Chapter XXXII - Love On Top

32 0 0
                                    

Chapter XXXII - Love On Top

I saw her enter the bar. Hindi niya ako napansin dahil may nakaharang sa akin. She looked around na parang may hinahanap, then texted somebody, then she walked papuntang counter.

Tingnan mo tong babaeng to. Sabi ko magpahinga na siya, yun pala may plano pa siyang mag-bar. At ang suot. Skinny black leather jeans, red mini sleeveless na hapit sa katawan niya, at high inched-heel boots. Tsk! Habol tingin na naman ang mga manyak dito...

Gusto ko sana siyang lapitan pero bigla akong hinarang ni Robin.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis."

May imimeet daw siya ngayon at isinama niya ako. Tss. If I know babae lang niya yan. Kailan kaya magbabago ang lalaking to?

I look again sa bar counter. I was shocked nang makita kong may kayakap si Cheska. Isang lalaking malaki ang katawan. She seemed so happy while talking to him. Sino kaya yun?

Hindi inalis ng lalaki ang kamay sa waist niya. Bakit hinahayaan niyang ganun kalapit sa kaniya yung lalaki?

Hinila siya papunta sa isang table sa may stage.

"Tol halika na... Dun na tayo sa VIP Room." Hinigit na ako ni Robin. Naman eh! Bat ba kasi ayaw akong tantanan nito...

Pagpasok namin sa VIP, nandun na yung ka-date ni Robin at may kasama pang isa. Psh. Bakit ba dito pa sila nagkita?

"Hi baby! I'm sorry we're late..." si Robin, sabay halik at yakap sa babae niya.

"Tss.. Get a room, will you?" singhal ko.

"What? This is a private room. By the way tol, this is Bianca" turo niya sa babe niya sabay halik sa leeg nito, "and this is Maricar, friend niya. Girls, siya si Jake, bestfriend ko."

"Hi!" sagot ni Bianca. Ngumiti lang sa kin si Maricar.

Tumango lang ako sa kanila.

Pumunta ako sa may glass wall. I can see the center stage from here, pati ang table ni Cheska. Wala na doon ang lalaking kasama niya kanina. May kasama na siya ngayong babae.

Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya umalis ako sa glass wall. Mamaya ko na lang siya lalapitan.

Bumalik ako sa table namin. Kahit naman ayokong makipagdate eh hindi pa rin maganda kung hindi ko siya kausapin.

"Hi." bati ko sa kaniya. "Maricar, right?"

"Yeah." She smiled at me.

Pareho kaming napatingin sa dalawang may sarili nang mundo.

"Do you wanna watch the band outside?" tanong niya sa akin.

"That's better, I think. Let's just leave them here. C'mon."

Inalalayan ko siya palabas ng VIP Room. Hindi na kami napansin nung dalawa dahil sobrang busy na nila. Kawawa din naman pala itong si Maricar kung hindi ako sumama.

May nakuha pa akong vacant seat. We ordered food and drinks. Hindi pa nga pala ako nagdinner.

Napatingin ako sa table nina Cheska which is three tables away from here. Ang saya niya habang nakikipagkwentuhan sa kasama niya. Mukhang enjoy naman siya.

She's drinking. Baka mamaya masobrahan to, baka magdrive pa to.

"Jake?"

"Ha? Yeah? What we're you saying?"

"Sabi ko saan ka nag-stay?"

"Uhmm... Sa Imus. Sa Condo ko." Ewan ko, di ko lang feel sabihin yung address ko dito sa Tagaytay.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon