Chapter XIV - Sudden Danger

63 3 0
                                    

Chapter XIV - Sudden Danger

*Chesk's POV

Nasaan na ba ako? Sa sobrang bilis kong tumakbo, hindi ko naabutan ang sarili ko. Haha!

=_= okay, lame yun.

Takte, ang sakit na ng mga paa ko! Kung bakit kasi hindi ko muna pinulot yung tsinelas ko eh. Kung anu-ano na tuloy naaapakan ko. Malamang may pupu ng hayop na to. Eeeeeeeew!

Until I reached a cliff.

I gasp as I look at the surroundings.

Wow!

Napakaganda! Mula dito ay tanaw ang kalawakan ng dagat. (Ang lalim nun!) Maraming puno sa paligid. Ibat ibang huni ng mga ibon. May malawak ring damuhan na marahil ay ginagamit para sa picnic. Hmmmmn. . . Kung hindi lang masama ang loob ko niyakag ko sila dito. Pero syempre hindi ko naman makikita ito kung hindi ako nag-walkout.

Siguro 20 storeys ang taas nitong cliff. Sinubukan kong dumungaw sa baba pero umatras din ako agad. Mahirap na, ayoko pang mamatay!

The cottages are located at the right. Ganun pala kalayo ang tinakbo ko. Sa sobrang inis ko sa dalawang yun hindi ko na namalayan na malayo na ako. Haaaaay.

Hindi naman ako galit sa kanila eh. Alam ko pareho lang silang engot. Naiinis lang ako kasi hindi ko alam kung bakit kailangan nilang gawin yun. Ano bang problema nila? Yung si Joshua pinatulan pa yung abnoy kong boss. Eh pano na lang kung demerit sa kin yun??? Aysh! Hindi naman siguro. . .

Yun namang si Jake isa pang adik. Bakit ba kasi nandito siya? Nagkataon nga lang ba? Napapansin ko naman simula pa lang na mainit ang dugo nila sa isat isa. Okay lang sana kung ako pinag-aawayan eh. Kaso sa inasal nila kanina sa lobby, mukhang mga sarili naman nila ang pinoprotektahan nila. Ni hindi na nga nila ako napapansin. Hmmmmp! Ang nakakainis pa ang tagal nila bago ako habulin. Kita mo nga hanggang ngayon wala pa rin!

Pero sa totoo lang, nasaktan ako sa sinabi ni Jake kanina. Hindi ko alam kung biro lang ba yun o talagang double meaning. Nakita ko kasing tumungo si Josh. Then I knew it hit him too.

"Hindi ko siya minamanyak, nagsasabi lang ako ng totoo. Masyado ka kasing mareklamo, na kahit katiting na biyaya di mo napapansin. Pero ako masaya na ako sa kaunting pagkakataon na yun."

Ano ba kasing gusto niyang palabasin? Bakit kailangan niya pang ipamukha kay Josh yun? Kahit naman hiwalay na kami, hanggat maaari ayoko siyang sumbatan. He has been a good father to Zach, and a good boyfriend to me as well. Lately na lang naman kami nagkaproblema eh. I was just so hurt na hindi niya pa ako mapakasalan. Para kasing nag-iba siya. Masyado na siyang aloof sa kin. That I can't even touch his phone. Parang meron siyang itinatago. That I don't know what and why.

Naputol ang pag-mumukmok ko sa damuhan nang may marinig akong kumaluskos. Sila na siguro yun. Hindi ako lumingon kasi medyo tampo pa nga ako. Bakit ngayon lang sila? Palubog na ang araw eh. Lalo tuloy gumanda ang langit dahil kulay orange na ito.

May narinig akong yabag. Matalas ang pakiramdam at pang-amoy ko. Alam kong hindi lang isang pares ng paa ang lumalapit. Iba rin ang pabangong gamit nila kina Josh at Jake.

Nakaramdam ako ng takot, pero hindi ako nagpahalata. Naging malikot ang mata ko, nagbabakasakaling may magagamit akong pangdepensa.

Hanggang naramdaman kong akma niya akong hahawakan sa balikat nang sunggaban ko ang kamay niya.

"Woah! Ang bilis nun Miss." Sabi ng guy1. Hindi ko nga sila kilala.

"Leave me alone." I said coldly.

"Hanep pare, ang lamig ng boses! Painitin na natin agad yan!" Sabi nung guy2.

"Pre ako muna ha. Ako unang nakakita sa kaniya kanina. Mabuti na lang sinundan natin siya." Guy3

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon