Chapter 44
Sinong Mabantot???
Gio: Ran, punta tayo mamaya sa Glorious Mall laro ulit tayo.
Ran: I can’t come with you Kuya Gio. Ate Gina and I will go there later, if you want you can come with us.
Gina: kapag sumama ang kuya mo Ran, baka hindi na lang tayo tumuloy kayong dalawa na lang.
Ran: uwaaaahhh!!! I want to go to Glorious Mall with you and Kuya Gio.
Gio: stop crying Ran. Ayaw ni Ate Gina mo so can’t do anything na about it.
Eto talagang bata na ‘to kapag hindi nakukuha ang gusto laging dinadaan sa iyak. Ako naman tong si mabait na kuya Gio hindi matiis ang kapatid. Pero parang ngayon hindi ko yata kayang pagbigyan ang gusto nitong spoiled kong baby brother.
Ran: uwaaaaahhhh!!! Naaaaannnnyyyy!!!
Haaay, talaga naman tong matalinong bubwit na si Ran masyadong attached sa Nanny nya. Magsusumbong na naman to panigurado, lagot na naman kami nitong dalawa ni Gio, sasabog na naman ang tenga namin sa sermon nya dahil pina-iyak namin ang mahal nyang alaga.
Billy: Ran…why are yoy crying, what happened?
Ran: kasi silang dalawa, ayaw na nila akong samahan sa Glorious Mall. Kanina inaya ako ni Ate Gina, tapos sabi ko sige. After a while Kuya Gio told me that we will go to Glorious to play again but I told him I can’t come because Ate Gina asked me first. Tapos, tapos sabi ni Ate hindi na kami tuloy kapag sumama si Kuya… Gusto ko sila kasama pareho ee…
Grabe talaga tong bata na to, ilang taon pa lang pero parang gusto ng maging match-maker. Pero etong dalawang malaki na to, hindi na nahiya dito sa bata at talagang nagtatalo na naman sila. Makakatikim talaga tong si Gio sa akin.
Billy: Gio? Gina? Pwede ba, please lang naman, kahit ngayon lang eh ayusin nyo yang magulo sa inyong dalawa. Wag nyo naming idamay yung bata sa gulo ninyong dalawa. Ikaw Gina, inaya-aya mo tong si Ran tapos bigla ka na lang magba-backout, mali yon. At ikaw naman Gio, hindi mo pa kayang paki-usapan si Gina na pumayag na lang para sa kapatid mo?
Gina: ok Ran, I’ll come na rin kahit kasama si Kuya Gio mo, ok na ba yon?
Billy: Gio?
Gio: ok, ok. Thanks Gina.
Ran: tara na, alis na tayo bilis. Wag na kayo magpalit ng damit, remember Kuya Gio nung nakarating tayo sa mall ng naka-ganito before, yung kasama natin si Kuya Nathan.
Speaking of Nathan, tililing talaga ang lalakeng yon! Isipin nyo na lang yung ginawa nyang kaululan kagabi…
*Flashback*
Billy: tulog na Ran ha, wag ng babangon to play your toys, bukas na ulit ok?Ran: ok po Ate Billy.
Billy: quit calling me Ate Billy, hindi ako sanay eh.
Ran: but Kuya Nathan told me to address you as Ate.
Billy: don’t worry Ran, ako ng bahala sa kanya. Nanny na ulit ang itatawag mo sa akin ha.
Ran: ok. Goodnight Nanny! I love you!
Billy: I love you too Ran, go sleep now. I’ll turn the lights off now, goodnight!
Paglabas ko ng kwarto ni Ran, bigla na lang may nag-takip sa bibig ko at hinila ako sa kung saan. Anak ng tipaklong, sino ba ang tao na to, ano bang kailangan nya sa akin? Hi-hindi kaya nahanap na ako ni---
