Chapter XVI - The Departure

76 2 0
                                    

Chapter XVI - The Departure

*Josh's POV

Madaling araw na ng Linggo. Ngayon ang araw ng flight ko. Hindi na sana ako tutuloy sa pag-alis dahil sa nangyari kay Cheska pero hindi siya pumayag. Maayos na naman daw ang lagay niya kaya huwag na daw akong mag-alala. Kesyo malayo naman daw sa bituka yung sugat niya. Pilosopo talaga.

Nandito na kami sa kotse, pauwi na kami sa Cavite. Si Cheska at Zach nasa backseat. Sa kanan ko si Jake. Oo tama kayo ng basa. Isinabay na namin si Jake pauwi dahil nga mahihirapan siyang magmaneho dahil sa sugat niya sa likod. Kayo kaya ang bugbugin nang may pako.

Si Marian nagpaiwan sa resort kasi maghuhunting pa daw siya ng lalaki. Yung babaeng yun talaga, ang kiri. Siya na lang ang mag-uuwi ng kotse ni Jake.

Nakatulog na yung mag-ina ko sa likod. Yung anak ko nag-enjoy pa rin naman sa paglangoy eh. Mabuti nga hindi siya natakot sa nangyari sa Mom niya. Samantalang ako hindi ko maintindihan ang gagawin. Haaaay. Tahimik akong nag-iisip nang biglang magsalita yung katabi ko.

"Pasensya ka na Pare kung nasira ko ang araw niyo ha. Kasalanan ko lahat. Kung hindi na sana ako sumunod, hindi mangyayari kay Cheska to. Na-enjoy mo pa sana yung last day mo kasama sila." Sinulyapan ko siya at nakita kong malungkot yung mukha niya habang nakaharap sa bintana.

"Wala namang may gusto ng nangyari eh. And besides ako pa nga ang dapat na magpasalamat sayo sa pagtatanggol mo sa kaniya. Malaking bagay yun sa akin. Kaya salamat." I sincerely thanked him.

Ngumiti siya sa kin, "So hahayaan mo na akong ligawan siya?"

Biglang preno ako dahil sa sinabi niya.

Nagising tuloy yung mag-ina.

"Josh, what happened?" Tanong ni Cheska.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Ngingiti-ngiti naman yung unggoy.

"May tumawid kasing unggoy Mommy kaya napapreno ako bigla. Sorry baby nagising ko kayo." Sabi ko na lang.

"Really Daddy? There's a monkey in here?" Tanong ni Zach.

"Yes son, a big, bad monkey." Sabay tumingin ako kay Jake na ngayon eh tahimik na.

"Wow, sayang I didn't see it. I'm hungry Mom. Can we eat po?" tanong ni Zach sa ina.

"Hmmn. . Yes baby, we'll eat at a nearby restaurant." Ako na ang sumagot. Mukhang antok pa ang mahal ko eh.

Kumain muna kami sa Alfonso's Grill. Then we headed to Cheska's place. Hindi na rin kami nagtagal doon kasi ihahatid ko pa si Jake sa condo niya sa Imus. Ayaw nga niya magpahatid kaso konsensya ko naman yun syempre. Kahit pa asungot to, mukha namang mabuti pa ring tao.

Nakababa na siya ng kotse, nagpasalamat naman at niyakag pa akong pumunta sa unit niya, pero tumanggi ako. Naglalakad na siya palayo nang

"Jake..." tawag ko sa kaniya.

---

*Jake's POV

"Jake..." tinawag ako ni Joshua. Lumingon ako at lumapit naman siya.

"Please take care of Cheska. She's so vulnerable. I mean, marami kasing mga umaaligid sa kaniya. And I can't tell whether or not they are trustworthy. Ikaw na muna sana ang bahala sa kaniya. Habang wala ako."

Hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon. Kahapon lang pinalalayo niya ako kay Cheska, ngayon naman gusto niyang bantayan ko ito? Kung ako siguro hindi ko ipagkakatiwala si Cheska kahit kanino lalo pa't alam kong may gusto yung tao dito.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon