Chapter 26 : I can feel it!!!

873 20 3
                                    

Chapter 26

I can Feel it!!!

Billy: hoy Nathan, bumangon ka na jan at tanghali na! baka ma-late ka pa sa trabaho mo.

Nathan: hmmm…

Aba! Talaga bang wala syang balak na bumangon? Tinalikuran pa ako at nag-talukbong ngcomforter nya!

Billy: ano ba Nathan, bumangon ka na! Tanghali na ee!

Nathan: mamaya na Sweetheart! Tara na muna dito, tulog pa tayo!

Waaaaahhhhh!!! Shocks, hindi ko napag-handaan yung paghila nya sa akin, napahiga tuloy ako sa tabi nya.

Billy: Jonathan ano ba, bumangon ka na jan!

Nathan: mamaya na, ang ganda ng pwesto natin oh! Tulog pa tayo huh!

Anakshuta naman yan oh, talagang siniksik pa nya yung muka nya sa leeg ko! Kapag humihinga sya, nakikiliti tuloy ako! Sheeet ka naman Nathan, wag ka na ngang huminga, hindi ko na gusto tong nararamdaman ko eh!

Nathan: I love you Billy!

I LOVE YOU BILLY daw oh! Bakit Belinda, nag-iisa ka lang ba na Billy sa mundo?

Billy: I love you too? *lipsinc*

GAAAAAAAAAHHHHD Belinda, anong I love you too ang dinadali mo jan! may iba na syang gusto diba?!

Nathan: pakasal na talaga kasi tayo Billy, mahal naman kasi talaga kita ee.

Lasing ba tong si Nathan, ang aga-aga may alcohol na agad sa katawan! Pero kung sasabihan nya ako lagi ng I love you kapag lasing sya, ay nako, ibibili ko sya ng pinaka-matindi ang sipa.

Billy: please naman Nathan, bumangon ka na!

Nathan: kiss muna!

Billy: suntok gusto mo?

Nathan: hindi tayo tatayo dito hanggang hindi mo ko kini-kiss!

Billy: kadiri ka naman Nathan, hindi ka pa nga nagtu-toothbrush eh!

Nathan: practice na to kapag mag-asawa na talaga tayo.

Para-paraan na toh! Ang hirap naman kasing pa-ibigin nitong si Billy eh!

Billy: mag-toothbrush ka muna!

Nathan: ayoko, uutakan mo lang ako ee. Kiss na, bilis.

Hay jusko! Ang aga-aga ganitong eksena agad ang bubungad sa akin! Hindi ba pwedeng mamayang gabi na lang toh? Toinks! Grabe ka a talaga Billy! Ang lakas na ng tama mo kay Nathan!

Nathan: ako na lang ki-kiss sayo.

WAAAAAAHHHHH!!! Teka lang, kiss na naman!!! Langya, ibang level na toh ah, nasa kama pa kami, baka mamaya kung saan mapadpad ang kiss nitong si Nathan!

Billy: san-

Mwuah!!!

Nathan: solve na ang umaga ko, naka-smack na naman ako sa future wife ko eh! Hindi na muna ako papasok ngayon, dito na lang muna tayo maghapon, magdamag.

Billy: Nathan naman ee! Diba sabi mo ngayon mo kaka-usapin yung P.I.?

Nathan: oo nga, papapuntahin ko na lang dito. Tatayo lang tayo kapag dumating na sya.

Gagu talaga tong si Nathan, kakasabi lang nya na may gusto na syang iba tapos ngayon nilalandi na naman ako! At ako naman tong si tanga, nagpapalandi naman!

Billy: mag-isa ka! Kakain na ako, maglilinis pa ako noh!

Niyakap ko sya ng mas mahigpit para hindi sya maka-tayo, gusto ko tong sitwasyon naming ngayon ee. Para lang kaming TUNAY NA MAG-ASAWA!!! Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ko at ininis ko sya at pinag-selos, tapos ngayon tinalo ko pa ang koala kung maka-yakap.

Nathan: wag ka ngang KJ jan Billy! Kakantahan na lang kita!

Kakanta ulit sya? Ay gusto ko yan! Ang ganda kaya ng boses ng mokong na toh!

Billy: sige! Galingan mo huh! Gusto ko yung kanta ni Anne Curtis!

Nathan: pakakasalan mo na talaga ako Billy kapag hindi ka pa tumigil jan sa kaka-request mo ng kanta ni Anne!

Billy: sabi ko nga diba, ikaw na ang bahalang pumili ng kanta na gusto mo at makikinig lang ako!

Nathan: gusto pa kasi tinatakot kunwari. Pakasal na kasi talaga tayo Billy! Mahal naman kita, at alam ko naman na mahal mo rin ako!

Billy: Pakasal? Nagpapatawa ka ba? Ako, mahal mo, eh diba kakasabi mo lang kagabi na may iba kang gusto, tapos ngayon inaaya mo akong magpakasal na parang nag-yayaya ka lang na pumunta sa mall! Saka sinong may sabi na mahal nga kita?

Nathan: hindi naman ako bulag at manhid Billy! Sa dami na ng naka-relasyon ko, alam ko kung kailan ako mahal ng isang babae o hindi!

Billy: eh di ikaw na ang expert! Kumanta ka na nga lang!

Nathan: pero may gusto ka talaga sa akin Billy, I CAN FEEL IT!!!! 

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon