Chapter XXIX - Hoolahoop

31 0 0
                                    

Chapter XXIX - Hoolahoop

Tahimik lang siya sa passenger's seat. Ano na naman kayang nangyari? Sari-sari nang emotions ang nararanasan niya ah. Kahapon dahil sa kin. Kaninang hapon dahil kay Joshua. At ngayong gabi dahil kay Liam??? She's single and yet ang kumplikado ng buhay niya! . . . Kung sana sa akin na lang kasi eh. . Haaaaay. ╭(╯ε╰)╮

Ano bang pwede kong gawin para ma-divert yung nararamdaman niyang lungkot? Tsk. .

Traffic pa. Pag sinuswerte ka nga naman oh. . Lalo lang mayayamot to eh. Tumingin ako sa wristwatch ko and it's 8:30.

Kinabig ko ang manibela pakanan. Gulat siyang napatingin sa kin. I just smiled at her.

We stopped sa tapat ng isang park. Kakaunti na ang tao roon. May tatlong batang babae na naglalaro ng hoolahoop sa bandang side ng park. Mukhang nagkakatuwaan sila.

I saw Cheska walking towards them. She's starting to smile.

Pano ba naman kasi, ang sarap ng tawanan ng mga bata. Ang sarap pakinggan. Parang wala nang bukas.

Bigla silang natigilan nang makitang nanonood kami.

"Ahhh. . ate pretty, do you want to try?" tanong nung isang bata kay Cheska.

"Oo nga ate. Hindi kasi kami marunong. Pwede mo ba kaming turuan?" segunda nung isa. Pumayag kaya to?

"Ate please?" yung pangatlo. Ha ha! Wala na siyang lusot. Ang tanong, marunong kaya siya?

"Oh, sure. . Pero hindi ako magaling ha! Medyo matagal na since I play with this eh." Habang kinukuha niya yung hoolahoop.

Pumwesto na siya. Tinatantiya pa yata niya kung paano yung position ng feet at arms niya. Nakasuot pa din siya ng dress kaya mukha siyang isang eleganteng biglang nag-isip bata. Ang cute niya pa rin. Hehe

Nagsimula na siyang magpaikot. Slowly she sways her little waist at na-maintain niya doon ang hoolahoop.

"Wow! Ang galing mo naman ate pretty..." hangang-hanga na sa kaniya yung tatlo.

Then she began swaying harder kaya tumaas bumaba na yung hoolahoop.

Then she raised her hands at umakyat sa isang wrist niya ang bilog.

Woah! Ang galing ah!

"Yehey!!!" the girls said in unison.

Pero hindi pa tapos. Ibinaba niya ulit ang hoop pabalik sa katawan niya until it reached her legs kaya todo giling ang binti niya ngayon. Nakakatuwa kasi mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya.

Then she pulled the hoop using her one foot kaya umakyat ulit ito sa waist niya. She stopped when a voice called out.

"Alex, Barbie, Casey... Uwi na daw kayo sabi ng mom niyo!"

"It's Yaya! Ah ate pretty, thanks for showing us some tricks. We'll use them tomorrow sa school para di na kami i-bully nung classmates namin. . " si Alex yata yun.

"Oo nga ate pretty. Thank you! Sana maging kasing galing mo kami."

"No problem kids, practice lang kayo para ma-perfect niyo ang moves. Saka huwag kayo papaapi sa classmates niyo. Ang gaganda niyo pa naman. . ." Masaya na si Cheska.

"Opo ate. . Ay, if you want sa yo na lang itong hoolahoop ko. . Remembrance po namin sayo."

"Talaga? Naku thank you ha?! Iingatan ko to, promise." Niyakap na niya yung hoolahoop. Excited na agad. Psh.

"Sige po, uwi na kami. Enjoy kayo ni Kuya Handsome. Bagay na bagay kayo." ano daw??? (*¯︶¯*)

"UUUuuuy. . . si kuya Handsome nagbublush!"

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon