Chapter XX - The Prodigies
*Chesk's POV
Ilang araw na akong hindi pumapasok.
Hindi ko kayang humarap kay Jake.
Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang nailang sa kaniya.
Pero naisip ko kasi, siguro kasalanan ko din.
Natukso siya kaya ganun.
Kaya nga hindi ko magawang magalit sa kaniya eh.
Pero nahihiya kasi ako.
Haaaaay.
It's Friday. Five days ago pa kami huling nagkita. Nag-usap.
Kamusta na kaya yun?
Di man lang magtext. Hmmp!
Bahala nga siya. Hindi ako papasok hangga't di siya kumokontak sa kin.
Toot.Toot.
May nagtext!
From: Joshua
Si Josh! Naku, kamusta na kaya to?
'Hi Chesk, kamusta na yung sugat mo? Okay ka na ba? Nakakalakad ka na ba nang ayos? Pinatingnan mo na ba ulit yan? Dapat pa-checkup mo yan ha kung okay yung recovery ng sugat. Si Zach kamusta? Paalis na kami mamaya pa-Japan. I miss you.'
Eeeeeeeeeehhhhh. . .
Kinikilig ako...
Nakakainis naman tong si Josh eh!
I replied:
Yeah, okay na naman yung sugat ko. Medyo okay na ko maglakad. Zach is doing fine. Nanonood siya ngayon ng Toy Story 3 sa pad niya. We're here at Starbucks. One week na ko on leave. Ingat ka sa byahe. We miss you too.
Sent
Nang biglang
Ring.Ring.Ring
Jake Yabang Calling...
Huh?
Bakit kaya siya tumatawag?
Sasagutin ko ba?
Eh pano kung galit siya kasi di man lang ako nagpaalam mag leave?
Aysh! Bahala na nga.
Hooh!
"Hello."
---
*Jake's POV
"Hello." I heard her on the other line. I missed her voice. Five days ko na siyang tiniis. Hindi ko na kaya pa.
Nung gabing hinalikan ko siya, natulala na siya. Hindi siya nagsalita hanggang natapos ang party. Inihatid ko siya sa guest room niya pero she didn't say a thing. Akala ko magagalit siya at sasampalin ako. Mas maigi pa nga sana kung ganoon. Para alam ko kung anong nararamdaman niya. Kaysa tahimik siya at parang may iniisip.
But what's worse is nung wala na akong naabutang Cheska kinaumagahan. Maaga daw umalis sabi ni Mama. Ipinahatid niya sa driver niya.
"Cheska... How's your foot? Magaling na ba?"
I'd rather pretend that nothing awkward happened.
"Uhm... Yeah, okay naman na. Medyo diretso na yung lakad ko. Hehe." sagot niya. Her voice is music to my ears.
"Mabuti naman kung ganun. So hanggang kailan ka magli-leave?"
I asked her.
"Ang totoo, hindi naman ako nagfile ng leave of absence. Akala ko nga wala na akong babalikan diyan kasi AWOL ako. hehe"
BINABASA MO ANG
Now and Forever, I Will Be Yours
RomanceWhen you fall in love, will it be forever? What if sa paglipas ng panahon, lumipas na rin ang magandang pagtitinginan? Will you still fight for that love? Or just accept that maybe you're not meant for each other?