Chapter 31
Sigurado ka bang pagkain yon?
Nathan: sweetheart, gising na! Kain na tayo ng lunch, nagluto ako!
Billy: hmm…
Nathan: bangon na jan sweetheart.
Billy: ayoko pa, masarap matulog eh!
Nathan: kapag hindi ka pa bumangon jan hahalikan kita, sige ka!
Billy: bahala ka sa buhay mo! Natutulog yung tao ang ingay-ingay mo!
Kunwari ka pa jan Belinda, gusto mo lang yata talaga na halikan ka ni Nathan eh! Bruha, magpapahalik ka eh bagong gising ka? Yuck! Asar naman oh!
Nathan: hahalikan talaga kita!
Billy: eto na nga diba, babangon na! Masyado ka namang excited jan, nag-iinat lang yung tao eh!
Sayang naman, bumangon agad sya, gusto ko pa naman talaga syang halikan! GRABE KA NATHAN, YAN NA BA ANG BAGO MONG HOBBY NGAYON, ANG I-KISS SI BILLY?
Billy: oo nga pala Nathan, anong oras pupunta yung P.I. para mag-report sayo?
Nathan: kakatawag lang nya kanina bago kita gisingin, mamayang three daw sya pupunta dito.
Billy: ganun ba? Sana naman may dala syang good news.
Nathan: wag mo munang isipin yun, kumain na muna tayo. Ako nagluto nun!
I gave him a strange and a scared look! Punyemas na yan, pancakes nga hindi nya naluto ng maayos lunch pa kaya? Patawa din tong lalake na toh eh!
Billy: sigurado ka bang pagkain yon?
Nathan: syempre naman! Ano ba namang klaseng tanong yan Billy!
Billy: eh kasi naman Jonathan Lopez, kung yung pancake nga hindi mo nagawa ng maayos yung pang-lunch pa kaya!
Nathan: haaaay! Tama na yang reklamo mo jan, kumain na tayo!
Billy: sige, mauna ka na dun, susunod na lang ako!
Nathan: sabay tayong kakain!
Billy: ang arte mo naman!
Wala ng marami pang salita at mauuwi na naman to sa nakakalokong usapan. Binuhat ko sya na para lang kaming bagong kasal, whahaha!!!
Billy: waaaaaaaahhhh!!! Gagu ka Nathan, ibaba mo nga ako!
Taraklis naman na yan oh, may masama ba akong sinabi para buhatin nya? Wala naman diba, ang bait ko naman diba? Oo Belinda, mabait ka nga, pero malandi ka rin. Kunwari ka pa jan, kinikilig ka naman!
Nathan: there you go! Sabay tayong kakain ng lunch whether you like it or not! Here!
Billy: pagkain talaga toh ah!
Nathan: oo naman, kahit ba lagi mo akong iniinis eh hindi ko naman kayang manlason, saka kakain din ako nyan!
Billy: so may balak ka talagang lasun---
Langyang Billy toh, saksakan din ng daldal eh! Oh, ayan ang sayo, kainin mo yan!
Nathan: masarap ba?
Billy: pwede na!
Nathan: sabi ko na---
Akala mo naman magpapatalo ako sayo! Ngayon, amanos na tayo! Mabilaukan ka sana! Hahaha!
Nathan: gwabo namon… grabe naman yung sinubo mo sa akin, parang wala ng bukas ah!
Billy: eh pano naman kasi, may sasabihin ka na naman! Kumain ka na jan!
Nathan: subuan mo pa nga ako, pero yung hindi kagaya kanina, yung mas konti na!
Billy: eh kung isubo ko kaya sayo tong buong plato? May kamay ka naman eh, magpapasubo pa, ano ka, si Ran?
Nathan: mas cute ako kay Ran noh!
Billy: sang banda? Parang hindi naman!
Nathan: sandali lang, sasagutin ko lang tong tawag ni Oliver!
*on the phone*
Nathan: hello, bakit? May problema ba?
Oliver: merong babae dito, hinahanap ka! Hindi daw sya aalis dito hanggang hindi ka nya nakikita at nakaka-usap!
Nathan: sino daw sya?
Oliver: sandali ang itatanong ko! Pare, Empress Alvarez daw eh.
Nathan: oh sheet!
Oliver: bakit pare? Sino ba tong babae na toh sa buhay mo?
Nathan: ikaw na muna ang bahala jan Oliver! Bukas na lang tyo mag-usap, busy ako! Bye!
Anong ginagawa nung siga na yon dito? Naku naman, baka mamaya makasira pa sya sa set-up namin ni Billy eh!
Billy: bakit tumawag si Oliver? May problema ba sa resto mo?
Nathan: may dumating kasing hindi inaasahang bisita!
Billy: huh? Ahh…isa na naman sa mga babae na niloko mo!
Nathan: hindi noh! Hindi mo maiisahan ang isang yon, saksakan ng gulang yung babae na yon!
Billy: eh sino nga yon?
Nathan: Sya si Empress Alvarez, ang sutil, pasaway at may saltik sa utak na pinsan ko!
Billy: ahh…parang ikaw lang pala!
