Hindi ako papayag na mapunta si Billy sa kanya, babawiin ko sya. Nung umuwi sila Gio ng bahay at hindi nila kasama si Billy, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Yung puso ko parang binagsakan ng adobe, bukod sa mabigat, masakit at nahihirapan din akong huminga.
"Gio, sinong kumuha sa Ate Billy nyo? Saan sya dinala nung mga kumuha sa kanya?" intense na tanong ko kay Gio, pero hindi naman nya ako sinagot, yumuko lang sya. "Tangna naman Gio, sagutin mo ako kung ayaw mong masaktan!!!"
"Kuya I'm so sorry, wala akong nagawa para hindi nila makuha si Ate. Natakot ako na baka saktan nila kami, lalo na si Ran. I'm sorry Kuya!"
Tama naman si Gio, mas dapat nyang intindihin si Ran dahil hindi pa nya kayang ipagtanggol ang sarili nito. Pero anak ng pating naman oh, saan ba nila dinala si Billy?
"I think I know where Billy is, for sure si Alfred ang may gawa nito. Nalaman nya siguro na malapit na kayong magpa-kasal kaya sapilitan na nyang kinuha si Billy." biglang sabi ni Ate Annie.
Fuck that Alfred, I want to punch his face until he die! Hindi ba nya kayang intindihin na hindi sya mahal ni Billy, kahit nga gusto hindi eh! Subukan lang nyang gawan ng hindi maganda si Billy, talagang may kakalagyan sya sa kin.
"Ang anak ko, baka mamaya kung ano ang gawin sa kanya ni Alfred. Kasalanan itong lahat ng walangya kong asawa. Isinusumpa ko, sa oras na may hindi magandang mangyari sa anak ko hinding-hindi ako titigil hanggang hindi nakukulong ang may sala."
That's Tita Marcela, and I can't blame her if she's acting that way. Matagal na silang nagkalayo ni Billy, and now that it's just one step away para magkasama sila, tapos sumingit na naman sila. Bakit ba kasi hindi na lang nila hayaan na maging masaya ang mga taong m ay karapatang sumaya?
"We need to do something. For sure napilitan lang sumama si Billy sa kanila, we can file a complain againts them. sabi ni Daddy. "Siguro sinabi nila na nasa kanila kayo Mrs. Garcia, kaya napilitian syang sumama."
Tama si Daddy, malamang na sinabi nila na hawak nila si Tita at Ate Annie at sasaktan nila kapag hindi sya sumama. Bakit ba kasi hindi na lang nila kami hayaan?
"Mommy, Daddy... Babalik pa ba si Nanny? I miss her already, why Kuya Nathan mad?" inosenteng tanong ni Ran. "Kuya Gio, sabi mo nandito na si Ate Billy, why I can't see her?"
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*Cebu City*
They just arrive, and feeling ni Billy patay na sya. Ayaw na nyang bumalik sa lugar na ito, sa lugar kung saan maraming alaala ang bumabalik sa kanya, lahat ng alaala na iyon ay hindi maganda. Kung pwede lang, kung may ginnie lang siguro sa totoong buhay, malamang nag-wish na sya na sana nag-crash na yung eroplano kung saan sila nakasakay.
"Everything is set for our wedding, Billy. I make sure that everything is perfect, as in everything, even your gown."
Hindi naman pinapansin ni Billy ang lalake na dahilan kung bakit gusto na nyang magpakamatay, pakelam ba nya sa impaktong nasa harapan nya. Magpakamatay man ang lalake sa harap nya, wala syang pakelam, baka nga tulungan pa nya yun eh.
"Where's my mom and sister? I want to see them, I want to talk to them." matigas na sabi ni Billy kay Alfred. "Hindi ako magpapakasal sayo hanggang hindi ko sila nakikita, at kahit na tutukan mo pa ako ng kahit na anong klaseng baril, hinding-hindi ako magpapakasal sayo hanggang hindi mo sila pinapa-kausap sa akin!" galit na galit na sabi ni Billy sa kausap.
