Chapter 24: And the WAR starts NOW!!!

877 21 5
                                    

And the WAR starts NOW!!!

Hindi na muna ako isinama ni Nathan sa resto, alam nya kasi na sumasakit pa rin ang puson ko dahil nga may period ako. Naglinis na ako ng unit nya, naglaba at nag-plancha para naman makalimutan ko rin yung issue ng puson ko, isama na rin natin yung issue ng puso ko!

Bakit naman kasi sa dami ng lalake dito sa Manila, bakit sa anak ng amo ko pa ako nahuhulog?Hindi ba pwedeng sa building na lang ako mahulog para wala akong ganitong klaseng problema?

*ding…dong…ding…dong…*

Sino naman kaya to, ang aga pa ah!

Billy: yes?

Trixie: so, dito ka na rin pala nakatira.

Tanga ba tong babae na toh? Malamang dito ako nakatira kasi ASAWA ako ng may-ari nito.

Billy: syempre, ganun talaga! Mas maganda kasi ako kesa sayo kaya ako ang nakatira dito ngayon!

Trixie: sa tingin mo ba mahal ka talaga ni Nathan kaya ka nya pinakasalan?

Hindi ko papatulan yang ganyang style mo na nagtataray, dahil alam kong wala kang panama sa katarayan ko.

Billy: hmmm… hindi, hindi nya ako mahal!

Trixie: alam mo naman pala na hindi ka mahal ni Nathan pero nagpakasal ka pa rin. You’re so stupid.

Billy: tssss…hindi pa naman kasi ako tapos magsalita singit ka agad ng singit ee. Hindi ako mahal ni Nathan kasi mahal na mahal nya ako.

Trixie: sinong may sabi, sya? Naniwala ka naman!

Billy: oo naman, bakit naman ako hindi magtitiwala at maniniwala sa kanya, alam ko naman na nagsasabi sya ng totoo ee.

Trixie: how did you say so?

Billy: kasi sinabi nya sa akin na merong isang BALIW sa kanya na babae na habol ng habol at ayaw syang tigilan. Ang sabi pa nga nya, ayaw tanggapin nung babae yung break-up nila, sabi ko nga sa kanya sana pinag-tyagaan mo na lang, kawawa naman kasi. At alam mo kung anong sabi nya, naaawa nga daw sya dun sa babae, baka daw kasi walang ibang pumatol dun dahil masyadong selosa, possessive, at higit sa lahat masama ang ugali. Kilala mo ba kung sino yun sa ex ng mga asawa ko?

Trixie: hindi pa ako tapos sayong babae ka, hindi pa ako tapos! Hinding-hindi kita patatahimikin hanggat hindi mo hinihiwalayan si Nathan.

Feeling mo naman natatakot ako sayong impaktita ka?! Nakaka-sira ng araw ang isang toh, my gawd!

_______________________________

PLACE: CEBU CITY

Kamusta na kaya si Billy sa Manila? Simula ng umalis sya hindi ko na sya naka-usap. Diyos ko, wag nyo pong pababayaan ang kapatid ko.

Mama: Annie, tara na dito at kakain na tayo.

Annie: opo Ma!

Nandito kami ngayon sa bahay nila Lolo na malayo sa dati naming tinitirahan. Kamusta na kaya si Papa?

Mama: ano bang iniisip mo anak?

Aniie: naisip ko lang po si Billy, kamusya na po kaya sya sa Manila?

Mama: isipin na lang natin na ok sya sa Maynila para hindi tayo nag-aalala ng sobra. Kilala natin pareho si Belinda, hindi iyon basta-basta susuko. Alam naman natin na kahit na matigas ang ulo nyang kapatid mo na yan, wala pa ring tatalo sa katalinuhan nya.

Annie: alam mo Ma, nung nalaman ko yung plano nyo ni Papa na ipakasal si Billy sa anak ni Mayor, talagang galit na galit ako sa inyo ni Papa. Ayoko kasing mangyari sa kapatid ko ang mga naranasan ko, gusto ko na magpa-kasal sya sa lalake na totoong mahal nya at mahal sya.

Mama: sana anak mapatawad na rin ako ni Billy sa mga pagkukulang ko sa kanya.

Annie: sigurado ako Ma na napatawad ka na rin nya. Kahit naman na ganon si Billy sa inyo, mahal pa rin nya kayo.

Mama: tara na anak na kumain na tayo, tapos ng kumain ang Mama at Papa. Naisip ko lang anak, hindi kaya tumatawag sa bahay natin ang kapatid mo, o kaya kila Francine?

Annie: wag kang mag-alala Ma, pupunta ako bukas sa bahay nila Fancine para makibalita kung naka-usap na ba nya si Billy.

_________________________________

Carlo: anong ipapa-trabaho nyo Mam?

Trixie: gather all the information you can get about sa asawa ni Jonathan Lopez. Humingi ka na rin ng kopya ng marriage certificate nila just to make sure na kasal nga ba talaga sila.

Carlo: maliban po sa pangalan, wala na po ba kayong ibang ibibigay sa akin.

Trixie: eto ang paunang bayad, kailan ko malalaman ang resulta ng trabaho mo?

Carlo: sa isang Linggo mam, hawak mo na lahat ng impormasyon na kailangan mo. Mauna na po ako Mam.

Malalaman ko din kung saang lupalop mo nakilala ang babaeng sinasabi mo na asawa mo Nathan. At ikaw na babae ka, kapag nalaman ko kung saang parte ka ng mundo nagmula, ipapatapon kita pabalik sa pinanggalingan mo! 

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon