Chapter 39 : Parang may Something!!!

715 16 1
                                    

Chapter 39


Parang may Something!!!

Manang Lita: Welcome back mga anak.

Gio: nanay Lita, may pasalubong kami sayo.

Manang Lita: talaga? Ay nako, mamaya nay an, kumain na muna kayo.

Glenda: kamusta naman po ang bakasyon nyo?

Marlon: si Doray at si Sarah, nasaan na? may pasalubong din kami sa kanila.

Manang Lita: nanjan lang po sa kusina.

Ran: nanny, sama ako sayo.

Billy: pupunta si Nanny sa kitchen, tutulungan ko sila Yaya Sarah. Upo ka na lang jan, jan ka muna sa tabi ni Ate Gina mo.

Ran: uwaaaahhh!!! Ayoko sa kanya, gusto ko sayo.

Glenda: sige na Billy, samahan mo na muna yang si Ran, na-miss ka ng sobra nyan. Hayaan mo na sila Aling Doray sa kusina.

Billy: ikaw talaga, may paiyak-iyak ka pa jan. hmp!

Umupo na ako sa tabi ni Gina, kasi naman tong si Ran, saksakan ng lambing. Nakaka-ilang, baka mamaya mahalata nila kami ni Nathan. Eto namang magaling na si Nathan laging naka-tingin sa akin. Haaaay!!!

Gina: matagal ka na bang Nanny nyang si Ran?

Billy: ahm, hindi pa naman masyado, siguro mga two to three months pa lang.

Gina: matagal na rin yon, kaya naman pala sobrang malapit na sayo si Ran. Sana magka-sundo din kaming dalawa.

Billy: oo naman, mabait naman tong si Ran. Basta kailangan mo lang habaan ang pasensya mo.

Ran: Nanny, friends na kayo ng ligaw ni Kuya Gio?

Gio: ate Billy hindi ko sya ligaw.

Ran: ligaw mo sya, tawag nga nya sayo cutie pie eh.

Nathan: ikaw Gio ah, ayaw mo pang sabihin na may girlfriend ka na. Malihim ka masyado, masama yan.

Gio: kuya!

Monina: ang baho nga ng tawagan nila eh, cutie pie.

Glenda: ang cute nga eh, kaka-iba.

Gio: ang weird mo talaga Ma.

Billy: bakit ayaw mo sa kanya, Gio? Maganda naman sya ah.

Gio: ate Billy naman ee. Maganda nga sya, may sanib naman ng masamang espiritu.

Gina: wow, nagagandahan ka pala talaga sa akin. Sabi na nga ba eh, may gusto ko rin sa akin, nahihiya ka lang aminin.

Marlon: oh, tama na muna yan, kumain na muna tayo. Na-miss ko yung mga luto ni Nanay Lita eh. Gina, kain ka lang ha, wag kang mahihiya.

Nathan: Ran, dito ka na lang sa akin, ako na lang mag-susubo sayo para maka-kain si Nanny mo.

Shete ka talaga Nathan, pwede bang umayus ka! Masyado kang obvious eh, wala pa naman silang alam sa mga pinag-gagagawa natin.

Ran: ayaw, gusto ko si Nanny ang magsusubo sa akin.

Billy: ok lang po Sir Nathan, busog pa naman ako.

Anong sir Nathan? Diba dapat sweetheart? Gagu ka ba Nathan, gusto mo bang ibuga nilang lahat yung kinakain nila kapag narinig nilang tinawag ka ni Billy na SWEETHEART? Baka nakakalimutan mo, wala pa silang alam.

Nathan: ok, sabi mo eh.

Gio: kuya, may napapansin ako sayo!

Nathan: ano na naman yan Gio?

Gio: ang ganda ng aura mo ngayon, parang in-good mood ka.

Gina: Kuya, blooming ka!

Monina: pwede din bang sabihan ang lalake na blooming? Diba sa mga girls lang yon?

Marlon: in love ka Kuya? Sino naman ang malas na babae na yon?

Nathan: mamaya Dad, iku-kwento ko sa inyo ni Mommy.

Monina: sa amin, hindi mo sasabihin?

Glenda: may girlfriend ka na anak, seryoso?

Gio: kailan mo sya ipapakilala sa amin?

Ran: Nanny, gusto ko ng juice. Inom ka din Nanny.

Nathan: mamaya.

M-mamaya? Tadu kang tunay Nathan!!! Nakaka-samid ang mga sinasabi mo. Hindi mo man lang sinabi sa akin na balak mo na palang sabihin sa kanila, AGAD-AGAD!!!

Nathan: ok ka lang Billy?

Wag kang tatayo jan sa kina-uupuan mo Jonathan Lopez, jan ka lang! Wag mo na akong lapitan, kaya ko to!

Billy: ok lang po ako.

Hmmm…parang may something dito kay Billy at sa kuya ni Gio ko, parang meron silang secret relationship. Pero infairness naman sa kanila, they look good together. Bagay sila!

Billy: ano pang gusto mo Ran?

Ran: play na tayo sa room ko Nanny, ate Gina, laro tayo.

Gina: talaga? You want to play with me?

Ran: yes, let’s go. Kuya Gio, pahiram lang ako sandali kay Gina ha.

Gio: gusto mo gawin mo na syang display sa room mo, ok lang.

Gina: I love you too cutie pie!

Ang bangis din nitong si Gina ha, hindi man lang natatakot sa saksakan ng suplado at sungit nitong si Gregory. Bakit nga ba kasama nila ang babae na yon? Malamang si Mommy na naman ang may sala. Siguro gusto nya ang babae na yon para kay Gio. Hmmm… Tingnan natin kung hanggang saan yang kasungitan mo Gio.

Empress: Hi everyone!!!

Glenda, Marlon, Nathan & Gio: EMPRESS!!!

Monina: ate Empress!

Glenda: hi iha, tara, kain ka muna dito.

Oliver: ako, pwede rin bang maki-kain?

Empress; diba sabi ko sayo dun ka na lang sa sasakyan?

Oliver: eh nagugutom na ako eh. Saka sigurado ako na magtatagal ka dito.

Nathan: anong ginagawa nyo dito?

Empress; masama bang dalawin ko ang mga kamag-anak ko? Hindi mo ba ako na-miss?

Nathan: as if namang may nakaka-miss sayo.

Oliver: mamaya na kayo mag-kulitan na mag-pinsan, kain na muna tayo. Tito, anong pasalubong ko this time?

Marlon: nako Oliver, nakalimutan kitang bilhan ng pasalubong.

Oliver: hindi kao naniniwala sayo Tito, pero kung ganun nga, ibigay mo na lang yung para kay Nathan sa akin.

Empress: ang kapal talaga ng muka mong lalake ka. Oh ayan, kainin mo na lang yan. Diba sabi mo gutom ka! Ubusin mo yan.

Glenda: bagay kayong dalawa.

Marlon: gusto mo bang lumuha ng bato ang pamangkin natin?

Oliver: nako Tito, kapag sinagot ako nitong pamangkin ninyo hindi sya magsisisi.

Empress: talaga lang ha. Oo nga pala Nathan, nasaan na yung asawa mo? Ipakilala mo naman ako.

Glenda & Marlon: asawa?

Glenda: may asawa ka na anak? Akala ko ba girlfriend pa lang?

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon