Chapter XXXVI - I'm In Ecstasy

37 0 0
                                    

Chapter XXXVI - I'm In Ecstasy

Kung kahapon tambak ang trabaho ko, ngayon wala akong magawa. Pambihira naman kasi si Jake. Next month pa pala niya kailangan yung marketing plans na iniutos niya sa kin. Minadali ko pa naman yun kahapon. Tapos ngayon, heto ako at walang trabaho.

Kaya naman wala akong tigil katetext sa mga kaibigan namin ni Joshua since high school at college. Ini-invite ko sila sa Sunday. Simpleng party lang naman ang ihahanda ko for Zach. Pero siyempre gusto ko yung mag-eenjoy siya. Medyo malaki rin kasi yung naipon ko in three months. Tapos may padala pa si Josh. Kaya lang hindi ko pa na-finalize yung program. Invitations? Through phone na lang. Wala na akong oras magdistribute nun. Yung classmates at teachers na lang ni Zach ang papadalhan ko. Yung mga kapitbahay naman madali na lang, si ina na bahala dun hehe. .

Si Jake hayun sa table niya masayang nagtatrabaho. Paano ko nasabing masaya? Eh pangiti-ngiti eh mukha na ngang engot. Kanina pa siya nasa harap ng laptop niya. Di ko naman alam kung anong ginagawa. Ayaw akong kausapin eh di hindi ko rin kinakausap. Basta sinundo niya ako sa bahay tapos kinausap niya si ina. Pasipol-sipol pa sa kotse. Dumaan kami sa J.Co at bumili siya ng hot choco and donuts kaya masaya na ko dun. Good mood yan kaya di ko na sisirain. Baka toyoin na naman eh...

Naalala ko tuloy mga pinaggagawa niya kahapon. At yung pag-amin niya kagabi... Gosh! <blush>...

Ang swerte ko kasi mahal ako ng isang Jake Aquino. Gwapo, macho, mabait, masayang kasama, mayaman, responsable, at napakarami pang magagandang katangian. Kung tutuusin, napakadaling mahulog sa isang tulad niya. I mean, who am I to resist his charm? Masyadong malakas ang magnet niya sa akin. Plus the fact na mahal niya ako, despite ng possibility na masasaktan siya in the end, makes me fall for him too.

Yes I admit it. I'm falling for him. Noon pa. Hindi ko lang agad napansin. O hindi ko lang agad naamin. Mahirap naman kasi talagang aminin na mahal mo ang isang tao lalo na kung alam mo sa sarili mong may mahal ka pang iba. Na alam mong ang puso mo, nakatalaga na sa iisa. Paano ka pa nga ba mahuhulog sa iba? Pero nangyari eh. Kahit ako nagtataka kung paano nangyari yun. Alam ko maraming manghuhusga. Pero sabi ko nga, tao lang ako.

"Can't resist my charm?"

Huh?

"Tss... You're staring."

Am I?

Shocks! Hindi ko namalayan na nakatukod na pala ang siko ko sa mesa at nakatitig sa gwapo niyang mukha. Nakakahiya!!! <(ˍ ˍ*)>

"Huwag ka nang mahiya... Allowed ka namang tumitig sa kin eh."

"I..... I wasn't staring. M-May iniisip lang ako..."

"Ganun? Akala ko pa naman nagagwapuhan ka na sa kin kaya ka nakatitig..." he pouted.

Natawa naman ako. Ang cute niya pag sumisimangot. Ang unfair lang. Psh.

"Hahaha! Ang pangit mo huwag ka nga mag-pout diyan!"

"Pangit? Pangit ako????!" nanlalaki ang mata niyang tanong sa kin.

"Psh, joke lang! Ito naman..." Pinipigil ko ang tawa ko kasi bigla siyang napangiti sa sagot ko. Tumayo siya at lumapit sa kin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila ako patayo.

"Thank you Sweety..." he said as he looked deeply in me.

"For what?"

"For making me happy. For staying with me. For everything. Thank you." he kissed the back of my hand.

It's another thing I like most about him. He never fails to send pleasing feeling whenever he's acting sweet. Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa ganitong lalaki?

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon