Chapter XIII - Cinderella's Slippers

54 3 0
                                    

Chapter XIII - Cinderella's Slippers

*Jake's POV

'Shit! Why am I acting like this!?! I should have stopped the day I know that she has a son, but heck! I've let this happen!!! Aaargh!'

I look at my reflection in the mirror as I put my hands at the edge of the sink. Pumasok naman ang kinaiinisan ko.

"Are you after my girl?" tanong niya sa kin habang nakasandal sa pader at humalukipkip.

Tiningnan ko siya sa salamin at sinabing "That's none of your business."

He smirked. Ang yabang nitong g*gong to ah!

"She is mine, and that made her my business." sagot niya.

"Cheska is not anyone's property. And as far as I know, she broke up with you a month ago so that means you have no business with her anymore!" I said while still staring at his eyes in the mirror.

Mukhang natigilan siya. Hmmm!

"How did I know? Sinabi niya sa akin. I told you, we're close friends. She has told me a lot of stories about her life." sabi ko pa.

Nakita kong nag-smirk siya ulit. "Really? Sabi mo nga, you're 'CLOSE FRIENDS', so you should know where to stand. Kaibigan lang ang turing niya sayo, nothing more than that! And she told you stories of her life? Huh! Congratulations! Kasi ako, hindi na niya kailangan magkwento. We've been together for ten years, and she has shared her life with me."

Para naman akong naitulos sa kinatatayuan ko. Tama nga siya. Ano bang karapatan kong mag-inarte dito? Eh kaibigan lang naman ang turing sa kin ni Cheska. Kahit pa alam ko nang mahal ko na siya, hindi naman ibig sabihin nun na may karapatan na ako sa kaniya. At ang lalaking ito ang ama ng anak niya. Ang nakasama niya sa halos kalahati ng buhay niya.

Pero sa isang banda, hiwalay na sila. Nakaraan na lang siya. Wala na rin siyang karapatan kay Cheska. Hindi ako dapat basta sumuko na lang!

"Yeah, you may have been with her for years, and that's just a month ago. You're just her past! You're no longer her man now! It's just that she has a son with you that's why she's still treating you nice. But for a guy who's taken her for granted? I don't think you deserve any good chance to be with a precious girl as she is!" Galit ako. Naiinis na ako sa kaniya. Kung sasagot pa siya, hindi ko na alam ang pwede kong magawa sa kaniya.

"Not because we're separated, it means she's no longer in love with me. She'll be mine again. So back off!" Matigas niyang sabi.

Humarap ako sa kaniya.

"I won't let her love you still. I'll do my best to take away the sadness you caused her. I'll make her fall for me and forget you. You're not worthy of her love! You irresponsible man!"

Sinugod niya ako ng suntok sa mukha, ginantihan ko din siya. Malakas siya pero hindi ako papatalo sa kaniya. Mas matangkad ako sa kaniya ng dalawang pulgada kaya sa panga ko lang tumatama ang suntok niya. Tinamaan ko naman ang kanang kilay niya.

Suntok dito, sipa doon. Ibinuhos ko ang galit ko sa kaniya. Sa pananakit niya kay Cheska.

May umawat sa amin na mga lalaki. Tigdalawang lalaki ang pumipigil sa amin pero nakatadyak pa ako sa kaniya bago kami tuluyang napaghiwalay.

"Lumayo ka kay Cheska, hayop ka! Hindi ko hahayaang mapunta siya sayo! Akin lang siya!" sigaw niya.

"Wala kang karapatang pigilan ako! Hilingin mo yan sa kaniya at sigurado akong hindi ka niya pagbibigyan! Huwag kang masyadong umasa! Baka bukas makalawa hindi ka na niya kilala!" I shouted back.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon