Chapter 25: Reverse Psychology!

1K 21 3
                                    

Chapter 25

Reverse Psychology!

Nathan: how’s your day Billy? Sumakit pa ba yang puson mo?

Billy: hmm… hindi naman na masyadong sumakit, pinakelaman ko kasi yung ayos nung kwarto na gamit ko saka etong living room kaya hindi ko masyadong naramdaman na masakit pala yung puson ko. Sorry!

Nathan: huh? Sorry naman saan?

Billy: dahil pinakelaman ko yung ayos nitong unit mo, but don’t worry, hindi ko iniba yung ayos ng kwarto mo.

Noon ko lang napansin na naiba nga yung ayos ng unit ko, mas umaliwalas, mas nagmukang bahay ng tao. Sya kasi yung mas gusto kong makita kesa sa kahit na ano kaya hindi ko napansin na nabago ang ayos ng bahay.

Nathan: WOW!!! It looks so great! Thank you!

Oops… Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko kaya ko sya nahalikan. Kasi naman, nakaka-adik talaga yung lips nya. Hindi ba pwedeng totoo na lang kami na mag-asawa so that I can kiss her everyday without any reason, just because I want to.

Nathan: sorry! Na-carried away lang ako. Thanks.

Billy: nakapag-luto na ako ng dinner, mauna ka ng kumain, kaka-kain ko pa lang kasi. Doon lang muna ako sa kwarto.

Lechugas kang Jonathan ka, bakit ba parang naging hobby mo na ang halikan ako?! Kapag ako naningil sa mga halik na ninakaw nya sa akin, mahal ang babayaran nya! TAMA!!! BAKIT NGA BA HINDI!!!

Billy: sa oras na halikan mo pa ako ulit, magbabayad ka ng mahal Nathan.

Nathan: magkano? Sabihin mo na at ng makapag-ipon na ako! Hahaha!!!

Billy: anong magkano ka jan! Pakakasalan mo ako Nathan!

Nathan: ay teka lang, tara dito at ng mahalikan na kita at ng ma-kasal na tayo bukas na bukas din! Come on Billy!!!

Billy: uto-uto!!! Feeling mo naman!

Nathan: totohanin na lang kasi tong pagpa-panggap natin. Ang hirap mag-panggap na asawa ka.

Billy: eh di itigil na lang natin toh!

Nathan: kung ganun lang sana kadali Billy! Well, madali lang naman talagang itigil ang pagpa-panggap na toh, that is kung magpapakasal nga tayo.

Billy: sakal, gusto mo?

Nathan: kung yang sakal na yan is tanda ng pagmamahal mo, sige, willing akong magpa-sakalsayo. Ganyan kita ka-gusto Billy!

Gusto? As in gusto lang? Hindi ba pwedeng mahal? Tengene ka Billy, naririnig mo ba yang sarili mo?

Billy: ayoko! Ok na yung si Trixie na lang ang sumusugod dito. Baka kasi mamaya, kapag nalaman ng maraming tao na KASAL na nga tayo, eh biglang dumami ang kaaway ko, at baka lalo pang lumiit ang mundo ko!

Nathan: sumugod dito si Trixie? Sinaktan ka ba nya? May masakit ba sayo?

GAAAAAAAAHHHHHHD!!! Please lang Nathan, don’t be too nice to me. Ayoko ng talaga nitong nararamdaman ko, nakakatakot!

Billy: yup, sumugod sya dito. Hindi nya ako sinaktan at walang masakit sa akin.

Nathan: sigurado ka? Ako, hindi mo ba ako kakamustahin?

Billy: ano namang klaseng drama yan Nathan? Well, kamusta naman ang mag-hapon mo? How are your work and your resto?

Nathan: they’re all doing well! And about me? I’m fine, nakita na ulit kasi kita eh.

Billy: haaaaaay!!! Habang tumatagal, mas kumokorni ka Nathan. Umayus ka nga!

Nathan: ok, ok! Sabay na tayong kumain ng dinner, please?

Billy: oo na! Oo nga pala, may balita ka na ba sa Mama at Ate ko?

Nathan: wala pa eh, bukas pa magre-report yung private investigator na binayaran ko. Don’t worry makikita mo rin ang Mama at Ate mo.

Billy: that’s good news. Saan kayo magkikita nung P.I.? Sama ako!

Nathan: sige, sumama ka na bukas para naman hindi ka nag-iisa dito. Saka baka mamaya pumunta na naman dito si Trixie.

Billy: Nathan, hindi mo na ba talaga sya mahal? Kasi nakikita ko na mahal ka talaga nya.

Nathan: nagkaron ka na ba ng boyfriend before?

Billy: hindi pa, pero ano naman ang connection nun sa tanong ko?

Nathan: iba kasi yung nakikita mo, hindi ako ang mahal nya, yung pera ko.

Billy: aaaahhhh…pero hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko!

Ano ba kasi Belinda ang gusto mong marinig na sagot sa kanya? Huh? Na hindi na nya mahal si Trixie kasi ikaw na ang mahal nya? Ganun ba? Tengene ka Belinda, umayus ka nga! Sabi ko ayaw mong mahulog sa kanya tapos gumaganyan ka!

Nathan: hindi na! Hindi ko nga alam kung minahal ko nga ba talaga sya eh! Pero may mahal na kasi akong iba!

Billy: ah… malas naman nung mahal mo, for sure dadami ang kaaway nya at liliit ang mundo nya.

Nathan: sabihin na natin na ganon nga ang mangyari, hindi ko naman hahayaan na may maka-panakit sa taong mahal ko. Ako muna ang makaka-laban nila.

Billy: ah ganun ba yon?

Ano ka ngayon Billy, may mahal na syang iba oh, kaya itigil mo na talaga yan! ANG KULIT MO KASING BATA KA, ANG KULIT NG LAHI MO! SINABI NG IWASAN NA, PIGILAN HABANG MAAGA PA!!! Ano ka ngayon? Humahanap ka lang ng sakit ng puso at ulo eh! Pero bakit ganun sya sa akin, masyado syang sweet saka maalaga, wala ba yung ibig sabihin? Tang-inis ka naman Belinda, nagpapanggap lang kayo! Capital N-A-G-P-A-P-A-N-G-G-A-P!!!

Nathan: bakit, nagseselos ka ba, o kaya naman nanghihinayang ka?

Billy: IN YOUR DREAMS!!!

Nathan: in my dreams, hinahabol-habol mo ako, at patay na patay ka talaga sa akin.

Billy: baka kamo mapatay kita dahil sa sobrang bwisit ko sayo!

Siguro panahon na para gamitan ko sya ng reverse psychology, kailangan na wag ko ng ipakita sa kanya na gusto ko sya. Hindi kasi effective sa kanya yung mabilisan at prangkahan.

Nathan: talaga lang huh! Kung hindi ko pa alam na may gusto ka na rin sa akin, sorry ka na lang, may iba na akong gusto ee.

Billy: huh! KAPAL!!! Kahit pa ikaw na lang ang nag-iisang lalake sa mundo, hinding-hindi ko gugustuhin na maka-relasyon ka. Wala sa plano ko ang mamatay ng maaga ng dahil sa kunsumisyon!

Nathan: bakit naiinis ka? Tsk… easy ka lang, wag kang masyadong maiinis at pumapangit ka!

Billy: pakelam mo naman! Jan ka na nga, kumain kang mag-isa mo! Hmp! Che!!!

Nakaka-inis sya!!! Nakaka-inis!!! Grrrrrr!!! Kagabi lang, sobrang concern sya sa akin nung masakit ang puson ko, kinantahan pa nya ako, tapos ngayon parang wala na! Ang kulit naman kasi ng lahi ko, sinabi ng tigilan na, tinuloy ko pa rin. Azzaaaaaar!!!!! May araw ka rin sa akin Jonathan Lopez, may araw ka rin!!! 

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon