Chapter 45
Ran: laro tayo nun Ate Gina, Kuya Gio.
Gio: pangbata yung Ran kaya ikaw na lang, papanoorin na lang kita.
Gina: papanoorin na lang din kita Ran, ok?
Ran: Nanny, nanny ayaw nila akong samahan doon oh.
Billy: adults are not allow inside Ran, that’s why they can’t come with you.
Ran: how will I enjoy if I don’t have someone with me inside?
Billy: they’ll watch you naman daw outside diba?
Ran: yes, pero Nanny baka iwanan nila ako eh, o kaya bigla silang mawala.
Billy: hindi naman siguro papayag si Kuya Gio mo na iwan ka diba?
Gio: promise Ran, hindi ako aalis dito. If you really want to play there, we’ll wait for you here.
Gina: that’s right Ran, you go inside na para makapag-enjoy ka na.
Salamat naman at napilit na rin namin si Ran na pumasok nyang mag-isa doon sa Kids Land. Tiwala rin naman kami na hindi pababayaan nung mga bantay si Ran, dahil kung hindi magkakaron sila ng malaking problema.
Billy: Gio, Gina pwede ba na paki-tingnan muna ang alaga ko? May kailangan kasi akong bilhin eh.
Gio: sure Ate Billy, kami na ang bahala sa kanya. Anyway, tumawag si Monina kanina at hinahanap ka raw ng praning mong future husband. Sinabi ko na rin na nandito tayo ngayon pero hindi na raw sya susunod dahil may bisita daw syang darating.
Billy: naku, hayaan mo lang doon ang kuya mo. Anyway, punta na ako sa supermarket. Salamat ha, wag nyong papabayaan si Ran.
Kailangan ko na naman kasing bumili ng mga supplies ko, alam na! Malapit na naman kasi akong dalawin eh, kaya kailangang handa na ako. Kahit alam ko kung saan mahahanap yung mga kailangan ko ay pinili ko pa rin na libutin ang buong supermarket, wala lang, trip ko lang maglakad para makapag-isip. Sa totoo lang nabibilisan ako sa mga nangyayari, hindi naman sa ayaw ko pero talagang nakaka-bigla lang ang lahat.
Sino ba naman ang makaka-isip na ang isang pagpapanggap ay mauuwi sa totoohanan? Kahit na anong klaseng pigil ang gawin ko para mahumaling kay Nathan, hindi pa rin umubra, ang lakas lang talaga ng appeal ni Nathan.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Nathan: welcome po, pasok po kayo ng makapag-pahinga na kayo.
Annie: maraming salamat Nathan.
Nathan: that’s nothing Ate Annie, lahat gagawin ko para lang mapasaya ang kapatid mo. Tita, upo po muna kayo.
Marcela: salamat Nathan, nasaan nga pala ang anak ko? Ang mga magulang mo, nasaan din sila?
Nathan: si Billy po nasa mall, sinamahan yung mga kapatid ko kaya hindi pa po nya talaga alam na nandito kayo ngayon. Please excuse me for a while, tatawagin ko lang ang parents ko.
Ang swerte ng kapatid ko na napunta sya sa mabait na pamilya, at nakahanap pa rin sya ng isang lalake na hanadang gawin ang lahat para sa kanya. Gustong-gusto ko ng makita ang kapatid ko pero wala pa pala sya dito ngayon.
Marcela: ano na kaya ang itchura ng kapatid mo? Matutuwa nga kaya sya kapag nalaman nya na nandito din ako?
Annie: hindi mo ba narinig ang sinabi ni Nathan sa atin before? Excited na si Belinda na makita tayo, and he even told us na sobrang nag-alala sya sa atin, sayo.
Marcela: sana naman ay bumalik na agad sya dahil gusto ko na syang mayakap ulit, at para maka-hingi na rin ako sa kanya ng tawad.
++++++++++++++++++++++++++++++