Chapter XXXVII - Justine Zachariah's Birthday

37 0 0
                                    

Chapter XXXVII - Justine Zachariah's Birthday

July 7, Sunday

Everything is perfectly set. Magmula sa food, venue, give aways, balloons, sound system, projector, party hosts, band (oo may tutugtog na banda mamayang gabi), magicians, mascots, buffet table, packed food for kids, lahat! Ang theme? Mickey Mouse. Favorite kasi namin ni Zach si Mickey. Ang cute cute kaya! Ang mascots ay sina Mickey and Minnie. Hangkyut!!! (*¯︶¯*)

Sa lahat ng ito, tinulungan ako ni Jake mag-organize. The whole week namin inayos ang lahat. Kami mismo ang kumausap sa mga suppliers kaya naka-discount ako nang malaki. Gusto pa ngang magbigay ni Jake ng additional budget kaso siyempre hindi ako pumayag. Ang laki na ng naitulong niya sa akin. Ayoko naman na isipin niya na inaabuso ko na yung kabaitan nya.

Grabe lang, alam niya lahat ang gusto ni Zach, kaya naman super tuwang tuwa ang baby ko. Wala siyang tigil nang pag-entertain sa mga bisita niya. Napadami yata ang dosage ng ferrous sulfate niya today??? ^O^

Lahat nga pala ng bisita ay naka-mouse headdress. Kaya nagkalat ang mga daga sa party ヽ(^。^)ノ

Maraming pakulo ang hosts. Maraming games na pambata, at meron din naman para sa mga nakikibata. Maluwang naman ang garage, driveway, at garden namin kaya tamang tama lang para makapagsetup ng stage, buffet, tables na kayang i-accomodate ang 150 pax at center space for games. Palibhasa Linggo kaya lahat ng inimbita namin ay nakadalo.

"Hi Mare!!! Long time no see!!!" Salubong sa akin ni Czarina. Friend ko since high school. Kasabay niyang dumating sina Maureen, Marcy na kabuwanan na, Dianne na mukha pa ring teacher kahit nakacivilian, at Ericka na tatlo na ang kids at kasama niya lahat.

"Hi! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay ah!" Nagbeso-beso na kami. Ang sweet ng girlfriends ko. ^O^

"Eh pano kasi tong si Ericka. Ang bagal kumilos." said Maureen.

"Hoy! Alam niyo namang tatlo ang alaga ko eh! Hmmmmp!" sagot ni Ericka. She's the youngest among us, and yet siya ang kaunahang makatatlo ng anak. Hindi na siya nakatapos ng college kasi mas pinili niyang mag-alaga ng babies niya. Ang lusog lusog niya nga eh. hehe.

"Haha! Oo nga naman. Kayo talaga! Buti dinaanan niyo na sila kasi mahirap magbyahe nang tatlo ang bitbit." I said.

"Haha nagpahatid kami sa boyfriend ni Dianne." sagot ni Marcy.

"Really? Nasaan na siya? Bakit di niyo pinapasok?"

"Pinauwi ko na. Baka kasi iwan pa ako nun pag nakita ka..." o.o

"Muahahahaha!!!!" We all laughed at her. Napaka-possessive. Well, lahat naman sila ganyan. Ayaw ipakilala sa akin ang mga boyfriends nila kasi baka daw mahumaling sa akin. Thoughtful di ba? Psh!

"Excuse me..." a familiar voice called out kaya we stopped laughing, and nakarinig ako ng "Ooooooohhhh" mula sa mga kaibigan ko. . . "Sweety, pahiram ng camera mo. Nalowbatt na itong sa kin eh."

Oo nga pala, nandito siyempre si Jake. Busy siya sa pag-iintindi ng lahat ng kailangan, pag-eentertain ng mga bisita, pagbili ng mga additional drinks para sa mga nag-iinom, pag-aasikaso kay Zach, taking photos, at marami pang iba. Pero never siya nagmukhang pagod o nagrereklamo. Seems like he's enjoying Zach's day too.

"Oh sure!" Tinanggal niya sa leeg ko yung DSLR na gamit ko. "Ay, by the way guys, I want you to meet Jake, my boss."

"Boss????" sabay-sabay nilang sabi. More likely sigaw.

"Yeah, I'm her boss but her friend too. Pleased to meet you all!" he smiled at them and offered his hand. Nakatitig pa din silang lahat kay Jake kaya hindi nila naabot ang kamay nito.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon