Chapter VII - Getting To Know You

65 3 0
                                    

Chapter VII - Getting To Know You

*Jake's POV

"Mommy!!!" I heard a little boy happily shouting towards Cheska.

"A-A-Anak mo????" Tanong ko kay Cheska.

"Oo. Mama, meet my son, Zach. Zach, this is Mama Laura, and this is Boss Jake. Sila ang boss ko sa office."

"Pero di ba, single ka?" at last naitanong ko rin. Hoping na sana wala talaga siyang asawa. Mama will be really upset kung meron. Pero nakita ko sa resumé niya, single pa siya!

"Ah, baby, get inside, Mommy's coming next to you. Malamig na dito, sige na."

"Goodbye po Mama Laura and Boss Jake. Nice meeting you po." cute boy. Kamukha ko siya. Hindi kaya ako ang ama? Tss, imposible naman. Kung sana nga ako na lang...

"Ahh, Ma, anak ko po si Zach. Kakahiwalay lang po namin ng daddy niya. Hindi po alam ni Zach na hiwalay na kami. Ayaw po naming masaktan siya." umpisa ni Cheska.

"You mean, nagsasama pa rin kayo ng ama niya? Nagtatabi?" di ko napigilang itanong. Ang swerte naman ng gag*ng yun!

"Jake!?! Hindi tamang itanong mo pati yan!" sagot ni Mama. "Cheska, hija, I know you know what you're doing. Ina rin ako. Naiintindihan ko kung anuman ang kaya mong gawin para sa anak mo." she hugged her as if she's comforting her.

"Thanks po Ma." naiiyak na sabi ni Cheska. Kawawa naman pala siya. Mukhang marami siyang pinagdadaanan. Naikuyom ko ang kamao ko sa isiping hindi siya pinahalagahan ng lalaking yun.

T*nga ka para pakawalan ang isang tulad ni Cheska!

Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo kung anumang ginawa mo sa kaniya.

Umalis na kami ni Mama. Tahimik lang siya sa backseat. Sa Parañaque kami umuuwi kaya medyo matagal ang byahe namin. Buti hindi traffic.

Akala ko tulog na si Mama, nang "I like her for you. Nung makita ko siya sa office mo kanina, I know she's bearing something. She's a good mom para magsakripisyo para sa anak niya."

Yeah. Nakakahinayang lang na may katulad niyang nate-taken for granted pa.

"Pero ayokong pwersahin mo siya na mahulog sa'yo." Huh? "Libangin mo lang siya pero huwag kang masyadong magpahalata na gagawin mo yun dahil gusto mo siya. Mas maganda pa ring maging magkaibigan kayo at maka-move on siya. By that time, saka mo siya ligawan. Pero hindi ngayon sa panahong alam mong she's hurting inside. Hindi magiging maganda yun para sa inyong dalawa. Trust me anak. Mas mabuti kung kaibigan na lang muna."

Bumaba na si Mama ng sasakyan. Hay. Nandito na kami sa mansion. Kamusta na kaya si Papa?

Pagpasok ko pa lang, nakaabang na si Papa. Tss, para rin 'tong si Mama eh, excited sa kwentuhan. Umakyat na si Mama, napagod yata, o na-frustrate? Tsk! Ma...

"What happened to your mom? Akala ko pa naman magdamag akong makikinig sa mga pinagkwentuhan nila nung friend niya. hahaha."

"Napagod po siguro. Kayo Pa? It's almost midnight and yet gising pa kayo. Care to drink?" yun ang isa sa hobby namin ni Papa kapag nandito sa mansion, ang magkwentuhan at kaunting inuman.

"Nakapagpalamig na ko sa fridge. Kukunin ko lang, magbihis ka na muna at sumunod ka sa veranda." Naks, mahaba-habang inuman to. Hay...

Umakyat na ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ang iPhone ko. Walang text. Bakit ko nga ba hinihintay na magtext yun eh di naman niya alam ang number ko?

tik

tok

tik

tok

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon