Chapter XI - Beautifully You

59 1 0
                                    

Chapter XI - Beautifully You

Chesk's POV

It's Friday and it's raining. Mabuti na lang nasa office na ako nang umulan. Yes, pumasok na ako kasi okay na naman ako, and besides napakarami ko pang trabahong dapat gawin. Ayoko namang isipin ni Jake na porke we're friends eh aabusuhin ko na yung kabutihan niya.

Speaking of unggoy, wala pa rin siya until now. Bakit kaya? 11:30 am na. Ngayon lang siya na-late ah...

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang napakagwapong nilalang, este.. si Jake!

"Good morning Sweety!" Yeah, nasanay na ako sa pagtawag niya sa kin. "Did you miss me?" Argh! Lakas talaga ng hangin nito.

"Of course not! Tahimik kasi ang mundo ko until dumating ang bagyo..." pang-aasar ko sa kaniya.

"Hmmm... Ganun ba? Okay..." Aba! Himala yata't hindi siya kumontra!

"Sayang naman pala ang mga niluto kong to, wala palang may gusto..."

Noon ko lang napansin na may dala siyang malaking paper bag, tapos pumasok na siya sa pantry room.

Curiosity strikes. Sumunod ako sa kaniya. Ano kayang dala niya?

Wow!!! My super duper ever loved Tuna Carbonara! May kasama pang tuna sandwich, bread rolls, cassava cake, chocolate mousse, at Mogu-Mogu drinks!!! Teka, paano niya nalamang favorite ko lahat ng yun!?!?

"Ahmmmmm..... may darating ka bang bisita? Bakit ang dami mong dalang pagkain?" tanong ko kay Jake na abalang nag-aayos ng mesa.

"Ah ito ba? Ito kasi ang dahilan kaya ako na-late. Pinagpaguran kong lutuin lahat ng yan, maliban sa cakes and drinks. Pero hindi naman pala ako hinihintay nung taong nag-inspire sa kin magluto..."

Hindi siya tumitingin sa kin... Aruyyyyyy!!! Matampuhin pala ang isang to...

Lumapit ako sa kaniya. "Tulungan na kita...."

"Huwag na. Ako na." yan agad ang sagot niya. Psh, tampo talaga siya???

Kumuha na lang ako ng pinggan at kubyertos. Inayos ko na din yung baso at kumuha ng tubig sa ref. Hindi pa rin niya ako pinapansin...

Pabalik na sana ako sa lababo para maghugas ng kamay nang magkabungguan kami.

I'm falling!!!!!!!!!!!!!!

"Aaaahhhhhhh!!!!!!"

I'm not falling anymore!

Nasalo na naman ako ni Jake my friend.

Gahhhhd! Nakita ko na naman nang malapitan ang mukha niya. He's staring at me, particularly sa mata ko, down to my, eeeh? lips??? ahhhhhhh.. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa........

"Ahhhh... N-Nangangawit na ko Jake. Hehe" I fake a smile to remove the awkwardness. Nakita ko siyang lumunok, bumuntong-hininga, bago ngumiti.

"Ang clumsy mo talaga Sweety. Buti na lang mabilis akong kumilos. Ah teka! Huwag mo na akong babatuhin ng sapatos ah!" umilag pa ang loko. Haha.

"Bakit naman kita babatuhin? Halika na nga, kain na tayo. Gutom na ko eh." Hinila ko siya sa braso pero hindi siya natinag. "Ah, bakit? Galit ka pa rin ba sa kin? Sorry na, binibi..."

"H-Ha??! Ah, h-hindi! Hindi ako galit, hindi ko naman magagawang magalit sa yo eh. Niloloko lang kita kanina.." ^____^

Hawak ko pa rin pala ang kamay niya. Hihigitin ko na sana nang bigla naman akong hilahin ni unggoy papunta sa upuan.

"Hayan, kain na, baka lumamig pa yan. Nga pala, na-receive mo ba yung text ko sayo?" tanong niya.

"Huh? Nagtext ka ba? Ay naka silent yung phone ko, teka kukunin ko lang sa mesa..."

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon