Chapter 35 : Ginayuma o Pina-kulam?

797 19 4
                                    

Chapter 35

Ginayuma o Pina-kulam?

Glenda: naka-ayos na ba lahat ng gamit ninyo, baka may naiwan pa kayo.

Monina: ayos na po yung sa akin, nasa bag ko na lahat, even my pasalubong for Ate Billy.

Gio: wala na po, naka-ayos na po yung gamit ko kagabi pa.

Marlon: so wala na talaga kayong nakalimutan ah.

Gio, Monina & Ran: wala na po.

Gina: hey cutie pie, nakalimutan mo na yata ako, ang girlfriend mo.

Anong ginagawa nitong babae na toh dito? Seryoso ba sya, pupunta talaga sya ng Pilipinas?

Gio: ano na naman ang ginagawa mo dito. Saka FYI lang, hindi kita girlfriend.

Gina: ouch, ang sakit naman ng sinabi mo. Baka naman gusto ko pang iparinig ulit sayo yung sinabi mo nung sinagot mo ako.

Gio: toyo mo! Sige na, umalis ka na, bumalik ka na sa pinang-galingan mo.

Gina: Tita, si Gio oh, inaaway na naman ako.

Ran: Kuya, isusumbong kita kay Nanny, you’re so bad.

Gio: Ran, hindi bad si Kuya Gio, ok.

Monina: Kuya, naka-drugs yata yang so-called girlfriend mo eh.

Glenda: tama na yan. Ako ang nagsabi sa kanya na pwede syang sumama sa atin sa Pilipinas, at sinabi ko rin sa kanya na kung wala syang matutuluyan sa Pilipinas habang nagbabaksyon sya, is pwede syang mag-stay sa bahay natin.

Gio & Monina: WHAT?!?!

Ran: yehey, I have another playmate.

Gina: buti pa tong si Ran, masaya na kasama ako pabalik nyo sa pinas.

Gio: Mommy naman, bakit mo naman ginawa yon? Alam nyo naman na hindi kami magka-sundo ng babae na yan.

Marlon: sabihin na lang natin na si Regina ang bagong kaibigan ng Mommy nyo.

Monina: saan ang kwarto nya? Ayoko syang katabi, mamaya mahawa pa ako sa kabaliwan nyan.

Hanep naman tong bata na to, nakakahawa ba ang kabaliwan kahit na magka-tabi lang?

Glenda: she’ll stay sa guest room natin. Saka ayaw nyo ba non, lumalaki yung family natin.

Gio: ok malaki naman na ang family natin, bakit kailangan pang mas palakihin? Saka masikip na sa bahay natin diba? Saka baka mamaya awayin nya si Ate Billy.

Ran: kapag ni-away nya si Nanny ko papalayasin ko sya. Tapos isusumbong ko din sya kay Kuya Nathan.

Hanep na bata talaga tong si Ran, papalayasin daw ba eh, tapos isusumbong pa ako sa Kuya Nathan nya.

Glenda: tama na yan, umalis na tayo baka mahuli pa tayo sa flight natin.

Gio: Ma, sigurado ka ba talaga na isasama natin sya? Baka mamaya pati tayo madamay sa gulo ng buhay nyan.

Gina: if ang inaalala mo is yung mga humahabol sa atin nung minsan, wala na sila, naayos ko na ang lahat.

Gio: siguraduhin mo lang, dahil kung hindi sisipain kita palabas ng eroplano.

Gina: ang brutal mo namang magmahal cutie pie.

Monina: yuuuuuck!!! Ang baho naman ng tawagan nyo Kuya Gio.

Gio: Mons wala akong alam dun sa tinawag nya sa akin, pero tama ka, ambaho talaga ng cutie pie.

Cutie pie??? San naman napulot nitong babae na to ang tawag na yon? Grabe talaga, ang tindi talaga ng saltik nya sa utak. Sigurado kaya talaga si Mommy dito sa ginawa nya?

Gio: ma, sigurado ka ba talaga? Hindi na ba pwedeng mabago ang pasya mo, hindi pa naman huli ang lahat ee.

Marlon: nako Gio anak, hindi na mababago ang pasya ng Mommy mo, alam mo naman yan.

Monina: siguro kuya Gio ginayuma o kaya pina-kulam nyang si Gina si Mommy kaya gusto sya ni Mommy. Diba nung may pinakilala ka sa kanya dati, si ano, ano nga ba pangalan non Kuya?

Gio: si Sofie. Ewan ko ba jan kay Mommy, ang weird ng taste nya, kasing weird nung mga gusto nyang babae para sa amin ni Kuya.

Glenda: narinig ko yon!

Ran: miss, ligaw ka ba talaga ni Kuya ko, hindi ka ba nagjo-joke lang? Kasi ang alam ko, saka sabi ni Kuya, yung katulad ni Nanny ko yung type nya eh.

Gina: anong klaseng girl ba si Nanny mo?

Ran: mabait, maamo yung muka, maalaga, lagi nya akong pinapakain, saka maganda.

Gina: hindi ba ako maganda, hindi rin ba ako mukang mabait?

Ran: ewan ko! babay!

Langya talagang bata tong si Ran, ang daming alam, three years old pa lang yan ah, siguro gifted ang isang toh, hindi nga lang nila alam. Pero kahit na ano pang sabihin nila, sasama ako sa kanila. Gusto ko naman syempreng makilala ng lubusan ang family ng BOYFRIEND ko.

Glenda: ok, oras na para umalis. Come here baby.

Bwisit na buhay toh, kasama talaga sya at walang balak si Mommy na pigilan sya. Ang weird talaga nilang dalawa, no wonder magkasundo sila.

Gina: Gio.

Gio: oh bakit na naman? Anong gagawin ko jan, bakit mo binibigay, sa akin ba yan?

Gina: be gentleman naman, dalhin mo naman ang mga bags ng girlfriend mo.

Gio: bakit ba kasi ang dami mong dala? Wala ka na bang balak umuwi sa inyo? Sana dinala mo na rin yung bahay nyo.

Gina: kung ok lang sayo, hindi na talaga ako uuwi para forever na kitang kasama. 

Nanny, My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon