Chapter XXII - Why The Secrecy?

48 0 0
                                    

Chapter XXII - Why The Secrecy?

*Jake's POV

"Mom, where's Tito Liam?" tanong ng batang prodigy. Kumalong siya sa akin pagkaupo ko.

"Ah... He left already eh. Nagmamadali. Yan ba ang kapalit ng tickets mo?" tukoy ni Cheska sa hawak na bear ni Zach. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap.

"Yes Mom. Tito Jake is fun to be with. I wish to go out with him more often." o.o talaga? Napangiti tuloy ako sa sinabi niya.

"Ahhh... Baby... Tito Jake has a lot of things to do. You know he has a work. Right Tito Jake?" sabay tingin sa akin ni Cheska.

"But he's the boss, he handles his own time. Am I right Tito?"

"Yeah Big Boy Zach. I can be your playmate whenever you want." sagot ko sa kaniya.

"Yey! I have a new playmate! I want to go to Star City one time."

"Hindi ka naman excited baby? haha" Sagot ni Cheska.

At nagtawanan kaming tatlo.

Nang biglang tumigil si Cheska.

"What's the matter?" tanong ko sa kaniya.

"Huh? Ah... Nothing. hehe" She smiled differently. Then she embrace herself.

"Nilalamig ka ba? May jacket ako sa kotse, kukunin ko lang..."

"No, I'm fine." tumingin siya sa labas ng bintana. May kotseng paalis sa parking area. Isang red MINI Cooper.

Gusto niya kaya ng ganung kotse? Bagay sa kaniya yun...

Tumigil ang kotse sa tapat namin na para bang nakikipagtitigan sa amin, kahit pa hindi naman namin nakikita ang sakay noon dahil tinted ang salamin niya.

Umalis na ang kotse but Cheska is still acting weird. Sino kaya yung driver nun?

I held her hand. Napapitlag siya.

"Easy. Ano bang iniisip mo? Sino ba yung nasa kotseng yun?"

Napatingin siya kay Zach na naglalaro na ngayon sa sofa.

"Hindi ko alam, pero may kakaiba sa kotseng yun. Madilim ang aura niya."

Huh? Napakunot-noo ako.

"Ahhh... Pano ba to? Ano kasi, isa akong..."

"Prodigy?" putol ko sa kaniya.

"Paanong?"

Tumingin ako kay Zach.

"Aysh! Ang daldal talaga nitong batang to..."

"Bakit mo itinatago?" tanong ko

"Sikreto ng pamilya yun. Bata pa lang ako, kakaibang galing na yung nakikita nila sa akin. To the point na isang araw pa lang, tapos ko nang basahin ang libro at kaya kong isummarize agad yun orally. Pinatingnan nila ako and they found out na wonder child nga ako. Pero binalaan sila ng doktor dahil nung panahon na yun, delikado ang mga kagaya ko. May mga miyembro ng sindikato na kumikidnap sa mga tulad ko. Hindi kami mayaman kaya hindi kaya ng mga magulang ko na kumuha ng bodyguards para sa kin. Kaya pinilit nilang itago ang kakayahan ko. At dahil maaga akong namulat sa katotohanan, pinigil ko din ang sarili ko. Sa public school ako pumasok para maging normal ang buhay ko. Kahit alam ko ang sagot, minamali ko minsan para hindi ko ma-perfect ang exams ko. Nasa honor's list pa rin ako pero hindi na kahinahinala. Kaya okay na sa kin yun. Ang importante naman alam ko sa sarili ko na naiintindihan ko lahat ng itinuturo eh. Yun nga lang, minsan di ko mapigilan na hindi i-tama yung mga mali ng teachers. Meron kasing basta na makapagturo eh. hehe." Ganun pala yun. Kaya pala hanggang ngayon eh pinipilit niyang maging normal.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon