Chapter 41
Shockables!!!
Mabait naman pala talaga si Ate Billy, kaya naman gusto sya nung mga kapatid ng boyfriend ko. Pati nga yata yung boyfriend ko gusto yung si Ate Billy eh. WOW REGINA, kung maka ATE BILLY ka naman, feeling mo close na agad kayo! Pero hindi naman ako natatakot na baka mauwi sa love yung pagka-gusto ni Cutie pie ko kay Ate Billy dahil may ramdam ko na may gusto si Ate Billy at Kuya Nathan sa isa’t-isa.
Gina: ang ganda naman pala ng magiging kwarto ko, parang lalake ang natutulog lagi dito.
Bakit may picture ni Gio dito sa guess room? Pusang-gala!!! Mukang mali yata yung napasukan kong kwarto, kaya pala parang pan-lalake tong kwarto. Makalabas na nga dito. Ng bubuksan ko na yung pinto, biglang… … …
Gio: anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? At sinong may sabi sayo na pwede kang pumasok dito? Ha?
Gina: ma-malay ko bang kwarto mo pala to, akala ko eto yung guess room nyo.
SHOCKABLES!!! Bakit ang ganda ng katawan ni Gio, at mukang ang bango nyang tingnan kapag naka-tapis lang sya ng puting twalya. Susmaryosep ka Regina, kailan ka pa naging ganyan? Masama na yan!
Gina: nasaan ba kasi yung guess room, saan ko ba ilalagay mga gamit ko.
Gio: bakit ako ang tinatanong mo, ako ba ang katulong dito?
Gina: hinde, pero is aka sa mga nakatira dito.
Ano ba namang babae tong babae na to? Hanggang ngayon ba naman ayaw pa rin nya akong tigilan, nahihirapan na akong sungitan sya ha, nahihirapan na ako!
Gio: pwes, dun ka na lang kay Ate Sarah o kay Manang Doray magtanong kung saan ang magiging kwarto mo. Labas na!
Gina: hindi ba pwedeng share na lang tayo dito sa kwarto mo?
Gio: isa!
Gina: hindi ba talaga pwede? Hindi kasi ako makakatulog ng walang ka-kwentuhan eh.
Gio: dalawa!
Gina: eto na nga, lalabas na nga! Pero Gio ang sexy mo pala, hindi ako nagka-mali na ikaw ang napasagot ko!
Hmmp! Ang kulit, batuhin ko nga ng unan para lang umalis na, pero hindi pa rin sya nagpa-pigil, binuksan na naman ang pinto at saka nag-flying kiss! Ang lakas talaga ng saltik nya sa utak!
Gina: I love you cutie pie! Hahaha! Yummy!
__________________________________
Empress: akala ko ba may asawa na si Jonathan, bakit hindi alam nila Tita?
Oliver: aba, malay ko sa pinsan mo na yon. Ipina-kilala pa nga nya sa Magnifico yung asawa nya eh. Saka para talaga silang mag-asawa, lagi ngang hinahalikan ni Nathan eh. Tapos nung umalis ng walang paalam yung babae, parang luko-luko ang abno, hindi alam kung anong gagawin nya at kung saan nya hahanapin.
Empress: eh kung wala pa talaga syang asawa, bakit kailangan pa nyang mag-panggap na may asawa? Meron bang babae na ayaw syang tigilan?
Oliver: meron, si Trixie. Grabe naman kasi yang pinsan mo na yan, masyadong habulin ng mga babae, hindi man lang ako tiniran ng katangian na yon.
Empress: wag ka ng mag-emote jan, kumain ka na lang.
Oliver: tayo ba, kailan tayo magpapa-kasal?
Empress: mamaya na natin yan pag-usapan, ok! Ang kulit mo naman kasi, sabi ko naman sayo na ako na lang ang pupunta dito, sumama ka pa. Sino nga pala ang magbabantay ng Magnifico nyan kung pareho kayong wala ni Jonathan?
Oliver: nandun naman si Elena, alam naman nya ang mga dapat gawin. Ang lagay ba eh, si Nathan lang ang may karapatang um-absent? Syempre dapat ako din.
Empress: sino naman si Elena, yun ba yung babae na nakita ko kahapon doon?
Oliver: sya nga, si Elena ang secretary namin ng pinsan mo.
Empress: kawawa naman pala si Elena no. Imagine, kayong dalawa ni Jonathan ang pinag-sisilbihan nya.
Oliver: ang swerte kamo nya dahil parang ako rin ang secretary ni Nathan. Kung titingnan mong mabuti, secretary ko lang naman talaga si Elena, kasi ako ang nagiging secretary ni Nathan.
Empress: oo nga pala, ano ba ang pangalan nung pretending girlfriend ni Nathan?
Oliver: kung hindi ako nagkakamali, Billy. Pero ang nakakapag-taka, hindi ko sya nakikita dito ngayon. Hindi kaya nag-away yung dalawa?
Empress: ano bang itchura nung Billy?
Oliver: Love, bakit ba sila ang pinag-uusapan natin, hindi ba pwedeng yung tungkol sa atin?
Empress: ano naman ang pag-uusapan natin na tungkol sa atin?
Oliver: kalian nga tayo magpapakasal?
Empress: kasal agad? Wala ka pa ngang binibigay na engagement ring eh.
Oliver: kailangan pa ba non? Pagkatapos mo akong mulestyahin?!
Empress: mulestyahin?
Oliver: pogsamantalahan, reypin.
Empress: ang kapal mo naman, ako pa ngayon ang rapist ha, if I know ikaw to jan.
Oliver: anong ako? Wala akong alam sa mga ganong bagay, pero love naman kasi…
Empress: what?
Eto namang lalake na to saksakan din ng kulit ng lahi, ilang beses kaya syang iniri ng Mama nya? Speaking of his mother, nasaan na ba ang family nya? I want to meet them.
Empress: oo nga pla Love, nasaan ba ang parents mo? May mga kapatid ka ba?
Oliver: bakit mo naman naitanong? Gusto mo na ba silang makilala, love?
Empress: well, there’s nothing wrong with that, right? After all ikaw tong nagpipilit na magpa-kasal agad tayo.
Balak ko talagang ipakilala si Empress sa family ko, most especially sa Mama ko. Sigurado ako na matutuwa sya kapag nalaman nya na finally, magse-settle-down na ako.
Oliver: yeah, don’t worry, I’ll fix my schedule. Sana lang wala masyadong gagawin ang pinsan mo para naman pwede akong mag-leave.
Empress: wala ba dito sa Manila ang family mo?
Oliver: nasa States na ang parents ko, nag-migrate na sila doon. Saan ka nga pala sa US?
Empress: sa New York ako naka-base eh, nandon kasi yung trabaho ko. Eh ang parents mo ba?
Oliver: sa San Leonardo, California sila. Kapag pumunta tayo sa California, punta na rin tayo sa family mo. Eh ang parents at mga kapatid mo love, saan sila?
Akalain mo nga naman ang pagkakataon, sa San Leonardo din sila? This must be DESTINY!!! Bruha ka Empress Aiko Lopez Madison, kailan ka pa naniwala sa salitang destiny?
Empress: sa San Leonardo, California din. Hindi kaya neighbors lang ang families natin? Hahaha!
Oliver: if ever they’re nighbors, hopefully they are in good terms para wala tayong maging problema.
Naalala ko na lahat ng nangyari kagabi, kusa ko naman palang ibinigay sa kanya ang lahat, at hindi naman ako nagsisisi don. Alam ko at ramdam ko na mahal din ako nitong si Oliver. Subukan lang nya na lokohin ako, bibigyan ko sya ng lesson na hinding-hindi nya makakalimutan sa buong buhay nya!
Empress: Nanay Lita, can I ask you something?
Manang lita: Ani yon iha?
Empress: pwede nyo po bang i-describe si Billy sa akin? Sya po ba yung kumuha ng tubig kanina jan sa loob?
Manang Lita: si Billy ba, ay mabait na bata iyon kaya nga nagustuhan agad sya ni Ran at Monina. Sya nga yung kumuha ng tubig kanina dito sa loob, ano sa tingin mo, maganda ba?
Empress: maganda sya Nanay Lita, no wonder at sya ang napili ni Nathan. Pero nay Lita, may gusto ba talaga yang si Nathan dun sa Billy na yon?
Oliver: ngayon ko lang nalaman na may pagka-chismosa ka pala. Hahaha!
