez: oh sya sige, may mga dala ka ba jan na mga valid ID at NBI Clearance?

Billy: opo mam.

Ibinigay ko sa kanya ang lahat ng mga papel na dala-dala ko, kasama na doon ang TOR ko.

Mrs. Lopez: Magna Cum Laude ka pala iha. Parang nakakahiya naman na i-hire kita bilang yaya lang ng anak ko.

Billy: ok lang po yun mam. Kailangang kailangan ko lang po talaga ng trabaho at bahay na matutuluyan. Wala po kasi akong kahit isa na kakilala dito sa Maynila.

Mrs. Lopez: oh sya, sige, tanggap ka na. ibibilin ko na lang kay manang Lita yung mga dapat mong gawin. Mauna na ako sayo ha.

Billy: maraming-maraming salamat po mam.

Ang swerte ko naman, ang bait ng mga amo ko. Idagdag mo pa ang napaka-cute na batang aalagaan ko.

Manang Lita: halika dito iha at ng mai-ayos mo na yang mga gamit mo sa magiging kwarto mo. Ano nga pala ang pangalan mo anak?

Billy: Belinda po, pero Billy na lang po.

Manang Lita: oh, eto ang magiging kwarto mo. Ayusin mo na ang gamit mo para mailibot na kita sa buong bahay para alam mo kung saan ang kwarto ng alaga mo. At ipapakilala na rin kita sa iba pa nating kasama ditto sa bahay.

So ayun, inayos ko na agad ang mga gamit ko sa drawer na naka-laan para sa akin. Sigurado ako, nag-aalala na sa akin ang Ate ko dahil hindi pa rin ako tumatawag sa kanya hanggang ngayon.

Hindi lang pala ang amo ko ang mabait, dahil pati yung ibang kasambahay ay mababait din. Si Mang Rico, sya ang houseboy at driver ng dalawa pang anak ni mag-asawang Lopez. Si Ate Doray at Sarah ay mga maids din at masaya silang kausap. Bale, si Manang Lita ang head naming lahat. After lunch, inilibot na ako ni Manang Lita sa buong bahay. Ipinakita nya sa akin ang kwarto ni Ran, ang batang aalagaan ko na kasalukuyang natutulog sa silid nya. Sumunod ay ang kwarto ng pangatlong anak nila Mrs. Lopez na si Monina, 10 years old. Nasa eskwelahan pa si Monina ngayon at mamaya pang 3pm ang uwi nito. Sumunod naman ay ang kwarto ng pangalawang anak ng Lopez na si Gio, 17 years old. Sinabi na rin sa akin ni Manang Lita kung anu-ano ang mga house rules at iba pang may kinalaman sa magiging trabaho ko.

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon