Chapter 33
Destiny Ba!
Nathan: tuloy ka!
Tristan: salamat po!
Billy: sandali lang, ikukuha ko lang kayo ng maka-kain.
Sana naman po may magandang balita na dala ang Private Investigator na toh, gustong-gusto ko na talagang makita si Ate at si Mama.
Nathan: so, ano ng balita?
Tristan: about po dun kay Mr. Garcia, kasalukuyan po nyang hinaharap ang isang malaking problema dahil hindi ito maka-bayad sa pagkaka-utang kay Mayor Trinidad. Nakapag-lagay ako ng mga hidden cameras sa loob ng bahay nya para malaman ang lahat ng kilos nya, even his phone calls.
Nathan: and what did you found out?
Tristan: they are still looking for Billy, and sisimulan na nilang hanapin si Billy dito sa Manila with the help of Mayor Trinidad’s son, Alfred Trinidad.
A-a-ano? Pinapahanap na rin ako ni Papa at ni Alfred dito sa Manila? Sheet! Pano na ako nito? Baka mamaya madamay pa ang pamilya ni Nathan sa problema ko!
Tristan: with regards to her Mom and Sister, kasalayukuyang nakatira si Mrs. Garcia at anak nya sa bahay ng father ni Mrs. Garcia.
Billy: kamusta ang Ate ko, ang Mama ko?
Tristan: ok lang naman sila, even you bestfriend, si Francine. Nagpupunta minsan ang Ate mo sa bahay nila Francine, and sa tingin ko nakiki-balita sya ng tungkol sayo.
Billy: may nakuha ka po bang kahit na isang contact number? Kahit po sa Mama ko, kay Ate o kay France?
Nathan: relax ka lang Billy, what important is alam natin, alam mo na safe sila.
Billy: I can’t help it. Miss na miss ko na sila! Meron po ba kayong nakuha na contact number?
Tristan: yes, nakuha ko yung number sa bahay ng Lolo mo Ms. Billy.
Billy: talaga? Akin na, tatawagan ko sila mamaya.
Tristan: eto po mam!
Nathan: sa tingin mo balak pa rin ni Alfred na pakasalan itong si Billy once na makita nila?
Trsitan: yes Mr. Lopez. Ang sabi pa nga po nito, sa oras daw po na makasal sila ni Billy, mawawala na rin ang pagkaka-utang ni Mr. Garcia sa pamilya nila.
Nathan: that’s bullsh*t! Anong klaseng ama naman ang gagawa non?
Billy: isang masama at ganid na ama, best example jan ang Papa ko! I hate him!
Tristan: sir, eto nga po pala ang picture nung Alfred.
Tanginang yan, ang gwapo naman pala nitong si Alfred, pero mas gwapo pa rin ako. Kung ichura ang basis, mukang kapatol-patol naman tong si Alfred oh, may sapak lang siguro talaga sa utak tong si Billy. Sya lang yata ang babae na kakilala ko na hindi marunong mag-appreciate ng magagandang lalake na gawa ng dyos.
Nathan: bakit hindi ka nagpakasal sa kanya, magandang lalake naman pala sya oh, Billy.
Billy: wala sa plano ko ang matulad sa Ate ko. Saka kahit magandang lalake pa sya, hindi ko talaga sya gusto.
Kasi ako ang gusto mo, saka patunay lang siguro yun na tayo talagang dalawa ang naka-laan para sa isa’t-isa. Destiny ba!
Tristan: ang maipapayo ko lang po Ms. Billy.
Billy: Billy na lang kuya.
Tristan: like what I said, mas makakabuti kung hindi ka muna lalabas o aalis ng walang kasama na pwedeng magtanggol sayo. Ipinapahanap ka na nung Alfred at ng Papa mo dito sa Manila, so you have to be extra careful.
Nathan: Balitaan mo na lang ulit kami kapag may bago ka ng information. Salamat sayo Tristan.
Tristan: no problem sir, itatawag ko agad sa inyo kapag may bago. Mauna na ako, Billy.
Billy: ingat!
Nathan: ingat ha. Salamat!
