Chapter XXVI - Your Love is My Own Brand of Heroin

45 0 0
                                    

Chapter XXVI - Your Love is My Own Brand of Heroin

FREEDOM OF THE SEAS - CRUISE SHIP

CAPE LIBERTY CRUISE PORT,

NEW JERSEY, U.S.A.

"Mayor, labas daw tayo mamaya, treat ni Apat. ." Si Winston, Third Engineer, close friend ko dito sa ship. . Mayor ang tawag nila sa kin as Chief Cook, at si Apat yung Kapitan. . Tss. . Mambababae na naman tong mga to. .

"Alam mo namang wala akong hilig diyan eh. . Kayo na lang. . . " sagot ko. Mas gusto ko pang matulog . .

Nagluluto ako ng buttered shrimps. Nagsalang na din ako sa oven ng stuffed mussels. Pinag-break ko muna yung mga subordinates ko. Yung iba kasi suma-sideline din. Naiintindihan ko naman sila dahil nanggaling din ako doon.

"Tsss. . KJ mo talaga. . Minsan tuloy iniisip kong bakla ka eh!" Heto na naman kami. Lagi niya akong tinitira nang paganyan para lang mapapayag ako. Pero wala naman akong pakialam kung anong iniisip niya. Eh sa ayoko eh.

"Wins, hindi sa katinikan sa babae nakikita ang tunay na pagkalalaki..." Palibhasa kakahiwalay lang sa asawa, kaya atat sa babae.

Teka, ako nga rin pala hiwalay na. Pero di ko pa rin gagawin yun.

"Joshua, alam naman nating single ka, at kakahiwalay niyo lang ng nanay ng anak mo. Kalimutan mo na siya. Napakaraming magaganda dito . . "

"Winston, iba ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo. Iba rin ang pananaw ko. Kaya ikaw kung gusto mong magkasakit kagaganyan bahala ka. Baka lang balikan mo yung asawa mo nanghawa ka pa." sabi ko. Hindi niya pa kasi nakikita kahit picture ni Cheska. Baka maglaway pa to pag nakita niya.

"Hay naku, bahala ka na nga! Ikaw na nga nililibang eh..." haha! Asar talo na naman.

"Mayor, kailangan daw po kayo sa club." si Arthur, kasama ko dito sa kusina.

"Bakit daw?" tanong ni Winston. Tss, siya talaga nagtanong eh.

"May sakit po kasi yung isang miyembro ng banda. Pakipalitan niyo daw po muna..."

"Sige. Susunod na ako." Sakto luto na to. "O ikaw, sama ka?" tanong ko kay Winston. Tinanggal ko na ang apron ko at isinabit sa rack.

"Psh, as if namang may choice ako. Eh mamaya pa after ng show kami lalabas. Alam mo naman yung si Apat, di pinapalampas yung performance ng Sexy Ladies. . ."

"Haha! Si Apat pa talaga idinahilan mo. . Bihis lang ako."

"Sige, kita tayo dun..."

Pumunta na ako sa kabina ko. Naligo muna ako. Nagsuot ng jeans, long sleeves, at chuck tailor. Pangporma lang. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may nagtext. Si Zach.

'Daddy, ingat ka po lagi. I miss you...' ang sweet naman ng anak ko. I replied: 'Thanks Big Boy. Magbabait ha. Mom?'

Si Cheska kaya? Di ko pa siya naitetext. Mamaya tatawagan ko na lang. Inilagay ko na sa bulsa ang phone ko.

Pumunta na ako sa club. Medyo marami nang tao.

"Mr. dela Cruz, the program will start in five minutes. You'll be the vocalist and guitarist. Do you still need a practice?" tanong sa kin ng program director.

"No, not at all." Napanood ko naman kasi ang practice ng banda kahapon. .

"Thank you, please proceed to the stage now."

Nilapitan ko ang banda. Mga Pinoy din sila. Karamihan dito Pinoy kaya masaya na din.

Sinabi nila ang sequencing ng kanta. Limang kanta pala. Mapapalaban ako nito. .

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon