Chapter XXXI - Enjoy Much

33 0 0
                                    

Chapter XXXI - Enjoy Much

"Hindi na ba talaga pwedeng ma-extend, apo?" naglalambing na tanong ni Mama kay Zach. Tss. . . Isang linggo na ngang absent yung bata, extension pa rin hinihingi nitong si Mama?

"Oo nga naman, hijo. Kausapin mo si Mommy mo, kaya mo naman makasagot sa exams kahit hindi pumasok sa klase di ba?" Isa pa tong si Papa eh. . Psh!

"Mama Laura, Papa Alfred, Mom would not agree to that, I clearly presume. I've been absent for a week. She doesn't want me to miss school activities. Our teachers might wonder how will I get a high score if I was absent the entire review week. Baka po mabuking na kami. . . " Zach said smiling to them.

Kung sa bagay kasi. . Ang sarap naman talagang kasama ng batang ito. Katulad na katulad ng mom niya, walang kapaguran. Ang daming alam. Kung saan saan na nga kami nakapaggala. Dinala rin siya nina Papa sa farm sa Zambales. Pati sa Ocean Adventure sa Subic. It's amazing how he easily remembered everything na itinuro sa kaniya ni Papa. Pati Scientific names ng halaman alam na agad. Haaaaay. . .

"Hmmm... Sige na nga. . Basta babalik ka ha? Dito ka mag spend ng weekend palagi. Maggagala ulit tayo. How's that?" Mama, feeling excited for next weekend. . .

"Sige po! Isama po ulit natin si Buboy po ha?"

"Oo naman hijo. Basta balik ka lagi dito. Ipapasundo kita Friday afternoon ha?" Si Papa talaga, di muna magpaalam sa mommy ng bata... Teka, asan na ba yung babaeng yun?

"Ah... Zach, where's your Mom?" tanong ko.

"She's taking a bath kanina po bago ako lumabas."

Ang tagal naman nun. . Kanina pa si Zach dito eh. .

Iniwan ko na muna sila sa sala. Umakyat ako sa kwarto to check on her. Kakatok sana ako pero the door's slightly opened kaya narinig ko kaagad ang boses niya.

"Yeah, siya yung binuhusan ko ng parfait three months ago, haha! ... What? No way! I mean, He's not available... Iba na lang. . Ay naku! Bahala ka. Sa birthday na lang ni Zach, I'll invite him. Hmmm... July 7. Yeah, be there. Haha! Ikaw talaga, pagkakakita ng gwapo eh. . O sige na! Baka umuusok na ilong nun sa sobrang tagal ko... Sige! See you. . Ciao!"

Kausap niya siguro yung kasama niya sa Starbucks nung magkaaway pa kami.

Gwapo daw ako? Naks. . Nag-uumapaw ang confidence ko ngayon. Galing kay Cheska eh! ツ

Knock.Knock.

Bigla siyang napalingon sa pinto. Is she blushing?

"K-kanina ka pa ba diyan?"

"Nope. Kararating ko lang." I lied.

"So... w-wala kang narinig?"

"Hmmm... Wala naman. May dapat ba?"

"Ahhh... Wala..." She smiled.

"Ready ka na ba?"

"Ah, wait lang. Di ko pa naayos yung gamit ko..."

"Tulungan na kita..."

"No need. Kaya ko na." Again, she smiled.

Pinanood ko lang siya mag-ayos. Tinulungan ko na lang siyang magbitbit ng gamit palabas.

At salamat nakaalis na kami after ten years. Grabe sina Papa at Mama. Ayaw tantanan si Zach. Nagseselos na nga ako eh. Dati pag di ko umuuwi ng mansion, sila ang pumupunta sa condo ko . . Pero ngayon mukhang iba na ang dadalawin nila.

Speaking of condo...

"I have a good news." I said while driving. Si Cheska sa tabi ko, while Zach is asleep sa backseat. Ihahatid ko na sila pauwi.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon