Chapter XII - Confirmed

60 2 0
                                    

Chapter XII - Confirmed

Jake's POV

*kring*kring*kring*

I hurriedly picked up my phone.

'Mike Calling'

Aish..... Akala ko si Cheska na! Tsk! Alas onse na nandito pa rin ako sa kama. Tinatamad akong bumangon eh. Ayokong pumasok kasi wala naman dun si Cheska. Aish!! Kailan pa ko naging tamad???? Tsk!

Hindi ko sinagot ang tawag ni Mike. Panglimang tawag na yata yan simula kanina. Hay. Itetext ko na nga lang. .

'I won't come to office today. Just reschedule my appointments.'

Tumunog agad yung phone.

'Copy that Sir.'

Hayyyyy... Kamusta na kaya yung lakad nila. Nag-eenjoy kaya siya??? Masaya kaya siya kasama yung g*gong ex niya??? Tss! Bakit kasi pinayagan ko pa siyang mag leave!!?

Saan kaya siya dinala nun??? Teka, check ko nga GPS niya.

I grab my phone again. May GPS application ako dito eh, madali ko lang siya malolocate . . . and. . .

San Juan Batangas Resort????

Sa resort niya dinala, ibig sabihin....

***

Nandito na ko sa kotse ko, on my way to Batangas. Bakit ngayon pa traffic! Naman oh!!!

Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Ilang araw ko pa lang naman siya nakasama, bakit iba na yung pakiramdam ko? Sari-saring emosyon na yung nararanasan ko. Am I in love with her already? Ganun kabilis?? Ahhhh! Kailangan kong malaman... Ano ba talaga tong nararamdaman ko...

Ang tagal ng byahe ko, isang oras mahigit. Pero kung sa normal na takbo aabutin ako ng tatlong oras dapat. Benefit of being a car racer...

Maganda yung resort. Pagpasok pa lang accommodating talaga. May bridge na may man-made river sa ilalim. Very relaxing, kung hindi lang sana nakaka-stress ang ipinunta ko dito. Haaaay!

I stopped. Nakita ko na siya. She's wearing a simple floral dress. Simple pero, Damn! Why is she so beautiful?

Nagtago muna ako sa may puno. Nakita ko silang pumasok sa restaurant ng resort. Ang saya nilang tingnan, buong pamilya... Yung lalaking yun na nakangiti sa kaniya, inaalalayan siya pati ang anak nila, napakaswerte niya.

'How I wish ako ang una mong nakilala Cheska. Kung ako na lang sana.... palagi tayong masaya...'

This may sound gay pero naluluha ako. Haha!! Ang bading lang!

Alam ko na. Mahal ko na nga siya.

Surprisingly, sa maikling panahon na nakasama ko siya, nailabas niya kaagad yung tunay na ako. Yung ako na itinago ko after a long time of being messed up. Masyado akong nasaktan noon kaya nagbago ang ugali ko, ang pakikitungo ko sa ibang tao, ang pananaw ko sa mundo. Pero ngayon, I feel I came back to my senses, to the real me.

Pero anak naman ng p*tcha oo!!! Bakit naman kumplikado pa rin ang buhay ko? Nakita ko na nga ang babaeng mamahalin ko, pero nauna na niyang makita yung lalaking yun!

Hay, makaalis na nga lang dito. Ayoko namang magmukhang kontrabida sa kanila, lalo pa't may anak sila. Pero di ba nga break na sila? So ano to, palabas lang nila para sa anak nila? Teka...

Sa lalim ng iniisip ko may nakabunggo tuloy ako.

"Hey, watch where you're going!" sabi ng Ingliserang frog...

"Wait, Christian?" tanong niya.

Sino nga ba to? Pamilyar siya pero saan ko ba siya nakita? Teka... si...

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon