Chapter XVII - Surprised Party

55 3 0
                                    

Chapter XVII - Surprised Party

SALCEDO'S MANSION

*Chesk's POV

"Ha..?" yun lang ang naisagot ko kay Jake dahil biglang bumukas ang pinto ko, hinila ako palabas ng Mama niya, at biglang niyakap. Kahit nagulat ay nagawa ko pa rin namang gumanti ng yakap sa kaniya.

"Hija! It's good to see you again!" nakangiting sambit niya sa akin.

"Ako din po ma'am... este Mama Laura.... Na-miss ko po kayo..." I told her. Totoo naman, kahit pangalawang beses pa lang namin magkita, ang gaan na ng pakiramdam ko sa kaniya. Para ko na talaga siyang ina.

"Ahuh... I told you, Mama ang itawag mo sa akin..." sabay baling sa babaeng kasama niya who looks like her. Siya yata ang mama ni Robin kasi nakita kong sinalubong siya ni Robin ng yakap kanina.

"Sandra, I'd like you to meet Cheska, ang mamanugangin ko. Cheska, Sweety, this is my bestfriend, ang mama ni Robin..."

"Hello po madame, nice meeting you po. " I slightly bow my head to show respect. Hindi ko na kinontra yung sinabi niya, alam ko namang biro lang yun.

"Naku hija, please call me Tita. At last na-meet din kita. Palagi ka nga niya ibinibida sa akin. Naunahan lang ako nitong si Laura, pero kung nauna akong makakita sayo, aba! ipapakasal kita agad kay Robin ko para matigil na siya sa kalokohan niya sa babae." o.o ano ba yan? Nagbeso siya sa akin.

"Ma! Nakakahiya kay Cheska baka akalain niya totoo yun. Ni hindi pa nga ako nakaka-first move eh sinisiraan niyo na ako..." isa pa to! enebey!

"Ehem!" lahat kami napalingon kay Jake na nag-fake cough.

"I think we should be getting inside first. And Lex Robin, we need to talk." madilim yung mukha niya nung sinabi niya yun. . Bakit na naman kaya?

"Halika na hija, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko, dali!" at hinigit na nga niya ako pero masakit pa ang paa ko kaya muntik na akong mapaluhod. But somebody's arms are wrapped around my waist kaya hindi ako nahulog.

"Ma! Be careful, please! She has a wound on her foot and knee that she can't walk properly." oo siya nga ang nakasalo sa akin. Pero nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. Tiningnan ko si Mama Laura kung anong reaksyon niya but to my surprise,

"Why? What happened?" concerned na tanong niya sa amin. Ayoko namang maungkat yung nangyari kahapon kaya nagsinungaling na lang ako.

"Ah. . Nadapa po kasi ako kahapon sa beach. Nagtatakbo po kasi ako . . hehe. . pero okay na naman po medyo hirap lang po ako itungtong."

"Ganun ba? Naku, I'm sorry hija, excited lang kasi ako na ipakilala ka sa mga amiga ko. Pihadong maiinggit ang mga yun. O siya, halika na, dahan-dahan na lang tayo. Ay no!" Nakakagulat naman...

"Baby, pakibuhat mo na lang si Cheska para hindi na siya mahirapan." o.o?

"Ahhhh. . . Mama. . hindi na po kailangan, kaya ko naman po eh. . " tutol ko.

Pero bigla na lang akong binuhat ni Jake at bumulong siya sa akin.

"Huwag mo nang kontrahin si Mama, pag yan nagalit, bahala ka..."

"Pero masakit pa nga ang katawan mo di ba? Baka lumala pa yan..."

"Ssssssshhh... Just hold on tight so you won't fall." at nagsimula na siyang maglakad kaya bigla akong napakapit sa dibdib at batok niya.

"Now, that's more I like it." ngingiti-ngiting sabi niya.

"Hmmmp! Pervert!" bulong ko na ikinatawa naman niya. Natawa na lang din ako at hinyaan na lang siya. Masakit na din kasi talaga yung paa ko.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon