Chapter 43 : Kampihan Na!!!

651 10 0
                                    

Chapter 43

Kampihan Na!!!

Gina: nakaka-inis sya!!! Nakaka-inis talaga sya!!! Akala nya kung sino syang magandang lalake, nakuuuu!!!

Nathan: baka naman maubos ang Bermuda grass dito sa garden namin sa kakabunot mo.

Gina: Kuya! K-kanina ka pa ba jan?

Nathan: just right for me to hear that you almost curse my brother.

Gina: sorry.

I think Gina is a nice person, and a loving person. Kaya siguro ang sungit ni Gio sa kanya is because he’s afraid to fall for this girl.

Nathan: that’s ok Gina. Anyway, care to share how you two know each other?

I tell the story on how Gio and I first met, at talaga naming ang tawa ni Kuya Nathan ay ganon na lang. Well, nakaka-tawa naman talaga yon, and at the same time nakaka-hiya.

Gina: sya pa yung nagalit sa akin ng gawin ko yun. Dapat nga thankful sya kasi sa kanya ko naibigay yung first kiss ko. Kuya Nathan, masungit ba talaga yang si Gio, o sa akin lag talaga?

Nathan: hindi naman talaga masungit ang isang yan, tahimik sya at gusto nya talaga na lagi syang mag-isa pero hindi talaga sya masungit. Nagtataka nga ako sa lalake na yon kung bakit ang sungit nya sayo, you look so nice naman.

Gina: hindi kaya…

Nathan: hindi kaya may gusto sya sayo?

Gina: hindi Kuya, hindi kaya may sapak ang utak nyang kapatid mo Kuya? Pinipilit nya na ako yung may saltik, but the truth is sya tong may sakit sa pag-iisip.

Nathan: but you like him?

Gina: yeah! Kahit naman yata sino magkaka-gusto sa kanya eh ang gandang lalake ng kapatid mo.

Nathan: syempre naman, mana yata yun sa akin.

Gina: eh kayo ni Ate Billy, kamusta naman kayo? Para din ba kayong aso’t pusa before?

Nathan: not that much, bihira lang nya talagang patulan yung mga banat ko sa kanya. Pero once na sumpungin yun ng topak nya, you better prepare yourself para sa mga tantrums nya.

Gina: looks like you really know about her already? Kailan kayo magpapa-kasal ni Ate Billy?

Nathan: wala pa ring exact date kung kailan, but I want that to happen as soon as possible. Anyway, wag mong masyadong dibdibin ang kasungitan ng kapatid ko.

Gina: eh Kuya nakaka-sawang intindihin yung kasungitan nya eh.

Nathan: sungitan mo na lang din sya. Sabi nga nila, if you can’t beat him, join him. Samahan mo na lang din yung kasungitan nya.

Gina: ikaw may sabi nyan Kuya ha! Hahaha!


==========================

Billy: can’t sleep?

Gio: ikaw pala Ate Billy, ikaw bakit gising ka pa rin?

Billy: hindi pa kasi ako inaantok eh, saka may gusto pa rin kasi akong itanong sayo.

Gio: what’s that Ate?

Billy: well, it has something to do with you and your girlfriend Gina.

Gio: Ate Billy naman eh, she’s not my girlfriend nga kasi.

Billy: but you like her?

Gio: no comment!

Napansin ko lang parang ako lang tong si Gio, in-denial much lang! hahaha! Bakit naman sasabihin ni Gina na girlfriend sya ni Gio kung hindi naman pala talaga?!

Billy: muka ka lang artista pero hindi kaya wag kang sumagot ng ‘no comment’ dahil mga artista o politiko ang kadalasang gumagamit nyang statement na yan.

Gio: pati ba naman ikaw Ate Billy, naman oh.

Billy: eh kasi naman Gregory Lopez, meron o wala lang naman ang sagot sa tanong ko. So now, meron ba o wala?

Gio: ayoko sa babaeng malakas ang tama sa utak.

Billy: pero gusto mo sya kahit na may saltik sya? Ayaw mo lang aminin kasi kakainin mo yung sinabi mo.

Ayoko lang ba talagang aminin sa sarili ko na may gusto ako sa Gina na yon? Kalokohan! Ano bang pumasok sa utak nitong si Ate Billy at nasabi nya ang mga ganitong walang kwentang bagay.

Billy: ganito na lang, etong tanong na lang ang sagutin mo. Bakit mo ba sya sinusungitan? Sa pagkaka-alam ko, hindi ka naman talaga masungit eh suplado ka lang talaga.

Gio: ewan ko, hindi ko rin alam. Siguro kasi dinamay nya ako sa problema nya nung nasa Hong Kong kami, tapos bigla na lang nyang sinabi na boyfriend na nya ako at girlfriend ko na sya.

Billy: and you think that’s enough reason para maging masungit ka sa kanya and transform into someone that you’re not?

Gio: I don’t know.

Billy: alam mo yon, ayaw mo lang talagang aminin. Anong balak mo ngayon nyan? Sa akin lang Gio, be nice to her na kasi sandal lang naman sya mag i-stay dito. Dapat pahalagahan mo yung mga tao na naka-paligid sayo, hindi mo alam kung hanggang kailan sila nasa tabi mo. Baka magising ka na lang isang araw na yung mga tao na akala mong mahalaga sayo ay wala, the you’ll realize that that person mean so much to you.

Ganyan ba talaga ang mga inlove, masyadong seryoso sa pagbibigay ng mga payo? Parang nakaka-takot ma-in love, baka maging corny din ako eh, hehe.

Gio: kamusta naman kayo ni Kuya Nathan, kayo ha, masyado kayong malihim dalawa. How it all started?

Billy: it’s a long story, tara na sa loob at matulog. Starting tomorrow, be nice to Gina na ha! Sasakalin kita kapag sinungitan mo pa sya ulit.

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon