Chapter XXXIV - We're Stuck In Here

27 0 0
                                    

Author's Note: Naka-private ang Chapter 33. Yung mga followers lang ang makakabasa. Pero may mga mauutak diyan, I know, na magpa-follow para mabasa yung private chapter, tapos unfollow na pagkabasa. Bahala kayo, gusto niyo yan eh! Tse! ヽ(^。^)ノ

Chapter XXXIV - We're Stuck In Here

Kanina pa ako nandito sa labas ng MSP building, pero di pa rin ako pumapasok. Palakad-lakad lang ako. May ten minutes pa naman before office hour.

"Ms. Cheska, may hinihintay po ba kayo?" tanong sa akin ni Manong Rey, yung guard namin.

"Ahhh... Wala naman Manong. Hmmm... Nagpapalamig lang ako..."

Napakamot si Manong sa ulo. Oo nga naman, mainit dito sa labas, at sa loob ay may aircon. Haaaay. . . Sige na nga, papasok na ako.

Nagkasabay kami ni Celine sa elevator. Hindi ko siya napansin na dumaan sa front door.

"Hi Chesk! Kanina pa kita tinatawag sa labas kaso parang ang lalim ng iniisip mo kaya dumiretso na ko. May problema ka ba?"

"Ha? Hmmm... Wala naman. Gutom lang siguro ako. Hehe." Alanganin akong ngumiti sa kaniya.

"Excuse me." Nagulat ako sa cold voice ng nasa likod ko. Kahit hindi ko lingunin, alam kong si Jake yun. "Kung wala kayong planong pumasok, umalis kayo sa daan."

Tumabi na lang ako at tumungo, saka sumunod pumasok sa elevator. Bakit kaya dito pa siya dumaan eh may elevator naman sa likod?

Nakikita ko sa peripheral vision ko na napapatingin sa akin si Celine. Pero di ko na lang siya pinansin. Baka masamain pa ng boss ko na nasa likod namin.

Para namang nananadya na napuno ang elevator. May pumasok sa second floor na limang katao. Umatras na ako pero tuloy pa rin sila sa pagpasok kaya na-out of balance na ako.

"Hey, watch your steps!" sigaw ni Jake sa mga pumapasok, habang inaalalayan ang dalawang braso ko at iginiya ako sa gilid niya.

Nagsorry naman ang mga empleyado. Nakatungo lang ako. Parang ang tagal-tagal ng byahe ng elevator paakyat. Tumigil ito sa lahat ng floor at labas-masok ang mga pasahero. Nakasandal na lang ako sa sulok para hindi na ako mabunggo. Si Jake naman ay pumwesto sa unahan ko. Kahit paano eh natutuwa ako kasi pinrotektahan niya ako kahit pa obvious naman na galit siya sa kin.

When finally! Fifth floor na. Naglabasan na lahat ng tao, pati si Celine na kasabay ko. Kaso wala yatang planong lumabas si Jake kaya, "E-Excuse me..." Pero sa halip na umalis sa harapan ko ay humarap pa siya sa akin. Naguguluhang napatingala ako sa kaniya.

I met his gaze. Ang mga mata niya, ngayon ko lang nakitang ganun tumingin sa kin. They were always happy when staring at me. Pero ngayon, punum-puno ng hinanakit ang mga iyon. Parang iiyak na hindi.

I was about to say something nang biglang magbago ang ekspresyon ng mukha niya. He smirked. Then he left me dumbfounded.

Sumara ang elevator at umakyat sa sixth floor. Lumabas ako doon at naglakad patungo sa staircase. Puno ng pagtataka ang mga nandoon, yung iba parang natatawa. Hindi ko na lang sila pinansin.

Pagdating ko sa fifth floor, lumapit agad sa akin si Celine.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa kin. Naramdaman kong nakatingin sa amin ang ibang officemates namin kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Hmmm... Hindi mo kasi ako ginising... Nakalampas tuloy ako, haha!" Pinilit kong hindi mahalata ang pekeng pagtawa ko.

"Loka ka, akala ko naghahanap ka ng makakainan kaya lumampas ka, yun pala nakatulog ka na... haha!"

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon