Chapter XXIV - The Taste of Heaven and Hell

56 2 2
                                    

Chapter XXIV - The Taste of Heaven and Hell

AQUINO'S MANSION

Celebration ng mga staff ng MSP Company for winning the proposal. Nag-offer ang Papa ni Jake na dito sa mansion nila ganapin ang party. And yes, yung lalaking katabi ko sa board room nung meeting ay tatay pala ni Jake. Kaya pala tatawa tawa siya kasi narinig niyang nagseselos ang anak niya. haha! Ang kulit lang. . .

"Grabe, alam mo bang ngayon pa lang ako nakapasok sa ganito kagandang bahay? Ang laki-laki pala talaga no?" si Margaux bulong kay Ivee, yung mga kasama namin sa Executive Department.

"Oo nga, ako rin naman ngayon lang nakapunta sa ganitong kagarang bahay eh. Pero si Franczeska malamang dati pa nakapunta dito. Close nga sila ng Mama ni Boss eh." (⊙o⊙) Pati ako nadamay sa malakas na bulungan nila. Bigla akong napalingon sa pwesto nila.

"Kayo talaga, di na kayo nahiya kay Cheska. Aahhh. . Naku, wag mo na silang pansinin, mga gutom lang yan." si Celine. Sa lahat ng mga girls sa department namin eh itong si Celine lang ang mabait sa kin. Di ko na lang pinagpapapansin yung iba. Hanggang bulungan lang naman mga yan eh. Di naman nila ako maaano.

"Hmmmmn. . Okay lang. ." nginitian ko na lang si Celine. Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay sina-

"Cheska, hija! Glad you're here, Sweetie. . . Na-miss kita. ." masayang salubong sa akin ni Mama Laura. Sinalubong ko ang yakap niya at nagbeso beso kaming dalawa.

"Ako rin po Mama, na-miss ko kayo. . " Alam kong naglalakihan na ang mga mata ng mga kasama namin sa opisina. Kasi tinawag kong Mama ang nanay ng boss namin.

"Ngayon ka pa lang nakapunta dito, hindi ba? Halika hija, itu-tour kita sa buong mansion." Excited na naman siya kaya hinila na ako, hehe.

"Ma, why are you dragging her?" Aysh, si Jake. . ヽ(^。^)ノ

Tiningnan ko siya at may pagtataka sa mukha niya. Ang gwapo lang talaga. . . ☆ミ ☆彡 Di kami nagkita nito for three days huh. Huling kita namin ay nung board meeting. Di na siya pumasok since then. Di rin nagtetext. Di rin naman ako nagtext sa kaniya. Ano siya, hilo? Pero kating kati na talaga ang daliri kong itext siya. haha!

"Itu-tour ko lang siya para naman hindi siya maligaw kapag dito na siya nakatira." Mama talaga, pfffft! Minsan iniisip ko totoo talaga yung setup namin two months ago eh. Di ko na lang siya kinokontra. Feel na feel ko nga eh. Haha!

Namula yung pisngi ni Jake. Hoho!

At, tinalikuran na niya kami. Problema nun? Ni hindi man lang ako tiningnan. Lumapit siya sa mga staff at nakipagkwentuhan. Aysh, nakakainggit naman. <(ˍ ˍ*)>

"Halika ka na hija..." hinigit na ulit ako ni Mama.

Napakalaki pala talaga ng mansion nila. Di hamak na mas malaki ito kaysa sa mansion nina Robin. Pumasok kami sa isang malaking pinto at tumambad sa amin ang napakalaking hall na pinagdadausan ng mga enggrandeng party. Mas malaki pa ang hall na yun kaysa sa buong bahay namin. Umakyat kami sa second floor. Ipinakita din ni Mama ang mga kwarto. Napakaelegante talaga. Nang tumigil kami sa isang pinto, "This is Jake's room."

Wow! Napakalinis ng kwarto niya. Parang sa condo niya, black and white lang ang makikita. Yun nga lang mas malaki ito ng tatlong beses. Bigla naman akong nahiya kasi malimit hindi ko na natitiklop ang kumot ko. Si ina na ang nag-aayos nun kasi lagi akong nagmamadali pagpasok. ╭(╯ε╰)╮

Nang mapadako ang mata ko sa side table. Isang picture.

o.o

Picture namin nung party sa mansion nina Robin!

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon