Chapter 21 : Si Lee na naman?!?!

944 23 7
                                    

Chapter 21

Si Lee na naman?!?!

Nakaka-inis ka… nakaka-inis ka!!! Grrrr… Ang tanga mo naman kasi Belinda, masyado ka namang nagpadala dun sa sinabi nya na ibibili ka nya ng regalo para hindi ka na magalit sa kanya!!! Baka nakakalimutan mo, palabas lang lahat ng toh!!!

Billy: nakaka-inis ka!!!

Lee: bakit? Wala naman akong… Billy?

Huh? Sino naman tong lalake na toh? Bakit alam nya ang pangalan ko?

Lee: bakit hindi mo yata kasama ngayon si Ran saka yung Honey mo?

Billy: ahhhhh… Ano nga ulit yung pangalan mo?

Pasensya naman, hindi ko kasi talaga sya matandaan eh, pero parang nakita ko na nga sya before.

Lee: Lee, Lee Sarmiento. Ako yung guy na nag-abot sayo ng tubig after nyong maglaro nung kasama mo na batang babae ng dance revo. (Chapter 9 – Billy Honey!!!)

Billy: ah, ok…naalala ko na. Pasenya ka na ulit that time ha, tamang trip kasi yung mga alaga ko!

Lee: yaya ka nila?

Billy: yup. Pero yung youngest lang talaga ang inaalagaan ko.

Lee: nasaan na sya? That kiddo is so cute.

Billy: ah, nasa Singapore sila ngayon.

Lee: so it means wala kang trabaho ngayon?

Billy: ahm..meron pa din, ako kasi ngayon yung personal maid nung panganay na anak ng mga amo ko. I’m just here to buy some stuffs, ikaw, kamusta ka na?

Lee: ok naman, masaya ako kasi finally nakita na ulit kita.

Anu daw, masaya sya kasi nakita na nya ako ulit? BAKET? Tanga ka ba Belinda,malamang may gusto sayo ang lalake na yan!

Billy: ah…hehe… (speechless ako eh..)

Lee: kumain ka na ba? Let’s have an early lunch, if you want.

Hello, hanggang ngayon nga masakit pa rin ang tyan ko dahil sa dami ng kinain ko kanina sa Magnifico, tapos kain na naman.

Lee: you know what Billy, you don’t look like a yaya, and you look so look great.

Manyak pa yata ang lalake na toh! Paano ko ba toh matataboy? Akala ko nung una ko syang nakita, matino pero parang mali yata ako! Sweetheart, nasaan ka na ba? Tulungan mo naman ako oh! Sweetheart ka jan Belinda!!! Busog ka naman, bakit kung maka-sweetheart ka jan parang tunay?

Billy: ah, thanks. Mauna na ako sayo ha, nagmamadali kasi ako.

Lee: ihahatid na kita.

Billy: ah, hindi na. Malapit lang naman yung uuwian ko dito.

Jonathan Lopez, nasaan ka na ba? kung kailan naman kailangan ka saka ka naman nawawala!!!

Nathan: Billy!

Billy: Nathan?!

Good Lord of us, thank you for saving me! Thank you Nathan at dumating ka.

Nathan: sabi ko naman kasi sayo Sweetheart sasamahan na kita eh.

Sinundan ko si Billy nung umalis sya sa Magnifico, alam ko na talagang naiinis sya sa akin. Nagulat na lang ako ng may lalake na biglang lumapit sa kanya at mukang pinipilit na sumama sa kanya, that’s why I decided na lapitan na sila. Pero sa totoo lang, hindi ko kayang panoorin na may ibang lalake na kausap si Billy, I can kill that guy kapag inagaw nya si Billy sa akin.

Billy: sorry!

Lee: who is he Billy?

Nathan: I’m his better-half, husband for short. Any problem?

Lee: may asawa ka na pala Billy.

I gave him a weak smile then I nodded! Kasi naman diba, nakaka-hiya, sabi ko pa sa kanya before na hindi ko asawa tong si Nathan. Pero bakit ba, kahapon lang kasi kami kinasal kaya hindi pa nagsi-sink-in sa utak ko ang lahat!

Nathan: please excuse us, we have to go!

Billy: I’m sorry Lee. Bye!

Lee: that’s ok! Bye, take care Billy!

Mabuti naman at hindi na nagpumilit ang lalake na yon! Dahil kung hindi, handa akong makipag-suntukan sa kanya para lang hindi nya makuha si Billy!

Nathan: sya diba yung lalake dun sa Glorious Mall?

Billy: oo, bakit?

Nathan: may gusto sya sayo!

Billy: and so? Bakit ba nandito ka?

Nathan: hindi ka man lang ba magpapasalamat?

Billy: bakit ba mas marunong ka pa sa akin kung kailan ako magpapa-salamat?

Nathan: tara na, bumili ka na nung mga kailangan mo.

Bakit ba kasi ganito ang lalake na toh, sinusungitan ko na nga, ang bait at ang sweet pa rin nya sa akin?

Billy: kumain ka na ba?

Nathan: wag mo ng alamin, tara na, mamili ka na!

Billy: hindi tayo aalis dito hanggang hindi mo sinasagot ang tanong ko!

Hay… bakit ba kasi ganyan kayong mga babae, ang hirap nyong intindihin. Kanina mabait, tapos wala pang isang oras, masungit na!

Nathan: hindi pa, ikaw kasi eh, bigla ka na lang umalis ng galit. Tapos sabi mo pa magpapakamatay ka, kay sinundan agad kita.

Ahahaha!!! Ang cute naman ni Nathan, naka-pout tapos parang bata na nagdadahilan para hindi sya pagalitan. Belinda, ibang klase kang babae! Paano mo nagagawang i-ignore ang ganyang klase ng ka-cute-an? Tapos kumain pa yata ng isang sakong asukal sa ka-sweeten-an. Tao ka ba Belinda Garcia? O siguro mas tamang tanungin kung BABAE KA BA? 

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon